"Pamilya ba kita?" Nagtawanan sina Paulo at Rimuel nang magbarahan nanaman kami ni Adam. "Tangina Adam! Mag-focus ka sa laro! Iyong Chao mo, naghihingalo na!" Para silang mga keyboard warrior na tutok na tutok sa cellphone nila. Tinuloy ko na lang ang pag-scroll sa mga social medias ko. Inubos ko na rin ang milktea na in-order ko; I ordered para naman hindi masyadong nakakahiya na nakatambay kami rito. "Adam, tignan mo iyong naka-maroon; mukhang type ka," Rimuel whispered, enough for me to hear him. Pasimple kong tinignan ang babaeng pinag-uusapan nila. I caught her looking at Adam nga talaga or maybe at Rimuel. I didn't know; magkatabi ang dalawang makulit eh. "Lapitan mo, bro. Chicks naman eh." Here came Rimuel, the devil whispering to Adam's ear. "Gago may nililigawan nga siya

