[WARNING CONTENT!] Isang oras ang dumaan pero hindi parin sila tapos mag-usap sa loob. Tama! Isang oras na po. Ganun ba ka importante ang pina-usapan nila? Dumating na lamang si Lory, di parin sila tapos. Bumuntong hininga nalang ako at kinain ang binili ni Lory na isang burger. Kinagat ko nalang ito at sumandal sa pader. Nasa tabi ko naman si Zebediah na tulad kong kumakain din. Sinisway niya ang mga paa niya at alam kong nakasimangot ito. "Ang tagal naman nila, nanay." naiinis niyang sabi sakin. Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko ang pagkamot niya sa ilong. Kinagat niya ang burger habang inis na inis. Natatawa naman si Lory na katabi niya. "Kalma, babygirl. Baka magtampo sa iyo ang burger hahaha." sabi pa nito at uminom ng yakult. Napatayo naman akong bumukas ang pinto at inilu

