10.
Kalaban.
Nagulat siya sa sinabi ng babaeng nasa isip niya.
Nagtago si Luna sa malaking puno at sinilip kung sino ang mga iyon.
Ang kaninang humarap sa kaniya, ang itim na grupo.
"Wala na siya! Hindi puwede! Malamang nakuha niya na ang kapangyarihan niya!"
Sigaw ng isang babae. "Sabi 'ko naman sayo, Helga. Sundin natin ang reyna na bumalik"
"Hindi puwede! Kailangan natin mahanap si Luna!"
"Tara na kasi! Malamang ay hinahanap na rin siya!"
Napa buntong hininga ang babaeng si Helga tsaka sabay sabay na nag laho.
"DRAGON!" Sigaw ni Ealy tsaka huminto.
Kasabay ng pag lapag ng dragon ay kasunod nito si Tevi.
"Tevi?"
"Sinundan 'ko siya" sabi ni Tevi.
Lumapit sa kanila ang Dragon.
Humarap ang Dragon kay Tevi na parang kinakausap ito.
Parehong may pakpak ang Dragon at si Tevi, kaya naiintindihan ni Tevi ang salita nito.
"May nakita raw siyang babaeng parang patay na sa dami ng sugat sa bangin, may umatake daw dito" sabi ni Tevi.
"Si Luna!" Ang sabi ni Zayn.
"Saan?! Nasaan siya?!" Tanong ni Ali.
Lumipad ang Dragon. "Sundan daw natin siya"
Agad nilang sinundan ang dragon na iyon at nangunguna sa kanila si Zayn at Esmeralda.
Hanggang sa makarating sila doon ay nakamasid lang si Luna.
"Hinanap nila ako..." Bulong nito.
Natulala silang lahat nang makitang dugo at punit punit na damit nalang ang nakita nila.
Dahan dahang lumapit doon si Ali.
"A-anong..." Naiiyak na salita nito.
"Ang sabi ng dragon, 'yan daw ang damit na suot ng babae na halos mamatay na." Sabi ni Tevi.
Napa luhod doon si Ali. "K-kay Luna 'to" umiiyak niyang sabi at kinuha ang mga damit.
"Sorry, Sorry Ali.." bulong ni Luna.
Akala niya maririnig siya ni Ealy o ng ibang kasama nila ngunit hindi. 'Yun ang hindi niya maintindihan.
"Nag sisinungaling ang dragon na 'yan" sabi ni Zayn at umapoy ang mga mata.
"Hindi daw siya nag sisinungaling, ang mga prutas na 'yan na kinuha niya mula sa gubat para subukang pakainin si Luna ang pruweba" sabi ni Tevi. "SO SHE'S DEAD?!"
"Hindi!" Sigaw ni Esmeralda. "Nararamdaman 'ko, Buhay pa siya" Lumapit ito sa mga buhok na nasa lupa.
"H-hindi puwede" sabi nito.
"Hindi patay si Luna." Sabi ni Lisa. "Hindi siya patay. Hindi niya kaya mamatay!" Sabi ni Lisa.
Napatakip sa bibig si Ealy habang pinipigilan ang luha. Ganoon din si Helena na gulat lamang.
Hindi man nakasama ng madalas ni Ealy at Helena si Luna hindi kagaya ni Ali, nakakaramdam parin sila ng lungkot.
Sa mga araw na unang pagkikita nila, biglang lumitaw ito sa isipan nilang dalawa.
Ang pag gugulat ni Helena kay Luna noong bagong dating si Luna.
Ang pag katuwa ni Ealy kay Luna nang mabasa ang isip nitong pinupuri siya.
Nakaka lungkot para sa kanila.
Ngunit ang hindi nila alam, ang taong iniiyakan nila ay pinapanood lang sila.
Hindi puwedeng magpakita si Luna sa kanila lalo na't naka h***d pa siya.
Bukas na siya magpapakita sa kanila, gusto niyang supresahin ang mga kasama.
***
Parang tutulo ang luha ng Pinunong Luthanus sa balita ng kaniyang kapatid na si Esmeralda.
"N-nagbibiro ba kayo?" Tanong ni Therine.
Umaga na nang makabalik sila sa kampo. Siniguro muna nila Esmeralda kung kay Luna nga ito, at nakumpirma nila ito.
Sa isipan nila, patay na si Luna.
"S-sa panaginip 'ko, nakaligtas si Luna mula sa kamatayan" sabi ni Sihairo.
"May mga humarap rin saaming mga itim. Makapangyarihan sila dahil sila ang nagpadala ng mga kinuwento naming patay na muling tumapak sa lupa" sabi ni Ealy.
Nagulat lamang silang lahat. Kahit si Natasha.
Umiiyak lang si Ali habang yakap ang paboritong unan ni Luna. Habang si Esmeralda naman ay namumula ang mata sa pag pipigil umiyak at pinipilit maging seryoso at kalmado.
"This is not happening" bulong ni Sibeal. "Hindi pa siya tumatagal saatin kinuha na kaagad siya!" Sabi nito.
"Asaan ang katawan niya?" Tanong ni Lemuel. Umiling lang si Lisa. "Wala? Kung ganun hindi siya patay"
"Mga damit ni Luna at buhok niya ang naiwan sa lugar na iyon... Ano sa tingin mo?" Salita ni Lisa. "Patay na nga siya" singit ni Natasha.
"Then, saan napunta ang katawan niya?" Tanong ni Sihairo. "Mortal in magic world, ganun ang mga nangyayari kapag ang isang mortal na kagaya ni Luna ang namatay sa mundo natin. Nagiging abo sila" sabi ni Jaruto.
"No! Hindi mortal si Luna! She's one of us" sabi ni Zayn. "Pero sabi niyo, wala pa naman siyang kapangyarihan na nalalabas? That means mortal pa siya." Sabi ni Jaruto.
"Tama si Jaruto, ang mga mortal na namamatay sa Magic World ay parang cremate sa kabilang mundo. Parang nasunog para maging abo at tangayin ng hangin" sabi ni Natasha. "So, she's dead"
"A-ayoko parin maniwala" sabi ni Lisa. "Hindi naman siya puwedeng mamatay ng ganun ganun lang"
"Pero hindi ba kayo napapaisip? Bakit parang ang daming gustong pumatay kay Luna?" Saloobin ni Sihairo.
Natigilan si Lisa at Esmeralda. Nagkatinginan silang dalawa.
"Bakit naman nila pag iintiresan si Luna, aber?" Tanong ni Mathiya.
"Hindi 'ko alam. Napapaisip ako. Parang hinahabol ng lahat si Luna para patayin" sagot ni Sihairo.
"Hindi 'ko alam kung maniniwala akong.. patay na si Luna" sabi ng Pinuno.
"Hindi ako naniniwala.."
Isang babae na pumasok ang nakakuha ng atensyon nila.
"Hindi ako naniniwalang patay na ako" sabi ni Luna na naka tapis ng makapal na kumot.
Nagulat ang lahat sa kaniya at sa bago niyang itsura. "Lunari??" Agad na tumakbo si Ali kay Luna at yinakap ito.
"L-luna!! S-SORRY! PATAWARIN MO AKO LUNA!" umiiyak na sabi ni Ali.
Yinakap rin siya ni Luna. "Wala kang kasalanan, Alira"
Nang kumawala sa yakap si Ali ay lumapit si Luna.
Ganun din si Esmeralda. "A-akala namin.."
"Mama.." Yinakap kaagad ni Esmeralda si Luna at pinakawalan na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. "L-luna.."
Agad na kumawala si Esme at tinignan ang anak-anakan nito.
"M-may pinag bago ka..." Sabi nito. "A-anong nangyari? Duguan ka raw sabi ng dragon mo at parang patay na. Bakit parang kahit sugat ay wala ka?"
Ngumiti lang si Luna.
Agad na lumapit si Helena at gamit ang kapangyarihan ay binihisan ang kaibigan. "Kinabahan ako sayo!!" Sabi nito tsaka yinakap si Luna.
Tumingin siya sa mga iba pa at ngumiti lang ito, ganoon rin siya.
"Mahabang kuwento po kung anong nangyari saakin, pero may magandang balita po ako" lumapit ito sa kanila.
Tumayo ang Pinuno mula sa pagkaka upo.
"Anong magandang balita mo?"
"May kapangyarihan na ako"
Nakangiting sabi ni Luna. "May kapangyarihan kana?" Tanong ni Lisa.
Tumango naman si Luna dito. "Kagabi po, may mga nakita akong gusto ako patayin. Pero may pomoprotekta saakin. Para siyang shield na napaka lakas." Kuwento nito.
"Bigla pong lumiwanag ang buwan saakin, kasabay po noon ang pag karamdaman ng sakit ng mga gusto pumatay saakin kaya umatras sila. Binigyan ako ng buwan ng kapangyarihan- hindi, ang sabi niya, Hindi niya ito binigay. Ginising niya ito sa natutulog 'kong katawan. At sabi rin ng buwan, may iba pa daw akong kapangyarihan" Nagtinginan si Esmeralda at Lisa sa kuwento ni Luna.
"Anong kapangyarihan?" Tanong ni Zayn.
Pumunta si Luna sa kusina at kinuha ang pinaka matalas na kutsilyo. Nagtaka ang lahat sa kinuha nito.
Bumalik ito at tinutok ang kutsilyo sa pulsuhan at hiniwa ito.
"LUNA!!" sabay sabay na sigaw nilang lahat.
Pero mas nagulat sila nang makitang nag hilom kaagad ang sugat na ito na parang walang nangyari.
"Zayn, sunugin mo ang balat 'ko" utos nito kay Zayn. "Ano? Nababaliw ka na ba? Bakit 'ko gagawin 'yun?"
"Gawin mo nalang, please" sabi ni Luna.
Napailing si Zayn "H-hindi 'ko kayang saktan ka ulit.."
"Sige na Zayn. Hindi ako masasaktan" sabi ni Luna. "Pero.."
"Zayn... Sige na"
Inilahad ni Zayn ang palad niya kay Luna na may roong mag liliyab na apoy.
Tinignan niya muna si Esmeralda at nang makitang tumango ito. Sinunog na niya ang kalahating balat ni Luna.
Napa sigaw at luhod si Luna sa ginawa ni Zayn sa kaniya.
Kaya agad nag alala ang lahat at dahan dahan siyang itinayo.
Nakikita ang nasusunog na balat ni Luna na ipinag alala nila.
Pero gaya kanina, nalaglag lang ang panga nila nang makitang nawawala ang sunog na ito.
Unti unti itong gumagaling hanggang sa nawala na ito na parang walang nangyari.
"'Yan ang kapangyarihan 'ko ngayon. Kaya 'kong pagalingin ang sarili 'ko sa napaka bilis na paraan" sabi ni Luna.
Ngumiti si Sihairo "Ability to heal yourself" sabi nito at linapitan ang dalaga habang manghang-mangha ang lahat.
Hinawakan ni Sihairo ang kamay niya at nagsimula maka kita ng nangyari.
Nahilo ito at muling binuksan ang mga mata. "'Yan ang unang kapangyarihan mo na nagising, dahil sa paulit ulit kang nabugbog at nasaktan. Kaya 'yan ang kapangyarihan mo, napapagaling mo ang sarili mo para hindi kana ulit masaktan ng basta basta ng kung sino sino" sabi ni Sihairo. "Congrats."
Yinakap kaagad ni Ali si Luna. "Congrats sissy!! S-sabi 'ko sayo may kapangyarihan ka eh!" Sabi nito.
Lahat sila ay yinakap si Luna maliban kay Zayn at Natasha.
Naiyak si Luna sa tuwa. "Sobrang saya 'ko. Gusto 'ko na magamit 'to.. sobrang sobrang saya 'ko" sabi nito.
Ngumiti lang ang lahat sa kaniya.
"Ngayon na may kapangyarihan kana, hindi kana basta basta masasaktan" sabi ni Therine.
"I'm happy for you, Dear" sabi ni Mathiya. "Pinakaba mo kami pero okay lang, sulit naman" sabi naman ni Sibeal.
"Mas gusto 'ko po mag thank you sainyo. Hinanap niyo ako.." humarap siya sa Pinuno. "Salamat po at hindi kayo tumigil"
"Walang anuman." Sagot ng Pinuno at yumuko lang kay Luna. "Tungkulin 'kong pangalagaan ang lahat, kasama ka"
"Kung may parte man ng nangyari na ito ang ikinagalit 'ko, 'yun ang sarili 'ko. Pinabayaan kita" sabi ni Esmeralda.
"Mama.. Wala naman po kayong kasalanan eh." Yinakap ni Luna ang mama niya. "Yes, dahil ako ang may kasalanan" singit ni Zayn.
Ngumiti si Luna kay Zayn. "Wala ka ring kasalanan.." sabi nito "Thankyou" ngumiti pabalik sa kaniya si Zayn. "Salamat Zayn.."
_________
Chapter 10 ️
"'Wag mo abusaduhin ang meron ka."
"Hindi naman. Gusto 'ko lang malaman kung hanggang saan ang kapangyarihan 'ko na 'to"