ANDITO ako ngayon sa park. Ito kase ang madalas ko talagang pinupuntahan eh, tsaka mas relaxing talaga dito.
Naalala ko pa noon, dito ako sa park madalas dalhin nila mommy at daddy. Palagi rin nila akong binibili ng laruan. Wala na ya'tang araw na hindi ako nabilhan ng laruan noon eh. Sobrang spoiled ako ni Daddy sa mga pagkain. Kapag may pagkain akong gusto at kung naisip ko biglang kumain, magsasabi lang ako kay Daddy at bibili na kaagad siya or minsan siya talaga mismo ang gumagawa.
Spoiled na spoiled naman ako ni Mommy sa mga laruan at damit. Siya talaga ang palaging bumibili sa akin, lalo na sa mga damit. Naalala ko pa noon, tuwing uuwe siya ay palagi siyang may dalang mga shopping bag at ang lahat ng laman 'non ay mga damit na para sa akin lang rin.
Miss na miss ko na tuloy yung dating buhay ko. Kung hindi kaya sila namatay.....ano na kayang buhay ko ngayon? Siguro isang babae na puro luho lang. Kahit ganon naman, alam ko ang salitang pagtitipid, pagbibigay, at pagtulong sa iba. Proud ako dahil sila ang mga naging magulang ko. Wala akong pinagsisihan sa lahat.
Kinuha ko saglit yung cellphone ko at nag selfie muna ako. Minsan lang din ito kaya naman susulitin ko na.
“Ang ganda ko talaga,” Nakangiting puri ko sa aking sarili. “Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako pinagpalet. Pero sabagay gumawa na sila ng milagro.....baka iyon lang talaga ang gusto niya kaya niya ako pinagpalet. Hayts! Bahala na sila.” Dugtong ko pa.
Parang gusto ko rin ng whole body picture, kaso wala naman akong kasama na pwedeng kumuha ng picture sa akin eh.
Tumingin-tingin ako sa mga tao dito sa park at nakaagaw atensyon sa akin yung lalaking naka tuxedo. Wow! Mukhang mayaman na tao, pero baka naman mahilig lang siyang magsuot ng ganon hehe.
Nevermind nalang. Magpapakuha nalang ako sa kanya ng litrato. Hindi naman siguro masama.
Kaagad kong nilapitan yung lalaking naka shades na nakasuot rin ng black facemask. Napansin kong may kausap siya sa cellphone, pero kinalabit ko pa rin siya.
“Yeah?” Hindi niya ako pinansin kaya kinalabit ko ulit siya.
“Sir, kuhanan mo naman po ako ng litrato doon” Turo ko sa may bandang puno at inis naman siyang humarap sa akin. Rinig na rinig ko kase ang pag-asik niya kaya halatang naiinis siya.
“May kausap ako sa cellphone, sino ka ba huh? Panira!” Inis nitong singhal sa akin. Pero infairness huh, ang ganda ng boses niya. Kaso ang sungit pssh. Iniwan siguro 'to ng love life niya. Well, same lang kame kung ganon.
“Pakuha lang ako ng picture” nakapout kong sabi sa kanya at hindi naman naalis ang pagtitig niya sa akin. Bakas sa noo niya ang pagkunot kaya kumunot rin ang aking noo. Pa'ti ako ay napapagay rin sa kanya eh.
“Sienna? Sienna” Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko at pinaharap pa niya ako sa kanya. Gulat na gulat kong tinignan si Harvie, at tsaka ko binawe ang braso ko. Bweset ang taong ito.
“Huwag mo nga akong hinahawakan. Tapos na tayo 'di ba? Doon ka na sa malandi kong kaibigan. Magsama kayong dalawa at magpakasarap kayo.” Inis kong singhal sa kanya at tatangkain pa sana n'yang hawakan ang kamay ko nang umiwas kaagad ako.
“S-Sienna, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Pakiusap ibalik natin yung dating tayo. Mahal na mahal kita Sienna, at pinagsisisihan ko talaga yung nagawa ko sayo. Tsaka si Cathleen, Sienna, hindi ko siya mahal.” Bahagya akong natawa dahil sa sinabi sa akin ni, Harvie.
“Isa pang chance ang gusto mo? Ulol ka ba huh?! Satingin mo bibigyan pa kita ng isang chance? Paano kung buntis na pala ang ex-bestfriend ko, tapos nagkabalikan tayo? Oh 'di ba ako pa rin ang makakawawa dahil nasa kanya pa rin ang magiging oras mo. Harvie, hindi ko gustong magkaroon ng relasyon at kahati ko pa ang dating bestfriend ko. Pwede ba, layuan mo nalang ako dahil nakakainis ang mukha mo.” Galit kong singhal sa kanya.
“May iba ka na ba huh? Kaya ba ayaw mo na sa akin dahil may pinalit ka na kaagad? Ano, Sienna?” Dahil sa tanong ni Harvie, ay napatingin ako sa likod ko kung saan ay nandoon yung lalaking masungit na may kausap sa cellphone.
Ilang beses akong napalunok bago ko ulit tinignan si Harvie. “O-Oo!” matapang kong sagot at kumapit ako sa braso nitong lalaking masungit. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero binigyan ko lang siya ng isang tingin para makuha niya kaagad yung pakiusap ko. “S-Siya yung boyfriend ko. Ano? Ayos ka na ba huh? Nakita mo na yung pinalit ko sayo, kaya naman makakaalis ka na.” Dugtong ko pa at natawa naman siya kaya kumunot ang aking noo.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? O baka sadyang abnormal lang siya?
“Bagong boyfriend mo? Pinagpalit mo ako dahil sa mayaman siya at ako hindi? Wow! Ngayon ko lang nalaman na mayaman na pala ang gusto mo. Hoy! Ikaw lalaki, babalaan na kita sa babaeng 'yan....peperahan ka lang n'yan at kapag naubos na niya ang pera mo, iiwan ka rin n'yan.” Natatawang sabi ni Harvie, bago siya lumakad paalis. Baliw na nga siya. Sobrang baliw.
“/*fake cought” Kaagad akong napahiwalay sa lalaking kinapitan ko at yumuko kaagad ako sa kanya.
“Pa-Pasensya na sa pagkapit ko. Gusto ko lang talaga na tigilan na ako ng ex ko. Pasensya na talaga, Mr” Sincere kong paghingi ng tawad sa kanya.
“Tsk” Asik nito at akala ko ay aalis na siya pero napatingin naman siya sa bandang dulo.
“Tanda!!!”
Kahit ako ay napatingin rin kung saan siya nakatingin. Doon ay nakita ko yung batang babae na papalapit sa kanya. Anak niya siguro 'yon. Naka face mask rin e.
Pagkalapit nung bata ay hinawakan kaagad siya ng Tatay, niya sa kamay.
“Wait, Tanda. Hey! You, I know you” Turo sa akin ng batang babae kaya tinuro ko yung sarili ko. Napatingin rin ako sa mga kasama niya at doon ko na lamang naalala ang batang nasa harapan ko ngayon.
“Ayy oo, I know you rin bata. Ikaw yung batang maarte na akala mo naman kagandahan....hehe biro lang. Maganda ka naman talaga. By the way, kumusta na yung sugat mo? Maliit lang 'yon pero baka nadagdagan pa huh” Natatawang usal ko sa kanya.
“What's funny?” Bored na tanong sa akin nitong bata. Kahit bata siya papatulan ko talaga 'to. Ayaw nalang makisabay eh. Gusto ko na nga lang tumawa kahit na natatakot na ako sa mga kasama niya na puro baril ang nasa tagiliran eh. Mabuti nalang dahil nasa tagiliran.
“Azilenia, let's go” Malamig na sambit nung tatay, nitong bata.
“Wait, Tanda. I want her to be my babysitter. I want you to hired her as my babysitter” Sabay turo sa akin nung bata na ikinagulat ko.
Ako babysitter? Seryoso siya?
“No, Azilenia. Let's go” Hinawakan na nung Tatay, yung anak niya sa braso pero nagmatigas pa rin yung bata. Baka mamaya ay ako pa ang masisi ng mga 'to.
“No, Tanda. I-hired mo muna kase siya” Inis na pasinghal na sabi nitong bata sa Tatay, niya na ubod ng kasungitan. Akala mo palaging may dalaw. Pero bagay rin naman sa mukha niya ang pagiging masungit niya. Pogi niya eh.
“Aalis na po ako. Baka madamay pa ako d'yan” Pinilit ko silang nginitian nang totoo at tsaka ako tumalikod. Pagkatalikod ko ay lalakad na sana ako para makaalis na, pero bigla namang nagsalita yung tatay, nitong batang babae kaya napahinto ako.
“Sinabi sa akin ng ex-boyfriend niya na mukha siyang pera, kaya hindi ko gugustuhin na magkaroon ka ng isang babysitter na peperahan lang ako. Baka manakawan lang 'rin ako sa sarili kong pamamahay.” Tila napintig ang tenga ko dahil sa sinabi n'yang 'yon.
Galit ko s'yang hinarap at naiyukom ko pa ang dalawa kong kamao bago ako nagsalita, “Hoy! Wala kang karapatan na sabihan akong mukhang pera. Hindi mo ako kilala ng lubusan, tapos kung husgahan mo ako ganon-ganon lang? Aba! iba ka din 'no? Ang yabang-yabang mo. For your information, lumaki rin naman ako sa mayaman na pamilya at hindi ako mukhang pera. Tanga nalang talaga ang maniniwala sa mga pinagsasabi nung ex-boyfriend ko!” Galit kong singhal sa kanya at pagtalikod ko ay nagulat ako nang makita ko sa aking harapan ang pitong men in black na mga nakatutok ang baril sa akin.
Napataas ako ng aking dalawang kamay. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot dahil sa mga baril. Tatlong beses rin akong napaatras.
“Ibaba niyo 'yan” Utos nung amo nila at ilang beses naman akong napalunok at dali-dali akong tumakbo.
“HEY!!” Hindi ko na pinansin yung pagsigaw nung batang makulit.
Sobrang bastos nung bibig ng ama niya. Ang sama-sama. Tapos may gana pa akong tutukan ng mga tao niya? Pero nakakakaba talaga 'yon. Akala ko katapusan ko na. Salamat lord. Ayaw ko pa talagang pumanaw eh.
MAKALIPAS ang isang linggo ay nakahanap ako ng bagong raket. Paglalaba ang aking nahanap at heto katatapos ko lang rin maglaba sa isang maykayang pamilya.
“He'to ang bayad ko sayo” Nakangiting tinanggap ko yung seven hundred
“Salamat po” Nakayukong pasasalamat ko at tsaka ako umalis sa bahay nila.
Kahit papano ay kumita ako ngayong araw. Okay na rin ito pambili ko ng ulam at bigas. May ulam pa naman ako sa bahay kaya, kaya pa iyon ng hanggang gabi.
Kailangan na kailangan ko rin talaga magtipid hanggat wala pa akong maayos na trabaho.
PAGKAUWE ko ay kumain na kaagad ako dahil may natira pa akong sinigang na niluto ko kanina.
Mas okay sa akin ang nagtitipid. Kahit kase na mag-isa lang ako ay kailangan pa rin talagang magtipid. Mahirap na, baka bukas makawala ay wala na akong kainin.
Habang kumakain ako ay napahinto ako bigla sa pagsubo nang may kumatok bigla sa pintuan. Wala naman akong inaasahan na bisita. Pero baka bwesita meron.
“Saglit lang naman!!” Sigaw ko at naghugas na muna ako ng kamay dahil nagkakamay lang talaga ako minsan kapag kumakain.
Matapos kong maghugas ng kamay ay pumunta na kaagad ako sa pintuan at binuksan ko na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa limang taong bumungad sa akin.
A-Anong ginagawa nila dito? Kinakabahan talaga ako kapag nakikita ko sila. Mas lalo akong kinakabahan dahil may mga baril sila. Baka mamaya patayin na nila ako, dahil doon sa mga sinabi ko sa Boss nila. Pero huwag naman sana. Mahal ko pa ang buhay ko eh. Mag sorry nalang kaya ako? Pero nabastusan rin kase ako, kaya huwag nalang siguro.
“A-Anong ginagawa ninyo dito?” Taas noo kong tanong sa kanila at pinilit ko talaga ang aking sarili na hindi mautal.
“Hinahanap ka ng Boss, namin” Sagot nung isang babae na mahaba ang buhok.
“H-Huh? Ba-Bakit? M-May nagawa ba akong kasalanan? Wala naman 'd-di ba? Pero bakit ako hinahanap?” Kandautal-utal kong tanong.
“Nasa sasakyan si Boss, kaya sumama ka nalang sa amin. Kapag hindi ka sumama..” Hinawakan pa nung babaeng mahaba ang buhok yung tela ng damit niya sa tagiliran kaya naman bumakat yung baril. Ilang beses akong napalunok at pinilit ko silang nginitian.
“Nakain pa ako eh,” Kamot batok kong turan.
“Miss” Pumamewang pa yung babae kaya mas lalo akong napalunok dahil sa baril niya.
“O-Oo na! Sige na! Sasama na ako. Kainis lalamig yung ulam ko eh.” Pagrereklamo ko at sinarado ko na muna yung pintuan ng bahay. Nilock ko na rin dahil baka mamaya ay pasukin ng kung sino. Wala namang mamahalin na gamit doon pero syempre nag-iingat lang rin ako.
Nga pala andito na kame sa taas at nakita ko nga yung nakaparadang kotse. Pagkalapit namin doon ay binuksan ng isang lalaki yung pintuan ng sasakyan. Nakita ko naman sa loob yung lalaking ubod ng sungit.
“Pumasok ka” Utos sa akin nung lalaking nagbukas ng pinto.
“H-Huh? U-Uhh, okay” Sagot ko at sumakay na ako sa kotse.
Naiilang ako. Baka mamaya kidnapin nila ako. O baka mamaya ay kung ano pa ang gawin nila sa akin.
Lord, please huwag mo po akong pababayaan sa kamay ng mga taong ito. Pangako po, magpapakabait na talaga ako sa buhay ko.
“May g—”
“Waaaahhh!! Papatayin mo ba ako dahil sa mga nangyare noong nakaraan?! Please huwag huhuhu....mahal ko pa ang buhay ko eh.” Mangiyak-ngiyak kong sigaw na ikinatakip nila ng tenga.
“Shut the f**k up women!!” Inis na sigaw sa akin nitong katabi ko kaya napatakip rin ako sa aking tenga.
“O-Okay”
Bumuntong hininga siya at malamig lang ang tingin niya doon sa kalsada.
“Aalukin kita ng trabaho. Maging babysitter ka ng anak kong babae para manahimik na siya.” Seryosong wika nitong katabi ko kaya kumunot ang aking noo.
“Po? Babysitter? /*fake laugh* Pinapatawa mo naman po ako” Napahampas pa ako sa braso niya habang tumatawa kaya inis niya akong binalingan ng tingin. Ilang beses rin akong napalunok dahil sa sama ng tingin niya.
“Talsik laway mo. At pwede ba, huwag kang nanghahampas dahil baka hindi ako makapagpigil, ibabagsak talaga kita sa impyerno.” Malamig nitong saad kaya natahimik ang madaldal kong bibig.
Trabaho ang sabi niya? Pero tatanggapin ko ba? Baka kase mamaya hindi naman pala totoo tapos malaman ko nalang na papatayin na nila ako. Pero hindi naman siguro dahil may anak naman talaga siya.
“Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo. 30k per month, plus benefits na makukuha mo.” Seryosong alok nito sa akin
Ang laki ng 30k, tapos may benefits pa. Pwede na. Kahit na masungit ang amo eh, kung bata naman pala ang aalagaan, siguro kaya ko naman.
“Si-Sige. Kelan ho ang start ko?” Tanong ko sa kanya.
“Ngayong araw. Ayusin mo na lahat ng importanteng gamit na kailangan mo at ngayong araw ka na mag-uumpisa. Nasa mansion ko na rin ang magiging uniform mo, kaya bilisan mo ang pag-iimpake.” Nagulat ako sa sinagot niya.
“Ngayon agad? Hindi ba pwedeng bukas nalang? Eh, hindi ko pa nga nauubos yung pagkain ko sa bahay eh.” Nakasimangot kong pagrereklamo sa kanya.
“Hoy! Wala kang karapatan na magreklamo. Bilisan mo na ang kilos mo dahil may mas importante pang lakad si, Boss” Biglang pagsingit nung isang lalaki.
“Kainis naman. Oo na! Sige na.” Inis akong bumaba ng sasakyan nung masungit na lalaking 'yon.
Naglakad na ako pabalik doon sa bahay ko at ramdam ko naman ang pagsunod sa akin nung dalawang babae na tauhan nung lalaking masungit.
Pagkabalik ko sa bahay ay kinuha ko na doon yung maleta ko na hindi naman ganon kalakihan. Inayos ko lang 'yon ng pagkasara at tsaka ko tinignan yung dalawag babae na sumunod sa akin.
“Ayan lahat?” Tanong sa akin nung babaeng maikli ang buhok.
“Heto lang” Sagot ko
“Tara na” Tinanguan ko sila at sumunod na ako.
Sawakas dahil magkakatrabaho na ako. Sana maging mabait yung bata. Kaso noong unang pagkikita namin ay pakiramdam ko, masama rin ang ugali kagaya ng ama.
Pagkarating namin sa kotse nung amo nila ay kaagad na kinuha sa akin ng isang men in black yung maleta kong dala.
“Kuya, saan mo dadalhin 'yan?” Tanong ko doon sa men in black
“Sa likod lang ng kotse nilagay yung gamit mo. Sumakay ka na dahil aalis na tayo” Seryosong tugon naman nitong babaeng maikli ang buhok.
Walang akong nagawa sa kanila kaya naman sumakay na ako sa loob ng sasakyan. Katabi ko itong amo nila na sobrang tahimik na ngayon. Halos lahat sila ay mga tahimik. Masyado na akong nabibingi dahil sa katahimikan nila. Pero baka mamaya masigawan lang ako nitong katabi ko kapag nag-ingay ako. Kahit na ayaw ko ay pipilitin ko nalang muna na manahimik.
Pero nagtataka lang talaga ako mula umpisa eh. Bakit kaya sila may mga baril? Mafia kaya sila? Pero imposible naman siguro haha. Galit ako sa mga Mafia, kaya ayaw kong paghinalaan sila na mga Mafia nga sila. Tsaka ayaw ko na rin sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa galit ko sa mga mafia.
Woooh! Hindi ko na talaga kaya ang pagiging tahimik dito sa kotse. Akala mo naman magkakasumpa kapag nagsalita eh. Mga takot ba talaga silang mag-ingay? Pero kahit naman siguro sino ay matatakot kung masungit ang amo.
“Ano nga palang mga pangalan niyo?” Nakangiting tanong ko sa kanila. Nakakahiya 'man ngunit kinapalan ko na ang aking pagmumukha. Nakakainis na rin kase ang pagiging tahimik nilang lahat dito sa loob ng sasakyan.
“Ash Reniel, pero 'Ash' nalang ang itawag mo sa akin.” Nakangiting pakilala sa akin ni manok. Parang pang manok kase yung style ng buhok niya eh, pero maangas naman tignan at bagay rin sa kanya.
“Samuel” Maikling pakilala nung seryosong lalaki.
“Johniel ang pangalan ko” Maliit na ngiting pakilala naman nung lalaking medyo may pagka-asul ang mata.
“Ako naman si, Aliyah. Pasensya ka na kung medyo natakot kita kanina. Mukha kaseng matigas ka, kaya 'yon ang nagawa ko hehe” Kamot batok na pakilala naman nung babaeng mahaba ang buhok.
“Mika, ang pangalan ko.” Seryosong pakilala naman nung babaeng maikli ang buhok.
“Ako naman si Sienna Elara Sandoval. Nice to meet you all” Nakangiting pakilala ko sa kanilang lahat at napatingin naman ako sa lalaking katabi ko na nanatiling tahimik hanggang ngayon. “Anong pangalan mo?” nakangiting tanong ko sa kanya at saglitan niya akong binalingan ng tingin, kaya nginitian ko siya. Kaagad rin naman nyang ibinaling ang tingin doon sa may kalsada, kaya pasimple akong napasimangot. yu