Nasa hotel si Knight at tinawagan naman ulit siya ng imbestigador na humahawak ng kaso tungkol sa nakawan na naganap sa hotel nila. Doon napatunayan na wala naman talagang nawawalang pera at talagang pakana lang iyon ng ilang kalabang hotel na naiinggit sa taas ng rate ng mga tumutuloy sa Hotel Escobar. Tinawagan na rin niya ang abogado nila, para masampahan ng kaso ang guest na nagbigay ng maling paratang sa hotel. "Lovely, pupunta akong presinto, kasi napatunayan na wala namang talagang nakawan na nangyari. Pinapupunta ko na rin doon si attorney. Baka hindi na ako dito tumuloy mamaya at wala na namang problema. Uuwi muna ako sa bar, matapos kong makausap ang imbestigador at si attorney. Thank you din sa paggabay sa akin. Kahit papaano ay nangangapa pa rin ako." Aniya. "No problem sir.

