Chapter 33: -Lungsod ng Mira Ang lungsod ng Mira ay mas malaki at masagana kumpara sa Edo, ang lawak ng lungsod na ito ay halos isa't kalahati ng Edo. Nababalot ito ng nagtataasang pader na kahit ilang beses nang inatake ng mga halimaw ay matibay pa ring nakatayo hanggang ngayon. Hindi kagaya ng Edo ay ang mga angkan ang mga namumuno sa siyudad at hindi faction. Kahit na ang mga angkan ang nananaig ay may mga ilan pa ring faction ang nabuo para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa oras na may makaalitan silang galing sa mga angkan. Kung hindi kabilang ang adventurer sa faction o angkan ay hindi tatagal ang adventurer sa Mira lalo na kung mainitin pa ang ulo nito. Kahit ang malakas na clan na pinanggalingan ni Ke ay isa lang sa mga mid tier, kahit malapit na silang maging high

