Dalawang araw mula ng dukutin ng grupo ni Aster sina Lemon. Wala pa rin silang lead kung saan nito dinala si Lemon at ang mga kaibigan nito. Halos pangapusan pa si Knight ng paghinga ng makita ang ipinadalang litrato ng mga ito sa kanila. "Mga hayop sila! Pagbabayaran nila ang ginawa nilang iyong kay Lemon! Sisiguraduhin ko na talagang mabubulok sila sa kulungan. Mga hayop sila!" Umiiyak pang sambit ni Knight. Habang hindi mabitawan ang cellphone niya kung saan ipinadala nina Aster ang larawang iyon. Basang-basa ang buong katawan habang nakaupo sa isang silya. Nakatali ang kamay at paa, habang may busal sa bibig. Parang dinudurog ang puso niya lalo na ng mapansin ang mga namumuong luha sa mga mata ni Lemon. Nahihirapan ito pati na ang mga kaibigan nito. Hindi maiipagkaila na nakatamo ng

