Masama bang mapagod? Tao din naman ako..Alam ko kung paano mapagod ng sobra. Hindi ko na kaya. Ubos na ako. Nanghihina na ako. Tulala akong lumabas ng kwarto. Mga ingay o gulo ay hindi ko pinansin tila ba ako nalang ang tao sa mundo. Mga hakbang ko na tila ba'y nakalutang lamang. Ano nga ba ulit ang nangyari? Hindi ko na alam. Sa isang iglap naging ganito agad. Bakit ba? Bakit parati nalang ganito? Bakit parati nalang ako malungkot? Tama. Lumabas ako sa kwarto. Hindi ko na kaya. Ang sikip-sikip nasa dibdib yung tipong hindi na ako makahinga. Hindi ko kayang marinig at makita siyang hindi ako kilala. Para saan pa ang pananatili ko dun? Para saan pa ang pagkapit ko sa kanya? Tao din naman ako. Napapagod din naman ako. Alam ko kung paano mapagod ng sobra. Hindi ko na kaya. Ubos na ako. Nan

