TERESA Naglalakad ako patungo sa room ni Tantan ngunit nadatnan ko na lang na narito si Alexa. Kasama niya na si Tantan. Bahagyang ngumisi ito sa akin nang makita kong magkahawak pa sila ng kamay. "Mommy," natutuwang sambit ni Tantan. Akmang pupuntahan sana niya ko sa gawi ko ngunit hawak ni Alexa ang kan'yang kamay. Ayaw niyang pakawalan si Tantan. Nagtaka ang bata saka niya ito tinitigan si Alexa. "Ninang, nariyan na po si mommy na magsusundo sa akin. I want to go with mommy," sabi nito at tila naiirita na si Tantan dahil ayaw bitawan ni Alexa si Tantan. Ngumiti si Alexa kay Tantan. "She is not your mommy, Tantan. Hindi mo siya tunay na mommy. Besides, wala siyang karapatan na maging anak ka niya." "No!" Sigaw nito saka niya iwinaksi ang kamay ni Alexa. Napaawang ang ibabang labi n

