Bea's POV 2 days after... From: Trick Let's meet tomorrow? Magsa-sampung minuto na kong nakatingin sa text ni Trick, hindi ko mapigilang ngumiti. Oh come on Bea, it's just a simple text. Why are you smiling, huh? Nagtipa ako ng irereply sa kaniya, To: Trick Yeah, sure. Inilagay ko ang cellphone ko sa gilid ko at ngumiti sa kawalan. Wala pang isang minuto ay tumunog na naman ang cellphone ko, hudyat na may natanggap akong message. Dali dali ko iyong binuksan, ang mga labi kong nakakurba ng malaking ngiti ay biglang naglaho. From: Mom Tomorrow. 3 pm at MSN Resto. Papakita ko lang sayo kung maganda ba 'yung napili kong wedding cake namin ng Tito Will mo. Wala na ba talaga akong magagawa para hindi sila maikasal. Dad is waiting for her, Mom why are you like this? Pinunasan ko ang

