Ilang araw na din kaming nakauwi sa probinsiya. Naging normal naman ang takbo ng buhay namin tulad noon. Paminsan-minsan bumibisita samin si Dark habang may ibat-ibang dalang pasalubong. Tumutulong din siya sa anumang gawain sa bahay. Siya din ang naghatid-sundo sa mga bata kapag pasukan. Kapag bumibisita siya ay syempre nagdidisguise siya. Mahirap na baka may susunod sa kanya. Tumutulong din siya sa pagbibinta ng mga paninda ko. Nung una nga pinagbabawalan niya na akong magbenta dahil may pera naman daw siya, di ako pumayag. Kilala na din siya ng mga kapit-bahay namin. Natakot nga ako nung una dahil nilabas ni Aling Fe ang itak niya buti nalang na pigilan siya ng asawa niya. May nangyari nga na pagpupulong KUNO sa loob ng bahay ni Aling Fe. Kinabahan talaga ako ng sobra pero agad yun nawa

