Kulot Taranta akong nagising nang mag-alarm ang relo sa aking tabi. Nasa ulunan ko lang kasi ito para makagising ako ng maaga. Sa taranta ko ay hindi ko na magawang ayusin ang buhok ko. Kulot na nga, buhaghag pa. Bahala na dahil magluluto na ko ng pang umagahan. Kasalukuyang natutulog pa lang ang kapatid ko dahil maaga pa naman. Nagsaing na ko agad at inihanda ko na rin ang mga ulam na iluluto ko. Galing kay daddy Drevon ang lahat ng mga groceries na inuwe ko pa kagabi. Punong puno pa ang laman ng food cabinet namin. May dalawang sakong bigas na din kami rito. Mga bills ng kuryente at tubig namin ay bayad na din. Wala na kong proproblemahin pa dahil bayad na din ang buong taong matrikula ng kapatid ko. Dahil sa kainipan ko rito sa kusina habang nagluluto ay nagpatugtog ako mula rit

