Chapter 2

1515 Words
Masaya ako habang sakay sa aking minibike. Malapit na ko sa bahay namin nang may asong tumawid sa may kalsada. Hindi ako nakapagpreno agad kaya ko nasagasaan ko ang aso. Hindi ko nakontrol ang pagmamaneho ko kaya aksidenteng nasapol ako sa poste ng kuryente. Natumba ako kasama ang minibike ko. Mabuti na lang at hindi ako tumilapon sa kalsada. May sasakyan pa namang nakasunod sa akin kanina. "Bonak! kang animal na aso ka. Arrrgh... Ang sakit!" daing ko rito na halos hindi ako makatayo. Yung asong nasagasaan ko ay hindi ko na nakita kung saan nagtungo dahil umalulong din ito nang masagasaan ko siya. Sa mayamang pamilya pa naman ang may-ari niyon. Pero wala na kong kasalanan kung pabaya sila sa mga alaga nila. Pero lagot ako kapag namatay ang aso na iyon dahil mahal daw ang mga ganoong klaseng aso. Jusko! Malaking problema na naman ito. Nakita ako ng kapitbahay namin na si Mang Andoy. Dali-dali niya kong tinulungan na makatayo. "Ano ba ang nangyari sayo Teresa? Mabuti at nakasuot ka palagi ng helmet. Kung hindi ay sapol ka na talaga sa poste." "Nasapol na nga po ako eh," ani ko at nahirapan pang makatayo. "Nariyan na po ba yung kapatid ko?" Tanong ko. "Ah, oo nariyan na. Saglit lang at tawagin ko." Patungo na ito sa bahay namin. Pakiramdam ko ay sumakit ang aking bewang. "Jusko! Mukhang hindi ata ako makakapasok bukas," bulalas ko rito. Nang marinig ko na lang ang pagtawa ng aking kapatid na lalaki at masaya pa ito. "Ate kulot, pinalipad mo na naman ata yang mini bike mo. Sabi ko naman sayo na mag-ingat ka." Napangiwi ako. "Tignan mo nga tong kapatid ko Mang Andoy. Ako pa tuloy ang may kasalanan. Imbes na mag-aalala ay tinawanan niya lang ako," asik ko. "Ate naman parang hindi ka naman mabiro. Halika at idadala kita sa hospital. Baka nabalian ka pa ng buto niyan." "Nabalian?" Na halos lumaki ang mga mata ko. "Saang parte ba ko nabalian ha? Ikaw talagang bonak ka. Buhay pa ko, binibigyan mo na ko ng malalang sakit," singhal ko. Ngumuso ang kapatid ko. "Sorry naman ate kulot. Nag-aalala lang ako eh. Mang Andoy, pakibanyan muna si ate. Ipapasok ko lang yung motor ni ate sa bahay," ani nito. "Sige iho," sagot naman ni Mang Andoy. Tipid na ngumiti si Mang Andoy sa akin. "Pumayag ka ng idala ka niya sa hospital Teresa. Nag-aalala lamang yung kapatid mo sayo. Pinapatawa at pinapagaan niya lang ang loob mo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi kayong dalawa lang. "Pero..." "Sige na Teresa. Oh heto pandagdag sa gastusin niyong dalawa." Inabutan niya ko ng 1k sa aking palad. "Kunin mo ang perang iyan para makatulong. Tignan mo nga yang mga gasgas sa braso mo," sabay ngiwi nito. "Salamat po Mang Andoy. Malaking tulong na po ito," nakangiti kong sambit. "Okay lang iyon Teresa. Sino pa ba ang magtutulungn kundi tayo tayo din na magkakapitbahay," sagot naman nito. Patungo na rito si Steve. May dala itong maliit na bag. Aba't palaging nakahanda itong kapatid kong 'to ha. "Anong laman niyan?" Mataray kong tanong. "Mga gamit mo siyempre. Ate naman..." Sabay kamot niya sa ulo nito. "Hindi halatang pinapalala mo na ang sitwasyon ko noh." "Hindi naman ate. Sobra ka naman sa akin ate. Concern lang kaya ako sayo kasi mahal kita ate kulot. Ikaw na lang natitira sa akin, mawawala ka pa." "Sus! Ang drama. Tara na nga," ani ko ngunit ngayon ko lang naramdaman na parang ang sakit ng aking mga paa habang maingat ko itong inihahakbang. Inalalayan naman ako ng kapatid ko at nagtawag na din ng tricyckle. Wala kasing taxi na dumadaan dito sa lugar namin at nasa siyudad ang mga ito. Nag-arkila na lang kami ni Steve ng tricyckle papuntang hospital. Private pa naman itong napuntahan namin ngunit itong kapatid ko ay may nakausap na agad na nurse na lalaki. Parang kakilala niya naman ito kasi kung makipag-usap yung nurse na lalaki ay may pangiti ngiti pa sa kapatid ko. "Bonak, bakla ata ang type ng kapatid ko," bulalas ko rito habang narito pa din sa loob ng tricyckle. Patungo na rito yung kapatid ko at may dala na itong wheel chair. "Ang sama ng tingin mo ate," puna niya habang inaalalayan niya kong maupo sa wheel chair. "Bakla ka ba Steve?" Biglang tanong ko. "Sinong bakla sa inyong dalawa ha?" "Pinagsasabi mo ate? Ikaw ate ha, napakanegative ng isip mo. Walang bakla sa amin ni kuya Clint. Bale kapatid siya ng kaklase ko." "Babae ba?" Sumimangot ito. "Ate naman, bakit kailangan mo pa kong tanungin. Siyempre lalaki siya," sagot nito. "Siguraduhin mo lang dahil kakalbuhin ko ang magiging gf mo," na kinanguso niya. "Siya na ba ang ate mo?" Tanong ng nurse na kausap niya. "Oo kuya... Huwag mo na lang pansinin yung kasungitan niya. May allergic sa mga lalaking guwapo 'yan?" Na halos maiawang ko ang ibabang labi ko. Tumawa naman yung nurse na lalaki na si Clint. Bonak talaga itong kapatid ko. Nireveal pa naman sikreto ko. Napatakip na lang ako tuloy ng aking mukha. Ako pa tuloy ang nahiya sa sinabi niya. Pero maasikaso naman siya sa amin at siya na din ang tumulong sa panggagamot sa mga natamo kong mga gasgas. Binigyan na rin niya ko ng mga gamot na iinumin ko pangtanggal ng pananakit ng aking katawan. Narito na kami sa isang silid ngunit hindi lang kami ang narito. May iba din kaming kasama rito sa isang silid. "Ate, dumito ka muna. Sa labas lang ako." "Ha? Hindi pa ba tayo pwedeng umuwe?" Nag-alala ako kasi may trabaho pa ko bukas. "Bukas daw sabi ni kuya Clint. Baka daw hindi mo pa kayang maglakad eh. Saka umabsent ka muna bukas sa trabaho mo. Magpagaling ka na muna ate. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo sa pagtatrabaho," turan nito sa akin. "Pero kailangan kong magtrabaho para sa ating dalawa," giit ko. "Pero mas kailangan kita ate kaya kahit ngayon man lang ay makinig ka naman sana sa akin" giit din nito. "Oh siya sige. Huwag kang lalayo rito sa hospital ha. Hahanapin kita," ani ko. "Oo ate, diyan lang ako sa labas." Saka niya ko iniwan rito. Gabi na din kasi kaya nag-aalala ako sa kapatid ko. Nahiga na lamang ako rito sa aking hospital bed. Nang bigla ba naman may batang pumasok sa silong ng hinihigaan ko. Bumaba ako at sinilip ito. Takot na takot siya nang makita ko ito. "Hello boy! Anong ginagawa mo diyan sa silong? Halika rito," tawag kosa kan'ya ngunit umiling lang ito. "Hindi kita sasaktan okay." Sumimangot siya. "Anong nangyari sayo? Bakit ang dami mong sugat?" Mahinahong tanong niya rito. Mga sugat ko talaga ang una niyang napansin hindi yung kacutan ko. Hoy Teresa... Kahit guwapong bata siya. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, sita ko sa isip ko. Napatingin ako sa mga sugat ko. Parang naawa ito sa akin. "Ahh... Heto ba? Kung gusto mong malaman lumabas ka muna at ikwekwento ko sayo," ani ko na may ngiti sa labi ko. Ngumiti siya saka ito lumabas mula sa silong ng kama. Pinaupo ko siya sa higaan ko at umupo rin ako sa tabi niya. Nakatitig lang siya sa akin. Tipid akong ngumito rito. "May dumi ba ko sa mukha? O type mo ko noh," ani ko. Ang krungkrung ko talaga kahit kailan. Ahhh... Erase erase erase saka ko ginulo ang kulot kong buhok ngunit tinawanan niya lang ako. Umawang ang ibabang labi ko. "Ang cute niyo po," ani niya na parang gusto kong maiyak sa sinabi niya kasi siya yung first na nagsabi nito sa akin na cute ako. "Talaga," saka ako umiyak sa harapan niya. Nagulat na lamang ako nang bigla niya kong niyakap. "Huwag po kayo umiyak. Ayaw ko pong may nakikita akong umiiyak. Please..." Natuwa ako sa batang ito. "Alam mo ba kaya ako umiiyak?" Sabay haplos ko sa buhok niya. "Simula kasi noong mamatay si papa, ay wala na talagang nagsasabi na cute ako. Kahit sabihin mo ng mababaw ang kaligayahan ko ay masaya talaga ako kasi may nakakapuna sa akin," paliwanag ko sa kan'ya. Bigla din siyang nalungkot na hindi ko alam kung ano ang rason. "Pareho po tayo. Simula noong kinuha sa akin si mama. Hindi na ako ngumingiti. Galit po ako sa mga taong nakapaligid sa akin." "Ngee... Pati sa akin ay galit ka din?" Umiling siya. "Isa pa po, hindi ako nakikipag-usap sa taong hindi ko gusto," sagot niya. Nakaramdam tuloy ako ng tuwa dahil kinakausap naman niya ko. "Ibig bang sabihin nito ay hindi ka galit sa akin kasi kinakausap mo ko?" Tumango siya na may kasamang pagngiti. "Wow, feeling ko tuloy. Tayo ang tinadhana," na halos lumaki ang mga mata ko. "Ano pong tadhana?" Tanong niya na kinangiwi. Ano ba Teresa. Ang krungkrung mo talaga. Bata pa iyan. Kung anu-anong tadhana ang pinagsasabi mo sa bata, sita ng isip ko. "Ahh... Wala kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Ahm... Ako nga pala__ "Steven!" tawag ng isang lalaki na kinaigtad ng bata. Hindi ko tuloy nasabi ang pangalan ko dahil sa lalaking nagtawag sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD