Napatigil ako sa pag-aayos ng mga regalo para sa mga bata nang marinig ko ang mga yapak ng paa mula sa hagdan. Tumayo muna ako bago ko sila nilingon. Halos mawalan ako ng hininga makitang nagtakbuhan pababa ang kambal kasunod ang kuya Zuhair nila tila hinahabol sila. May suot silang Christmas hat. May dalang toy gun at nagsisigaw. Huminga ako ng malalim at hinahanap ang ama nila. Kumunot ang noo nang hindi ko ito mahanap pero agad napalingon sa kaliwa kung saan lumabas ang asawa ko karga ang bunso namin galing kusena. We are wearing the same outift na may nakaprintang, SMITH FAMILY. It's a Christmas day. Naghahanda kami while naghihintay mag alas dose. It's our tradition to wear matching outfits and salubongin ang Christmas na gising ang lahat. The kids sleep earlier, and choice nila yun

