"Kesh, guess what?" Umakbay sa 'kin si Adam habang naglalakad kami papunta sa milktea shop sa tapat ng school. "May bago ka nanamang tinira?" Siniko ko siya; sawang-sawa na 'ko sa mga kwento niya sa 'kin kung paano niya nakukuha ang ibat-ibang mga babae niya. "Ikaw talaga!" Dinagan niya ang kamay niya sa ulo ko. I moved my head away from his hand. "Bigat ng kamay mo." Hinampas ko iyon. Yumakap ulit ang braso niya sa balikat ko. "Tingin mo sa 'kin, laging may tinitira 'no?" He laughed. Binaba ko ang bag ko sa lamesa nang marating namin ang milktea shop. It was only the two of us; susunod na lang daw sina Rimuel at Paulo since may inaasikaso pa sila. "That's just fact." Inayos ko ang upo ko saka ako naglabas ng wallet. I would order Wintermelon. "It isn't." He grabbed my wallet from

