LUMIPAS ang ilang araw na walang humpay ang pagbuhos ng ulan. May bagyo at nasa loob na ito ng Philippine Area of Responsibility, pero wala pang suspension ng klase kaya pumasok pa rin ako. Matapos ang naging pag-uusap namin noon ni Mister Finn, tuluyan na nga akong naka-move on. Magkagano'n man mananatili siyang espesyal sa buhay ko. Nakakapag-focus na ako nang husto sa aking pag-aaral. Alam ko naman kasing palaging nakasuporta sa akin si Mister Finn. Ang kaunti namin ngayon sa klase. Hindi na pumasok ang ibang mga estudyante lalo na ang may malalayong bahay na nasa labas na subdivision. Pumasok sa loob ng silid-aralan si Mrs. Drew, ibinalita niya sa amin ang bagong anunsiyo sa radyo. Itinaasa na sa signal number 2 ang Metro Manila, kanselado na ang pasok sa lahat ng antas

