"Wait lang." Tinanguan ko si Cassy, 'tapos ay naglagay ako ng apat na barbeque sa pinggan ko. Nahagilap ng mga mata ko si Adam na nakaupo sa harapan ng bonfire habang inaayos pa ng iba ang mga alak at pagkain. My heart kinda exploded with confusion dahil sa picture kong na sa i********: niya, but then hindi niya naman ako masyadong kinakausap sa personal; he was acting weird. I walked towards him, bitbit ko ang pinggang may barbeques. "You want some?" Umupo ako sa malambot na buhangin, katabi niya. Nagtama ang mga mata namin habang nakaangat sa harapan niya ang pinggang hawak ko. "Ayoko niyan." He chuckled. Binalik niya ang tingin sa mataas na apoy sa harapan namin. Binitawan ko ang pinggan sa gilid ko; I hugged myself as I massaged my shoulders. Parang may nakakapit na yelo sa aki

