Hinintay ko lang si Akiella na magising, nang makasigurado na ako na okay na siya ay hinatid ko na ito sa boarding house Niya. " Salamat astra" wika nito habang nakayuko. Nakasandal lang ako sa motor ko at tiningnan siya mula ulo Hanggang paa. " G-gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Tumango naman ako. Nang makapasok na ako ay agad ko namang tiningnan Ang paligid ng boarding house Niya maliit lang ito at sakto lang ito para sakaniya. " Pasensya kana dahil Sakin kaya di mo na tuloy nalaman Ang scores mo" sambit nito habang nag titimpla ng juice. " Wag mo ng isipin yan, mag pahinga kana muna wag ka ng mag abala na timplahan pa ako." seryuso ko namang wika. " Kilala mo ba Ang dumukot sayo?"Tanong ko Naman Dito. Umiling Naman siya habang ibinigay Sakin Ang juice. Bigla namang dumako A

