Shawn's POV "HAPPY 3rd ANNIVERSARY SHAWN!" masayang sigaw ni Erin sabay takbo at mahigpit na yumakap sakin. Nanigas sa kinatatayuan ko. Maraming namuong katanungan sa aking utak. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito, at anong ibig sabihin nito? "I miss you so much, Shawn." sabi niya at sinapo ang mukha ko. Kahit na gusto kong magsalita ay walang lumabas na kahit ano sa bibig ko. Lahat ng sakit sa puso ko noong mga panahong nangungulila ako sakaniya ay bumalik. Hindi ko alam kung kasama rin ba do'n 'yung pagmamahal ko sakaniya. "Are you alright?" tanong niya sa akin. Tumango ako kaya ngumiti siya at hinila ako sa garden kung saan may nakaset-up na candlelight dinner para sa amin. Pinaghila ko siya ng upuan gaya ng dati, tuwing date namin. "Thanks," masayang sabi niya kaya u

