“VLADIMIR HAMILTON POV” NAKA UPO lang ako sa taas ng bundok na ito, mula Dito natatanaw ko Ang Ganda ng City lights. Napangiti Naman ako ng bahagyang humangin. Naalala ko naman Yung mga panahon na nagkita kami ni astra Dito sa taas ng peek, Hindi ko alam pero Masaya parin ako habang inaalala ko Ang mga Araw na ’yon. Ilang taon ko na din siyang nililigawan sa una palang alam ko na Wala na akong chance sakaniya pero Hindi parin ako nawalan ng pag Asa, I still hold to this little hope inside me. Akala ko kung lalayo na siya Kay Akio ay may pag asa na ako, ngunit Hindi parin pala Hanggang ngayon ay siya parin pala Ang panalo. Naalala ko na Naman Ang Nakita ko kanina. “FLASHBACKS” HINAHANAP ko si astra dahil may sasabihin ako sakaniya, baka kasi nalaman niya na Ang tungkol Kay Monica.

