Kinabukasan nagising ako ng alas syete at dali-daling nag-ayos para sa pagpasok. Baka nandito na si Jace. Nakakahiya naman sa kaniya kung paghihintayin ko pa, eh ako na nga itong nagpapasundo. Kakaloka! Pagtapos kong mag-ayos ay binitbit ko na ang pasalubong para sa pamilya ni Jace. Ibibigay ko na sa kaniya ngayon para si Caila na lang ang pupuntahan ko mamayang alas tres. Nakakatamad nang pumunta pa sa kanila mamaya dahil galing ako kila Caila. Pagkababa ko nadatnan ko si Jace at si kuya na nagtatalo kung sino ba ang mananalo sa pinapanood nilang basketball. Dumiretso muna ako sa kusina para kunin ang chocolates ng maramdaman kong may tao pala sa aking likuran. "Good morning," sabi ni Jace at nginitian ako. Tinanguan ko lang siya at binato sa kaniya ang pasalubong nila at Ang mga choc

