Jade's POV "And now let's all welcome the newest band of Heinz University, Replay!" Napuno ng ingay ang quadrangle kahit hindi pa kami nalabas ng backstage. Naglakad na kaming lima sa patungong stage. Madilim iyon kaya inalalayan ako ni Sean. Pagkapwesto namin ay agad na sinimulan nila ang intro. Hindi pa rin matahimik ang lahat ng mga estudyante. Kinakabahan na talaga ako. Huminga ako ng malalim at unti-unting itinaas ang dalawa kong kamay at hinawakan ang stand ng mic. "May gusto ka bang sabihin? Ba't 'di mapakali? Ni hindi makatingin." unang liriko pa lang ay tumahimik ang lahat. Nawala ba ko sa tono? "Sana'y 'wag mo na itong palipasin. At subukang lutasin sa mga sinabi mo na. Iba'ng nararapat sa akin, na tunay kong mamahalin~" tinuloy ko lang ang pagkanta ko. Pumikit ako ng ma

