"Ayan! Malalaking letra yan para hindi ka magkamali." Bilin ulit niya. Napairap ako. Anong akala niya sakin di marunong magbasa? Sakit niya sa bangs. "Oo na! Oo na! Paulit ulit ka rin eh. Alam ko na ito. Saulo ko na ang pangalan ng mga bata. Ibang klase ka rin eh no'? Paglaki nito maiinis sila sayo. Ang haba ng mga name." aniko. "Nagsalita ang hindi mahaba ang name." Napanguso naman ako. Ayos lang dahil maganda naman ang name ko tapos bagay sakin. "Oh siya! Aalis na kami ni Aling Linda. Basta kapag kailangan mo ng tulong nandyan si Aling Fe. Nasa kusena siya." bilin ko rin sa kanya. Lumabas ako ng bahay namin at nadatnan ko si Aling Linda nakasakay na sa tricycle. Sabagay ang init init din naman kase. Patakbo akong lumapit dito at tumabi kay Aling Linda. "Sa munisipyo po." sabi ko k

