"What the hell are you up to, Adam?" Napalingon ako kay Adam when I saw a table while we were approaching the seashore. Sa gitna ng malawak na dalampasigan, natanaw ko agad ang liwanag mula sa tatlong kandila na nakapatong sa gitna ng lamesa. Nahuli ko pa ang dalawang staff ng resort na naglapag ng pagkain sa table at nagsalin ng wine sa shot glass na nandoon. He held my hand; nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ng kamay niya ang kamay ko. "Anong kalokohan 'to, Adam?" I tried to chuckle despite of the awkwardness that was eating me. "Chill ka lang, Kesh." He laughed. "Kakain lang tayo. Wag kang masyadong kiligin." Siniko ko siya, pero hindi ko nagawang hablutin ang kamay kong nakakulong sa palad niya. His warm, big hands on mine while the air was freezing our body felt gr

