Chapter 1

3983 Words
[Supreme God]     Ito ay isang gawa ng piksyun. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan at pangyayari o alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda na ginagamit ay gawa-gawa lamang. Anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay man o patay, o aktwal na mga kaganapan ay hindi sinasadya. Plagiarism is prohibited. Supreme God [Volume 1: Survival] ©by WhoStoleMyCoke ---------------------------------------------------------------------------------------------------------- Chapter 01: Sa paaralan ay may isang binata na pinipili ang laging umupo sa dulo ng silid aralan upang wala siyang masyadong makasalamuha. Mas gusto niya ang suriin nalang sila sa malayo. Wala siyang mga naging kaibigan sa kaniyang mga kaklase ngunit wala rin naman siyang mga nakagalit o hindi nakasundo dahil sa madalas ay gusto niya ang mapag-isa at hindi makihalubilo sa kanila. Kahit ganito ang buhay niya ay kuntento naman na siya. Sa room nila ay may nagtatawanan, nagki-kwentuhan at ang iba pa ay nagtatalo, medyo magulo ang kanilang room ngunit mas masaya ang mga studyante dito kumpara sa ibang seksyon. Ang binatang laging nasa huli ay nagngangalang Zac Morgan, Itim ang kanyang medyo magulong buhok at ang kaniyang mga mata ay itim rin. Maayos ang hulma ng kaniyang panga at matangos naman ang ilong niya, masasabi na average lamang ang kanyang hitsura hindi kagaya ng iba na artistahin sa ganda at gwapo. Pero may isang bagay sa kanya na kakaiba, ang kanyang mga mata. Ang mga mata niya ay parang itim na perlas, walang bahid ng kahit na anong emosyon na makikita, kaya madalas sa mga estudyante na gusto siyang kaibiganin ay natatakot siyang lapitan at pakisamahan. Kahit na alam ng binata na natatakot sila dahil sa mata niya ay ni hindi niya naisip na magpaliwanag para malinawan sila sa bagay na hindi nila naunawaan. Ngunit bakit niya ito gagawin? Gusto niya ang kasalukuyan niyang tahimik na buhay bilang estudyante, at isa pa, wala naman siyang pakialam kahit na ano pa ang isipin sa kaniya ng iba, mapamaganda man o pangit. Ang height niya ay anim na talampakan at ang kutis niya ay medyo maputi. Ang kaniyang height ang pinakadahilan kaya hindi siya tinatarget ng mga mayayabang niyang kaklase na mahilig mang-api ng mahihina. Kagaya ng kaniyang ordinaryong araw ay pinagmamasdan niya lamang ang mga kaklase niya dahil sa maagang natapos magturo ang kanilang guro na umalis agad. Habang nakangiting nag-uusap ang apat na magkakaibigan na kaklase ng binata ay pinagmasdan niya ang mga ito at napaisip siya. 'Bakit? Bakit pinipilit pa rin nilang magpanggap na mabait sa isa't isa kahit na hindi naman talaga nila gusto ang isa't isa?' Isip niya dahil sa lagi niya silang pinagmamatyagan at kahit na hindi niya sila nakakasalamuha masyado ay basang-basa niya na ang mga tinatago nilang ugali. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang tumunog na ang bell ng paaralan, senyales na tapos na ang klase at maaari na silang umuwi. Pagkatayo ni Zac ay kinuha na niya ang bag niya upang umalis ngunit napahinto siya at napatingin sa baba niya dahil sa bigla na lamang itong lumiwanag. Pagkatingin niya ay hindi gaanong nakakasilaw na liwanag na pabilog na may mga kakaibang simbolo ang nakita niya, may mga marka rin ito na hindi niya maintindihan. Lumiwanag ito ng lumiwanag hanggang sa napapikit na lamang si Zac. Habang nakapikit ay bigla namang namuo ang pawis sa noo ng binata dahil sa biglang nag-iba ang pakiramdaman niya sa paligid, na para bang napunta siya sa ibang lugar. Napalunok ang binata sa kaba ng marinig niya bigla ang malakas na hangin na tumatama sa mga puno, at ang mga huni ng mga ibon na masarap pakinggan. Hindi makapaniwala ang binata at para bang ayaw niyang imulat ang kanyang mga mata. Sa huli ay pinilit pa rin niya itong imulat upang siguraduhin kung totoo ba talaga ang iniisip na na bigla siyang napunta sa ibang lugar. Pagmulat niya ng mga mata ay nagtataasang mga puno ang kaniyang nakita, at mga ibon na humuhuni sa taas ng mga ito. "Ha? Bakit parang nag-iba ang pakiramdam ko sa katawan ko? Para bang may nabago saakin?" Tanong niya sa kaniyang sarili at ibibaling ang tingin sa kinukuyom-kuyom niyang kamao. Pakiramdam niya ay lumakas ng walang dahilan ang katawan niya. Pinagmasdan niya ang paligid at wala siyang ibang nakitang kaklase niya. 'Nasaan na ang mga kaklase ko? Ako lang ba ang napunta dito?' Tumalon-talon at nag-exercise ng halos tatlumpong minuto ang binata pero kahit katiting na enerhiya ay walang nabawas sa kaniya, para bang hindi man lamang siya napagod. Kung kagaya ito ng dati ay siguradong pinagpawisan na siya dahil sa hindi naman siya araw-araw nag e-exercise kaya masasabing mahina ang kaniyang katawan. "Bakit gan'on? At nasaan ang mga kaklase ko?" Sambit niya habang sinusuri pa rin ang katawan niyang mas lumakas. 'Hindi kaya ay ako lang ang napunta dito?' Bigla na lamang napatingin si Zac sa isang direksiyon mga dalawampong metro ang layo sa kaniya ng makarinig siya ng tunog na parang galing sa isang halimaw. "GROAAAR!" Roar ng mga halimaw. Ang mga halimaw ay maliliit, kasing liit sila ng mga elementary na estudyante, kulay berde ang kanilang kutis. Pangit at nakakatakot ang mga mukha ng mga ito at may tumutulo-tulo pang laway sa kanilang bibig, may hawak rin silang mga bat na kagaya sa pamalo ng bola, gawa ito sa kahoy ngunit kahit ganoon ay delikado pa rin ito kapag nahampas nito. Dire-diretso lamang ang lakad nila papunta sa direksiyon ni Zac. Hindi sila nakatingin sa binata pero para bang naamoy nila na may isang nilalang dito na hindi nila kauri. "Goblin?"  Sambit ni Zac at parang hindi niya mapigilan ang mapangiti. Mahilig siyang magbasa ng mga manga o lightnovel kaya pamilyar siya sa mga istorya na ang mga bida ay napupunta sa ibang mundo na may mga mahika. Kahit na ginanahan ay nakaramdam pa rin ng kaba si Zac dahil sa ngayon lang niya nakita ng harap-harapan ang mga goblins at mas nakakatakot ito ng sobra kumpara sa mga goblin sa mga manga na binabasa niya. Hindi namalayan ni Zac na ilang metro nalang ang agwat ng mga goblin sa kanya kaya tumakbo siya palayo ng kaunti. "GROAAAR!" Nang makita na ng mga goblin si Zac ay tumakbo na pasugod ang mga ito at inihanda ang mga bat na hawak nila. Takbo, habol, takbo, habol ang ginawa nila ng halos dalawampong minuto at medyo bumabagal na rin ang paghabol ng mga goblin. Kumuha ng bato si Zac na halos kalahati ng palad niya sa isang tabi at bumwelo siya, ginamit niya ang buong lakas niya para ibato ito sa isang goblin. Mabilis ang papatamang bato sa goblin at ng tumama ito sa ulo ng nasa harapan na halimaw ay bigla itong pumutok at tumama pa ulet sa isa pang goblin, kagaya ng una ay pumutok rin ang ulo nito at namatay. Talsikan ang dugo ng dalawang namatay na goblin sa katawan ng mga kasama nila, nagalit lalo ang mga ito dahil sa ginawa ni Zac sa kasama nila. Biglang bumilis ng kaunti ang tatlong goblin na natira at sinugod ang binata. Tumakbo palayo si Zac at pumulot ulit ng bato, inihanda niya ito at bumwelo para ibato na sana ito pero bigla siyang napahinto ng may biglang matalim na bagay ang tumusok sa likod niya. Pagkatingin niya sa tiyan niya ay basa na ito ng dugo habang may patalim na nakabaon dito. Tumingin siya sa likod niya at bigla siyang kinabahan ng makita niya ang isang goblin na halos kasing laki niya. Unang tingin palang ay malalaman agad na hindi ordinaryo ang goblin na ito kumpara sa mga pinatay niya kanina. Mabilis na hinugot ng malaking goblin ang patalim niya at sinaksak ulit si Zac sa likod. Napangitngit ng ngipin si Zac sa sakit. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong uri ng pisikal na sakit pero kahit ganoon ay pinilit niyang gumalaw para makatakas. Nang hugutin ulit ng halimaw ang patalim na hawak nito ay pinilit niyang iginalaw ang mga paa at tumakbo paabante para makawala sabay iba naman ng direksyon sa kanan dahil sa nasa harap ang tatlong goblin at makakasalubong niya sila kapag piniling umabante. Butil ng mga pawis ang namuo sa noo niya at nataranta na rin ng kaunti. Ngunit ang kaniyang reaksyon ay normal lang, kahit na lagi siyang nagbabasa at alam ang mga uri ng halimaw ay hindi niya alam ang tunay na karanasan ng mga lumalaban sa halimaw, ang mga sakit na natatamo nila tuwing naaatake ng halimaw. 'Mamamatay ako' 'Mamamatay ako' 'Mamamatay ako' 'Mamamatay ako' 'Mamamatay ako' 'Mamamatay ako' 'Ayoko pang mamatay' Balisa at paulit-ulit na isip ni Zac. Kahit na mukhang wala siyang emosyon at walang pake sa mga bagay ay mayroon pa rin siyang isang kinatatakutan, ang kamatayan. Tumakbo ng tumakbo si Zac na para bang kapag huminto siya ay bigla na lamang siyang mamamatay pero bigla rin siyang napahinto ng may mapansin siyang kakaiba. 'Ha? Nasaksak ako ng dalawang beses. Bakit parang kasing bilis pa rin ng kanina ang pagtakbo ko?' Isip ng binata. Tiyaka siya tumingin sa kaniyang tiyan. Bigla nalang nawala ang lahat ng kaba ng binata ng makita niyang nagsarado ang sugat na sinaksak sa kaniya at wala na rin siyang nararamdaman na masakit dito. Hindi niya lang ito napansin kanina dahil sa nataranta siya ng maramdaman ang saksak ng halima Lumingon ang binata at ikinuyom ang kanyang kanang kamao. Inihanda niya ito at pinagmasdang maigi ang mabilis na papalapit na goblin. Hindi alam ni Zac pero ng isipin niya na aatakihin niya ng malakas ang goblin gamit ang kamao niya ay para bang mayroong enerhiya na nalipon sa kanang kamao niya, pakiramdam niya ay mas lalong lumakas ang kamao. Nang magkaharapan ang dalawa ay agad na binigyan ni Zac ng isang malakas na suntok ang goblin sa ulo gamit ang buong lakas niya ngunit kahit ganoon ay nasaksak pa rin siya nito sa dibdib ng patalim, naatake pa rin siya dahil walang karanasan ang binata sa pakikipaglaban. Nanlaki ang mga mata ng binata sa gulat nang makita niyang pumutok ang ulo ng goblin na parang pinasabog na melon. Mabilis na bumagsak sa sahig ang katawan ng halimaw matapos sumabog ang ulo nito. Nang mamatay ang goblin na halos kasing laki niya ay biglang nakarinig ng tunog si Zac sa isipan niya. [You've leveled up] 'Level up?' Nang marinig ang salitang [You've leveled up] ay isang bagay lang ang pumasok sa kaniyang isipan. "Parang sa mga mmorpg na nilalaro ko?" "Status" Sambit ni Zac at may biglang lumabas na screen sa harapan niya. --------------------- Name: Zac Morgan Age: 18 Race: Human Level: 2 (Reach level 50 to evolve) Ability: Undying body ------------------------- "Parang sa mga mmorpg nga! At level 50 para mag-evolve? Sandali! Undying body? Kaya pala't hindi ako namatay kanina sa saksak!" Lalong na nasabik si Zac ng makita niya ang kaniyang status. Habang sabik na sabik ang binata sa status niya ay hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang mga goblin sa kanya! Inatake siya ng tatlong goblin habang nakapocus siya sa Status niya pero dahil sa Undying Body at sa pagiging mas higit na malakas niya sa mga ito pisikal ay pinatay niya rin agad ng walang kahirap-hirap ang mga halimaw. Hindi na naglevel up si Zac ng patayin niya ang mga goblin. Nilibot niya ang kagubatan para maghanap ng mga goblin na mapapatay pero sa hindi niya malamang dahilan ay wala na siyang nakita kahit isa. Palubog na ang araw at palakad-lakad pa rin si Zac ng tuluyan na siyang makalabas ng gubat at makakita ng kalsada.. Ngunit napalingon ulit ang binata mga dalawampong metro ang layo ng maramdaman niya ang halos dalawampung goblins kasama ang isa na halos kasing laki niya rin na parang namumuno sa mga halimaw. 'Paano nila nalaman ang lokasyon ko? At bakit nararamdaman ko na ang presensiya ng pinuno ng mga goblin ngayon?' Isip ni Zac ngunit hindi na siya masyadong kinakabahan dahil sa mahina naman ang mga Goblin at siguradong kaya niya rin naman silang patayin. Tona Village Ang Tona Village ay isang maliit at mapayapang village, nasa gitna ito ng bundok at kagubatan, mga ilang daang metro lamang ang layo nito sa kagubatan. Halos wala pang isang daan ang mga mamamayan na naninirahan dito dahil sa napakalayo nito sa lungsod na may sakop dito. Kaya hindi masiyadong maganda ang buhay ng mga mamamayan, Wala ring pader na pumoprotekta sa kanila ang baryo ngunit dahil na rin sa mahirap ang baryo ay wala rin namang mga bandido ang nagsasayang ng oras na atakihin ito upang mapagnakawan. Isang ordinaryong gabi ang araw na ito para sa mga mamamayan, kahit gabi ay may ilan pa rin sa mga bata ang naglalaro sa labas at may mga magkakaibigang matatanda naman ang mga nag-uusap-usap. "AAAAAAAAAAAAAHH!" Sigaw ng matandang babae ang bumulabog sa buong baryo na nagpaalarma sa mga tao. Mabilis na nagsitakbuhan sa pinanggalingan ng sigaw ang karamihan sa mga mamamayan upang makita kung ano ang nangyari ngunit matinding takot ang bumalot sa kanila ng makita nila ang dalawampong goblins na inaatake ang isang matandang babae. Nagsitakbo sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mga mamamayan na lalaki upang kumuha ng mga armas, mabilis namang sumunod at tumakbo ang mga babae at bata sa kanilang mga tahanan at sinarado ng mahigpit ang kanilang mga pinto ng kani-kanilang mga tahanan. Isang lalaki lamang ang hindi na umalis sa pinanggalingan. Malaki ang katawan nito at may ilan rin itong mga marka ng sugat sa mukha, senyales na sanay ito sa mga laban at marami-rami na rin siyang mga experience. Binunot niya ang kaniyang espada at mabilis na sinugod ang mga goblin para iligtas ang matanda. Nang makita ng mga goblins na sumugod ito ay bigla silang nagalit at sinugod rin ang tao. Habang naglalaban ang magiting na lalaki ay unti-unti namang nagsilabasan rin ang iba pang mga mamamayan na lalaki sa mga bahay na pinagkuhanan nila ng mga armas. Tinulungan nila ang magiting na lalaki at nilabanan ang mga goblins. Tinulungan ng isang lalaki ang matandang babae na inatake ng mga goblins at nailigtas naman nila ito, hindi rin naman ganoon kadelikado ang mga sugat na natamo niya. Sa medyo tagong lugar mga tatlumpong metro ang layo sa mga goblins ay may isang maliit na bahay, mas madilim dito at wala na rin ang mga dating nakatira dito. Sa bubong ng maliit na abandonadong bahay na ito ay may isang binata ang nakatayo at pinagmamasdan ang mga nangyayari. Napangiti ito ng makita niya ang magiting na lalaki. "Oh? May isang mamamayan na maraming karanasan sa pakikipaglaban! Siguradong may mga alam siyang impormasyon na kailangan kong malaman!" Sambit ng binata at ang binatang ito ay si Zac, dinala niya rito ang mga goblins para na nga malaman niya kung may isa bang mamamayan na makakapagbigay sa kaniya ng mga sagot sa kaniyang mga katanungan. Ilang minuto na ang nakalipas ng magsimulang maglaban ang mga tao at mga goblins, ilan sa mga mamamayan ng Tona ay nasugatan na at hindi na pwede pang lumaban kaya umatras na ang iba, ngunit mas malala naman ang sinapit ng mga goblins dahil sa iilan na lamang ang natira sa kanila, halos lima nalang ang bilang ng mga ito. Kasalukuyang naglalaban ang pinuno ng mga goblin at ang magiting na lalaki ngunit medyo marami na ang natamong sugat ng magiting na lalaki kaya ito ay unti-unti ng natatalo, dahil na rin sa kinailangan niya pang labanan kanina ang ibang goblins para hindi mapuruhan ang mga mamamayan na tumulong sa kaniya. Kahit ang ibang mamamayan na lumalaban sa mga normal na goblin ay natatalo na rin at hindi na rin nila kinaya, kaya naman napaatras na sila. Hindi hinabol ng mga goblin ang mga normal na mamamayan kaya nagulat sila dahil sa biglang dumiretso ang limang goblin sa lokasyon ng magiting na lalaki at ng pinunong goblin. "Tori sa likod mo!" Sambit ng isang duguang lalaki na tumakas sa mga goblin! Dahil sa pagsigaw ng lalaki ay nawalan ng kaunting focus ang magiting na lalaki na nagngangalang Tori at dahil na rin sa pagkawala niya ng kaunting focus ay nasaksak siya ng goblin sa kanang braso. Umatras si Tori palayo sa pinuno ng mga goblin pero mabilis rin agad siyang huminto ng mapansin niya ang limang goblin na papalapit sa likod niya. Kung aatakihin niya ang limang goblins ay siguradong aatakihin siya ng pinunong goblin na nasa likod niya, ganoon din naman ang gagawin ng limang goblins kapag ang pinuno ang inatake niya. Malayo ang ibang mamamayan sa mga goblin at hindi nila inasahan na biglang aatakihin ng mga goblins si Tori kaya hindi sila makakaabot kahit na gustuhin man nilang tumulong. Napalibutan na si Tori at unti-unti niya nang nararamdaman ang papalapit na aura ng kamatayan. "Tsk! Isasama kita sa impyerno kung mamamatay rin naman na ako!" Matapang na sabi ni Tori at mabilis na tinanggap na niya ang kaniyang katapusan. Isa nga talaga siyang magiting dahil sa hanggang sa mga huling oras niya ay handa pa rin siyang pabagsakin ang kalaban kasama niya. Susugurin niya na sana ang pinuno ng mga goblin pero napahinto siya at napatingala ng makita niya ang isang tao sa taas na pabagsak sa harap niya. Pagbagsak ng taong ito ay nagulat si Tori dahil sa wala siyang mana na nararamdaman dito pero kahit ganoon ay para bang sinasabihan pa rin siya ng instinct niya na delikado ang taong ito at hindi dapat maliitin. Itim na buhok at maputi ang kutis ng taong ito. Pagkabagsak ni Zac sa harap ni Tori ay mabilis siyang tumakbo pasugod sa pinuno ng mga goblin at ifinocus niya ang enerhiya sa kamao niya. Isinuntok niya ito ng malakas sa ulo ng goblin at kagaya ng unang pinuno ng mga goblin ay pumutok din ang ulo nito at namatay. Tumalsik ang ibang dugo sa damit ng binata at bigla itong napaisip. 'Ohh. Kaya pala nalaman nila ang lokasyon ko ay dahil sa dugo ng mga kauri nila na hindi ko natanggal sa katawan ko.' Hindi makapaniwala si Tori at ang mga mamamayan sa paligid ng makita nila ang nangyari. Habang gulat na gulat pa rin ang mga tao sa paligid ay mabilis na sinugod ni Zac ang natirang limang goblin at pinagpapatay niya ang mga ito. 'You've leveled up!' "Naka-isa ulit ako. Hindi na masama haha." Sambit ni Zac at nakangiti itong lumakad papalapit kay Tori. "Ayos kalang ba Mister?" Inosenteng tanong ni Zac at talagang makikita sa ekspresyon ng mukha niya na nag-aalala talaga siya para kay Tori. "A-ayos lang naman ako! Maraming salamat pala sa pagligtas sa aking buhay! Ano ang pangalan mo Ginoo?" Tanong ni Tori at bigla siyang nakaramdam ng hiya ng mapansin niya na may pagka-inosente pa si Zac at parang hindi pa siya masiyadong nakaka experience ng mga delikadong experience. Kahit sino ay mahihiya ng kaunti kung isang inosente at wala pang kamuwang-muwang sa mundo ang magliligtas sa isang beterano. 'Oh. Gumana? Naniwala siya sa akto ko? Akala ko ay hindi gagana ang pag-acting ko kagaya ng ginagawa ng ilan sa mga kaklase ko." "Ako nga pala si Zac, Mister!" Magalang na sagot niya. "Ako pala si Tori, ako ang pinaka nagbabantay sa Tona. Maraming salamat ulit sa iyong pagtulong! Niligtas mo ang aming village. Ngunit paano ka napunta dito?" Tanong ni Tori sa binata. "Ano kasi Mister. Pinilit ko si Master na turuan akong maging malakas kagaya niya, laging sinasabi ni Master na hindi pa ako handa pero pinilit ko siya ng sobra kaya binigyan niya ako ng pagsusulit na maranasan ang mundo ng mag-isa sa loob ng anim na buwan. At isa pa, dahil na rin sa nasa bundok ako buong buhay ko kasama si Master ay wala rin akong alam na mga siyudad o kaharian dito.." Nahihiyang sambit ni Zac habang nagkakamot ng ulo. Karamihan sa mga nababasa niya dati ay ganito kung saan ang mga Main Character ay nageensayo sa bundok o tagong lugar at biglang aalis para bumisita sa mga lungsod, doon ay makikita ng iba ang abnormal na lakas ng bidang walang ka-alam-alam kung paano tumatakbo ang mundo sa lungsod. 'Kaya pala ganoon ang mga galaw niya kanina kahit na napakalakas niya ay parang hindi siya sanay lumaban. Pero bakit hindi siya tinuruan ng master niya na makipaglaban? Napakalakas naman na ng katawan niya. Hindi kaya isa sa mga malahalimaw na master ang master niya at hindi pa sapat ang lakas ng katawan ng binata para sa kaniya?' Isip ni Tori. 'Pero kahit na parang magulo ay niligtas niya pa rin ang buhay namin.' Isip nito habang tumatango-tango. "Edi wala ka palang matutuluyan ngayong gabi? Bakit hindi ka muna magpagabi dito sa aming baryo? Sigurado ako na walang tatanggi na magpalipas ka dito ng gabi." Sambit ni Tori at tinignan niya ang mga mamamayan sa paligid na nagmamatyag at halos lahat sila ay nakangiti at sang-ayon sa sinabi niya dahil sa niligtas ni Zac ang kanilang mga buhay, kaya naman maganda ang tingin nila sa binata. .... Pinatuloy si Zac sa pinaka malaking bahay sa village kung saan nakatayo ang dalawang palapag na tinutuluyang bahay ni Tori, si Tori rin ang parang pinaka leader ng village kaya naman walang humadlang ng nanatili si Tori sa tirahan ng dating Elder ng village. Kinabukasan ay maagang bumangon si Zac, may matandang maid na nakaabang sa labas ng silid niya. Lumabas siya at agad siyang sinalubong ng maid. "Master Zac nakahanda na po sa baba ang pagkain ninyo." Magalang na sambit ng matandang maid. Ngumiti si Zac at tumango bilang tugon sa matanda kaya naman naglakad na ang maid pababa para samahan si Zac sa dining area. Nang makarating sila sa Dining Area ay nakaupo na si Tori sa lamesa pero hindi pa ito kumakain, hinintay niya si Zac. **** Nagkwentuhan si Tori at Zac habang kumakain, nagtanong-tanong si Zac kung saan ang pinakamalapit na siyudad dito para magbakasakali na mas maka-experience siya ng mga bagay-bagay. "Ang pinaka malapit na siyudad dito ay ang Edo. Mayroon rin doong adventurer's guild, siguradong marami kang makukuhang experience sa guild." Saad ni Tori tiyaka sumubo ito ng pagkain. 'Oh. May adventurer's guild rin.' "Salamat sa impormasyon Mister Tori!" Sagot ni Zac. "Sandali! May dala kabang silver? O kahit pangbili ng mga kailangan mo." Biglang tanong ni Tori. "W-wala Mister Tori." Nahihiyang sagot ni Zac. "Sakto! May ibang mamamayan ang nagpunta kanina dito para magbigay ng ilang silver para sa kabutihang ginawa mo sa village." Nakangiting sambit ni Tori. "T-talaga?" Gulat na tanong ni Zac at agad naman itong sinagot ni Tori ng tango. **** Puro dugo ang suot ni Zac kahapon kaya naman pinahiram siya ni Tori ng brown na damit at normal na short, hindi ito kasing ganda kumpara sa dating mundo niya pero okay pa rin naman ito para sa binata. Hinatid ni Tori hanggang labas ng village si Zac at binigyan niya rin ito ng mapa para hindi na maligaw pa. Habang naglalakad sila palabas ay napaisip si Zac saglit. 'Aangat kaya ang level ko kapag tao rin ang napatay ko?' Biglang napaisip si Zac dahil sa nakuha naman na rin niya ang mga kailangan niya sa village. Ang totoong impormasyon, hindi mabilis magtiwala si Zac kaya gumawa siya kagabi ng paraan, at iyon ay ang magpanggap na tagapagligtas nila para mas masiguro na hindi kasinungalingan ang mga impormasyon na ibibigay sa kaniya kapag nagtanong siya. Napatingin si Zac kay Tori kaya napatingin rin naman ito sa binata. Nang magkasalubong ang mga tingin nila ay bigla na lamang nakaramdam ng kaba si Tori ng makita niya ang mga mata ni Zac, ang mga inosente niyang mata kahapon ay biglang napalitan ngayon ng walang ka emo-emosyon na para bang kahit anong mangyari sa paligid niya o sa iba ay wala siyang mararamdaman. At ang mga tingin na iyon ay para bang nagsasabi na bigla na lamang naging hawak ng binata ang buhay niya at pwede siyang mamatay kahit na anong oras kung nanaisin nito. ---- Please follow and comment if you are enjoying the story :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD