Ace's POV "Tangina naman Jake, e. Kung natulong ka kasi sa paghahanap kay Trick at Shawn!" inis na sabi ko kay Jake at nagpatuloy sa pagkalikot sa cellphone ko. Syete 'yan, imbes na mga babae at 'yung kagwapuhan ko ang atupagin ko, 'yung dalawang gagong 'yun ang pinoproblema ko. "Sa tingin niyo tama ba 'yung naging desisyon ni Shawn?" tanong ni Sid sa amin na naging dahilan upang mapalingon ang gwapo kong pagmumukha sa kaniya. "Hindi ko alam kung bakit naging ganito kakumplikado." seryosong sabi ni Jake "Tangina! Tangina! Tangina!" napalingon kami sa malulutong na mura ni Trick na kakapasok lang dito sa rooftop at pinagsusuntok ang pinto nito. Problema nito? "Dude bakit?" tanong ni Sid habang kinakalma si Trick. "Tangina dude, tama naman 'yung ginawa ko 'di ba? Tama namang humi

