Pangatlong beses na nang mag-ring ang alarm clock at talagang naiinis na ako. Pero napabangon ako bigla ng may maalala't dali-daling naglakad papasok ng bathroom. s**t! It's already nine o'clock in the morning at ten o'clock ang oras ng flight ni Caila. Muntik ko nang makalimutan. Hay naku! Ba't ba kasi palagi akong natatagalan gumising kahit hindi naman ako napuyat kagabi? Paglabas ko ng bathroom ay hindi na ako magkandaugaga sa pagmamadali. Simpleng maong short at v-neck shirt na white with flats lang ang suot ko. Okay na 'to! Wala naman akong balak maggala mag-isa pag-alis ni Cai. Nang makita sa orasan na 9:30am na ay patakbo na akong lumabas ng bahay at tinawag ang driver. Medyo malapit lang naman ang airport dito. Pero dahil sa sobrang kaba na baka hindi ko maabutan si Caila ay ta

