19.
"Ito yung unang pasok 'ko na hindi madaling araw" sabi 'ko tsaka kumain ulit ng biscuit.
"Zayn palibre naman, ayon oh! Mukhang masarap" sabi ni Ealy habang naka sandal. "Mas masarap kung ibibitay kita" sagot naman ni Zayn siga.
Umirap kaagad si Ealy. Kung dati medyo takot pa sila kay Zayn, ngayon hindi na.
Nasanay na sila eh, tsaka kapag nakikita nila akong sinasagot sagot si Zayn lumalakas ang loob nila.
Tulad ngayon, nasa cafeteria kami tapos nag papalibre sila. Pero dahil ubod ng sama ang Zayn niyo, nang t-trashtalk nalang.
At hindi nag papatalo ang mag kapatid, kinukulit talga nila si Zayn. "Alam niyo mga pota kayo. Gustong gusto 'ko magpahinga tapos iniistorbo niyo ako" sabi ni Zayn tsaka pumikit.
"Sige, ganyan ka hah.." sabi ni Hailey "Kapag ikaw nabugbog 'wag na 'wag kang lalapit saakin, inamoka ha" sabi nito.
Napatawa nalang kami.Nahawa na talaga siya kay Helena at Ali.
Actually silang dalawa magkapatid, hindi rin daw ganiyan sila Ealy pero na hawa ata sila sa mga katarantaduhan ni Helena at Ali kaya ayan.. that's the results.
"Alam niyo kanina, napadaan ako sa council room.. parang namomroblema sila" chismis ni Tevi.
Naging interesado naman si Ali at Helena. "Talaga? Bakit?"
Tumingin si Hailey saakin "Wala silang nasabi saakin"
"Ewan 'ko pero may kausap silang teacher, pakiramdam 'ko nga tungkol ito kay Czhyriehco eh" sabi ulit ni Tevi.
Halos lahat sila naging interesado na pati si Zayn. "Ay nako, ipa babalik na 'yan nila si Czhyriehco sa Sweatland" sabi ni Ali.
"Hoy! 'Wag naman noh! Baka mabaliw si Czhy!" Sabi naman ni Helena.
"Mababaliw? Eh baliw naman na talaga yun" sabi ni Ealy. "Grabe ka! Hindi ah!" Sabi naman ni Hailey.
"Teka sino ba kasi 'yan Czhyriehco na 'yan?" Tanong 'ko.
"Hindi mo kilala si Czhy? Sure? Si Czhyriehco Marino?" Tanong nito. Umiling ako.
"Si Czhy ang anak ng Capo ng Sweatland! Ang pinanggalingan 'ko. Siya ang nag iisang anak ni Capo Czhyriehna" sabi naman ni Helena.
Oo, ang Sweatland. Ang sabi nila puro tubig lang ang naroon. Land of water kumbaga.
Hindi pa nasabi saakin kung sino ang Capo ng Sweatland, at anak pala nila yung Czhyriehco daw.
"Alam mo kasi, si Czhyriehco napaka tamad niyan at laging wala sa klase!Akala mo rebelde! Lagi rin 'yang nakikita sa gubat na babasa ng libro!" Umiling iling si Helena. Book lover naman pala.
"Pero hindi 'yung libro na parang binabasa ni Tevi ah? Good boy 'yan si Tevi-licious eh. Ang binabasa non ni Czhy, puro BS bawat page!" Kuwento ni Helena.
"True! Noong minsan inatasan kaming habulin si Czhy para ibalik ang libro, nabasa 'ko kaunti.Myghad prologue palang nakakakilabot na!" Sabi ni Ealy.
"Anong BS?" Tanong 'ko.
"Haha.." narinig 'kong tawa ni Zayn.
"BED SCENE!"
Sabay sabay nilang sabi.
Saktong umiinom ako, nabuga 'ko ang iniinom 'ko. Pucha wild.
"Yeah, Wild talaga" sabi ni Ealy. "Talagang pinag sigawan niyo pa ang Bed Scene hah?" Sabi 'ko.
"Ganon 'yun eh! Hindi naman siya m******s, ewan namin bakit mahilig siya roon! Tapos nakakapasa lamang siya kasi anak siya ng Capo! At alam mo pa ba? Chick magnet 'yun! Pero walang kaibigan 'yun eh." Chismis naman ni Hailey.
Saan niya nakuha 'yan hah?
Tinapik ako ni Ealy at tinuro si Helena. "Doon, malamang"
Okay, nabasa niya isip 'ko. Well hula 'ko naman na talagang kay Helena galing 'yun.
Kung 'yung Czhy na 'yun Chick magnet si Helena, Gossip Magnet.
Bruh -__-
Laging may baong kuwento, balita o chismis 'yan.
"Paanong walang kaibigan? As in wala?" Tanong 'ko habang inaabutan ako ni Zayn ng tissue.
"Oo, may nga kumakausap sa kaniya pero lagi siyang hindi interesado." Sabi ni Ali. "Well, bobo eh"
"Hoy grabe ka" sabi 'ko. "It's a fact, Luna" tumingin ako sa kanilang lima. "Eh?"
"Yeah, pero matalino 'yun! Sa ibang bagay nga lang" sabi ni Ealy. "Sa academics lang siguro" sabi ni Ali. "Sa academics lang siguro siya mahina"
"Wag nga kayo! Puzzle wizard natin 'yan" sabi ni Tevi. "Puzzle Wizard?" Tanong 'ko.
"Naalala mo 'yung malaking frame na nasa Main Hall?" Tanong ni Ali at tumango ako. "Hindi ba puzzle 'yon? Siya bumuo noon. Si Czhyriehco Marino"
Lumaki ang mga mata 'ko. "WEH?! TOTOO?"
Grabe! Ang laki laki kaya non! Akala 'ko nga painting 'yun eh pero pag tinignan 'ko sa malapit puzzle pala!
Sabi nila 1,945 pieces 'yun at sobrang hirap buoin dahil bukod sa maliliit, magulo rin dahil para itong painting.. abstract.
"Baka naman ginamit niya kapangyarihan niya doon?" Sabi 'ko. "No, kita ng lahat kung paano niya binuo 'yon. In twenty minutes, done" sabi ni Hailey.
"Tsaka yung mga puzzle sa museum? Iba doon binuo niya. Tapos kung hindi libro ng kadiliman ang hawak ni Czhy, puzzle" sabi ni Ali.
Gusto 'kong matawa sa sinabi ni Ali na libro ng kadiliman! HAHAHA!
"So magaling siyang bumuo ng puzzle?" Tanong 'ko.
Tumango sila. "Parang bilis lang din ng isip niya 'yun, ganito kasi 'yun. Sabi niya noon, kaya siya mahilig bumuo ng puzzle para bumilis ang pag iisip niya. Gets mo? Kunyari may mga hula hula tayo na unexplained tapos mabilis siyang makagets or makuha yung punto, iniimagine niya daw puzzle 'yun. Binubuo niya unti unti hanggang sa nakukuha niya na ang sagot" sabi ni Ali. Napatango ako. "Sobrang bilis ng utak no'n! Promise! Siguro kung nag aaral lang 'yun si Czhy sobrang talino no'n! Bilis ng utak! Kaka puzzle"
Panahon na ata para bumuo ng puzzle.
"Likas na tamad at walang plano sa buhay si Czhy, kaya siguro siya pinoproblema" sabi ni Tevi. "Bakit?"
"Baka kasi next week or next month or next day hehe.. pumunta dito ang mama niya, sobrang strikto no'n tapos ayaw niyang nag kakamali si Czhy. Eh balita 'ko binagsak ng apat na teacher si Tevi at baka hindi maka pasa bilang task force" sagot ni Tevi.
Kung sa mundo ng mga tao, pagkatapos ng highschool kukuha ng course sa college pero dito mga military force ang kinukuha. Or mga gusto mo, puwedeng saklay ng konseho or anything.
Karamihan sa mga kalalakihan mga military ang kinukuha.
Zayn wants to be Air Force, Tevi wants to be Land Force or Naval Force.
Si Ali kahit babae gusto niyang maging Elite Force, gusto rin kasi ni Helena roon.
At ang sinasabi nilang si Czhyriehco, sa Task Force pala.
Bago ka maka pag training bilang military kailangan mong maka pasa just like other worlds, kailangan mong maka pasa para grumaduate.
Oo, may graduation din dito.
Ako? Wala. Tsaka hindi 'ko daw kailangan no'n. Ipapasok daw nila ako sa Konseho pagkatapos 'kong grumaduate pero baka itrain muna ako at pasalihin sa iba't ibang militar. Gusto 'ko sa Land Force hehe.
Awit sayo kung hindi ka maka pasa, its either babalik ka o magiging trabahador ka dito sa Magic Island.
'Yung mga nag titinda ng mga prutas, mga chef sa kainan.. basta!
Kung hindi ako maka pasa.. wag naman sana.
May isang bantay ang lumapit saamin. "Lady Luna, ipinapatawag po kayo ng Konseho.." sabi nito.
Nagtinginan kaming lahat. "Isama niyo daw po ang iyong mga kaibigan" tumango ako tsaka umalis na ito.
Tumayo na kami tsaka nag usap usap kung bakit kami ipinatawag. "Baka ibibilad tayo sa araw kasi late tayo kanina" sabi ni Ali.
"Gagawin tayong daing" - Helena
"Gagawin tayong tinapa" -Ealy
"Gagawin tayong dilis, Marami tayo mga sis" sabi naman ni Hailey.
Napailing nalang ako at pumasok sa Council room.
Pumunta kaagad ako kay Mama para ikiss siya kahit ayaw niya talaga, ang arte talaga ng mama 'ko.
"Bakit po?" Binigyan kami ng upuan ng mga bantay. "Ahmm.. Hindi na namin papatagalin, Luna do you know Czhyriehco Marino?" Tanong ni Ms.Lisa.
"Sabi na eh" bulong ni Ali.
"Opo, pinag usapan po namin siya kanina lang" sabi 'ko.
Napatango sila at ngumiti. "That's good, I just want you all to know that.. may bagsak si Czhy na apat na subject" sabi ni Miss Therine.
Tama nga ang chismis ng mga kaibigan 'ko.
"Isang subject niya ang malapit nang bumagsak, at alam nating kapag limang subject pababa ang bagsak mo.. maari kang bumalik o manatiling trabahador na lang. Kilala natin si Capo Czhyriehna. Baka maghamon ito ng digmaan kapag nalaman niyang may posibilidad na hindi makapasa bilang task force si Czhy. Kailangan niya ng tulong" okay....?
Nag tinginan ang mga Konseho. "Ano pong meron?" Tanong ni Tevi.
"We need to help him, Czhy needs us" sabi ni Misa Sibeal.
"Kaya namin kayo ipinatawag para isa sainyo ang tumulong sa kaniya" sabi ni Mama. "Ang maging tutor niya"
Narinig 'ko nag pag ubo ng mga nasa likoran 'ko at napa atras pa ang upuan.
"Ehem grabe! Ehem ehem!"
Si Ali naman ay parang may sakit na sa ubo niya.
Nagulat ako nang pati si Zayn umubo rin. "Sorry, masakit lalamunan 'ko. Ehem!"
"Ako ren parang may mali sa kape sa cafeteria" sabi naman ni Tevi at hinawakan ang lalamunan
Anong nangyayari sa mga 'to?
"Kailangan, isa sainyo ang maging tutor ni Czhyriehco dahil kung hindi siya maka pasa.." parang alam 'ko na ang pahiwatig ni Miss Therine.
"Ano po ba ang Subject na 'yun? Iba iba naman po kami. May subject na mahina kami" sabi ni Helena.
Sos palusot.
"Madali lang, kaya niyong lahat, matatalino kayo eh" sabi ni Miss Sibeal. Kaya favorite ko 'to e, hehe.
"Math, Science, TLE and Physical Education" sagot ni Sir Lemuel.
Parang nanlamig ako.
Muling umubo lahat sila as in lahat sila kasama si Zayn! Pumapalakpak pa.
"Ehem! Grabe ang sakit ng lalamunan 'ko! Ehem! Lunari! Ehem!"
"Agh! Ehem! Polaris! Ehem! Lunari! Ehem! Greensmith"
"Mga wala kayong hiya linalaglag niyo ako!" Sigaw 'ko.
"Bakit?" Tanong ni Miss Lisa.
"Si Luna po ang pinaka magaling saamin diyan, lalo na sa Math at TLE" sabi ni Ealy.
"Si Tevi sa Science! Professional!" Lusot 'ko. "Si Helena sa Physical Education!" Lusot ni Tevi.
"Si Ali talaga pinaka magaling sa TLE sunod kay Luna" lusot naman ni Helena. "Ay hindi, si Hailey nga pinaka magaling sa Math sunod kay Luna"
"Ako?" Inosenteng tanong ni Hailey.
Nagtinginan sila. "Ah wala, kay Luna parin uwuwi" sabi ni Ali.
"Hoy! Bakit ako?"
"Oo nga, bakit siya? Ali ikaw nalang" sabi ni Zayn. "She didn't know him"
"Pero hindi nga ako magagaling sa sunod sunod na subject na 'yan!" Depensa ni Ali. "Kung ako magiging tutor ni Czhy baka sabay kaming bumagsak"
"Final Answer, Luna talaga" sabi ni Helena. "Hoy!"
Tinignan 'ko ang Konseho. "Okay lang ba sayo ito, Luna?"
Mukha bang okay 'to saakin?
"Ahmm.. bawal po ba dalawa?" Call a friend. "No, isa lang dapat"
Shuta bakit kasi ako? "Si-sige po"
Agh! Bakit ako?! Baaaakit ako?!
BAKIT AKO ANG MAGIGING TUTOR NG HINDI 'KO NAMAN KILALA?!?!?! POTA!.
Baka mamaya kung anong gawin non saakin, o baka pangit pala ugali non daig pa si Zayn. Agh.
Hindi na nga ako magkanda ugaga sa trabaho 'ko dadagdag pa ang Czhyriehco San Marino na 'yan!
"Sure ka?" No.
"Opo naman" Plastik Luna.
"Sige, bukas na ang start. Puntahan mo siya hah?" Agh. Ako na nga mag tu-tutor pupuntahan 'ko pa? depungal.
I'm nice. Not untill na may sabihin o gawin na kakaiba 'yun saakin.
"Czhyriehco is nice too" sabi ni Allegra.
Nays.
***
"Shuta." Bulong 'ko.
Kinuha 'ko ang bag 'ko tsaka umalis na. "Hey" may kumakabit saakin. Si Zayn.
"Oh, aga ah" sabi 'ko. "Nag cutting ako" sagot niya.
"Siraulo. Bakit naman?" tanong 'ko.
"Sasamahan kita kay Czhyriehco. Baka kung ano gawin non" sabi nito. Akala 'ko ba bawal na may kasama sa tutor ano 'to?
"Be thankful mabait ako para samahan ka" sabi nito. "Sila Ali nga hindi pinasama saakin eh, ikaw pa?"
Nang maka lagpas na kami sa isang hallway may mga bantay na ang humarang kay Zayn. "What?"
"Sabi 'ko sayo bawal eh. Sayang cutting balik kana" sabi 'ko tsaka tumaikod.
Kailangan 'ko mahanap ang Czhy na 'yon. Balita 'ko kasi nag umpisa na siya pumasok para hindi bumagsak.
Lumapit ako sa isang bantay. "Saan po si Czhyriehco? Yung classroom niya?"
Agad na itinuro ng bantay ang isang classroom. Malaki ito at akala mo VIP.
Agad akong pumunta roon pero hindi pumasok. "Siya po si Mr.Czhyriehco Marino, Lady Luna" turo niya sa bored na bored na lalaki.
Matangkad siya at maganda ang mukha, mukhang prinsipe. Medyo maputi, matangos, may kaunting red sa unahan ng buhok, may isang hikaw tapos may kuwintas siya na ang pendant ay singsing.
Ganiyan din pormahan ng mga tambay sa kabilang mundo, pero bakit sa kaniya ang angas tignan? Alam mo 'yung mag kaka-crush ka agad.
Naka white polo siya- uniform namin tapos naka ripped jeans. Naka de-kuwatro pang upo.
May lapis siya sa nguso. Damn.
Hindi mukhang estudyante ito, mukhang model 'to. Siguro mag kasing level na sila ni Tevi.
Hindi niya pa abot si Zayn kasi mas maangas at mas malakas ang dating ni Zayn. Siguro kulang siya ng apat na paligo bago maging kasing level si Zayn.
Kahit medyo serious type siya, mas matimbang 'yung magiging normal-good-chikboy type niya. Parang si Tevi lang din.
Siguro mas matangkad lang ng 1cm si Tevi.
May isang babae ang naka kita saakin at bigla siyang nag tata-talon. Eh?
"OMG! Ang itinakda! OMG nandito siya!" Naabala niya tuloy ang mga kaklase niya.
Pero hindi sila na inis, nag tilian pa. Ako ba? Ako ba tinitilian nila? 'Wag feeling Lunari.
Napatingin si Czhy saakin at lumaki ang mga mata niya.
Lumapit ang teacher nila saakin at yumuko na parang ginagalang ako. Ayoko nito eh, shocks.
"Lady Luna, magandang umaga po" sabi nito. "Goodmorning rin po, Luna nalang"
"May kailangan po kayo?" Po? Hindi naman ako matanda.
"Ahm.. hindi po mamaya na, hindi pa po kayo tapos sa klase. Sorry sa pang iistorbo" sabi 'ko at ngumiti. "Nako wala 'yun! Kahit araw araw mo pa ako istorbohin!" Sabi ng lalaki sa likod.
"Sino po ba ang ipinunta niyo rito?"
"Ahmm..."
"AKO!!" Malakas na sigaw ni Czhyriehco. Sakit sa tenga.
Lumapit siya saamin. "Ako diba?"
"Siya po?"
"Opo, ako po kasi ang pinadalang tutor ni Czhy--"
"MEGHAAAAASH!! OMO!!" sigawan ng mga estudyante. "Ako rin!!"
"Ma'am ibagsak niyo ako!!"
"WOWWW!!"
Ang sakit sa tenga ng sigawan nila. Parang may artista.
"Mainggit kayo! Ang itinakda at pinaka mataas ang tutor 'ko!" Pagyayabang ni Czhy at ngumiti.
Nawala 'yung serious type niya. Mukha siyang goodboy.
Lumapit ito saakin. "Bale, alaga mo pala ako?" Kumindat pa ito saakin.
Sabihin niyo paanong hindi magiging lapitin ng babae ito?
"Ganun po ba? Kanina pa po namin hinihintay ang tutor na mag susundo kay Mr.Marino eh, Czhy you can now pack your things" sabi ng teacher.
Ngumuti ako at nag bow. "Ay nako 'wag po" sabi nito.
"Mas matanda po kayo sa'kin, ako dapat ang rumerespeto sainyo" sabi 'ko.
Nakita 'kong mag-isang gumalaw ang mga gamit at sumabit ang bag sa braso ni Czhyriehco.
"Tara na, Ms.Tutor ?" Pakiramdam 'ko mahihirapan ako dito.
Sabay kaming umalis at nag pasalamat sa teacher niya, sinabi 'ko kay Czhy na mag thankyou siya kahit ayaw niya.
"Saan mo gustong turuan kita?" tanong 'ko. "Anywhere, basta kasama ka"
Seryoso? Ganito ba talaga 'to?
"Banat ba 'yan?" Tanong 'ko.
"Halata bang... Hindi? Joke! Doon tayo sa gubat!" Sabi nito.
May mga nakakasalubong kaming nag tataka. "Hoy tutor 'ko oh! Ito yung tutor 'ko! Hoy ang ganda ng tutor 'ko noh?! Ang itinakda ang tutor 'ko!" Pag yayabang niya.
Ang dami niya pang sinasabi pero hindi 'ko nalang pinapansin.
"Alam mo, nakita na kita" sabi nito.
Nakita narin kita.
"Saan naman?" Tanong 'ko. "'Yung sumugod ang mga Maskos, linigtas mo ako." Linigtas?
"Kailan 'yun?" Tanong 'ko at muling inisip 'kong nakita 'ko na ba talaga siya.
"Are you amnesia girl?? Sa dami ng fans mo, di mo na ako naaalala" fans?
"Wala akong fans, kibuloy" sabi 'ko.
Napatigil ako sa sinabi 'ko. Kibuloy shet! Bakit 'ko 'yun sinabi? "Sino 'yun? Czhyriehco ako"
"Ah wala" sabi 'ko.
Bigla niya akong kinausap ulit tungkol sa nakita niya daw ako. "Hindi 'ko alam kung nakita ba talaga kita o nag loloko ka lang"
"Totoo nga! Alalahanin mo yung linigtas mo si Ms.Esme tapos sunod ako." Napa kunot ako ng noo.
"Czhy..." mahinang bulong ni Mama. "Miss Allegra, iligtas niyo po ang mama 'ko" sabi 'ko tsaka pinuntahan ang lalaki na 'yun tsaka agad na sinuntok ang maskos.
Nagdugo ang kamay 'ko sa tibay ng Mask nito sa mukha. "Halika..." kinuha 'ko ang kamay ng lalaki tsaka ito tinayo. "Anong ginawa mo? sinuntok mo... ang Maskos?"
"Ah! Ikaw pala 'yun" sabi 'ko tsaka mas dinalian ang lakad papunta sa gubat. Gusto niya gubat eh, nature lover daw.
"Thank you hah! Galing mo talaga!" Hindi 'ko makita kung saang parte 'ko ang nagagalingan sila.
Wala naman akong kapangyarihan kagaya nila.
"Diba sabi nila wala kang kaibigan? Bakit hindi ka nakikisama?" Tanong 'ko.
"Fvck friends! Mas gusto 'ko mag isa. Pero kung lang naman ang friends na 'yun why not" sabi nito.
Buang.
Sa pag punta namin sa gubat, napatigil ako nang makita ang isang babae na naka angat ang dalawang kamay ay pinapalutang ang mga mabibigat na bato.
Focus na focus siya.
"Sino 'yan?" Tanong 'ko. "That's Alfeia"
Alfeia.. parang narinig 'ko na 'yun ah.
Siya ata ang naka bangga 'ko noong papunta kami sa MythCircle para pabalikin ang alala 'ko sa panaginip 'ko.
Nakita 'ko kung gaano siya kalakas. "She's not powerful... Kung 'yun ang iniisip mo" sabi nito.
"Bakit?"
"Hindi niya naman pag mamayari ang iba niyang kapangyarihan.." sabi nito. "Baliw 'yang si Alfeia" sabi nito tsaka naglakad na.
Sinundan 'ko naman siya at binalewala nalang si Alfeia.
May parte ng gubat na sa ibabaw ng malaking puno ay may bahay. Tree House. "Doon tayo" aya niya tsaka naglaho at pumunta sa treehouse.
Umakyat lang ako doon gamit ang hagdan na lubid. Pagka punta 'ko roon hingal na hingal ako.
"Gentleman mo naman" sabi 'ko. "Ay sorry, akala 'ko kasi mag te-teleport ka rin" sabi nito tsaka na piece sign.
"Oo na, doon muna tayo sa math. Ilabas mo libro mo" sabi 'ko "Aye aye captain!" Sabi nito tsaka linabas ang libro.
Kumuha ako ng ballpen. Ayoko mang hiram eh. "Saan ka ba nahihirapan?" Tanong 'ko.
"Algebra!!" Malakas niyang sabi. "Parang sibuyas itong pisteng Math eh! Kaiyak" sabi niya.
Napatawa ako. Sibuyas pa nga. "Paano mo malalaman eh hindi ka nag aaral? Tsk"
"Ka boring naman kasi, at mas masaya mag basa nalang ng libro o bumuo ng puzzle" sabi niya tsaka itinuro ang kailangan nilang sagutin.
Madali lang naman.
"Imbis na libro ng pag aaral ang hawak mo, libro ng kadiliman" sabi 'ko, fresh from Ali.
"Hindi naman libro ng kadiliman ang binabasa 'ko ano! Maganda kasi ang story. SPG lang hihi" sabi nito.
Bala.
Sinimulan 'ko na siya turuan pero nahihirapan ako, distracted kasi ang lalaking ito! Jusko.
May dumaan lang na ibon ang dami ng talak. Akala 'ko ba tahimik ito? Mukha namang hindi.
Bawas points sa kaguwapuhan niya ang pagiging maingay niya. 'Yung iba kayabangan lang kesyo guwapo daw siya since birth, matalino daw siya kaso na bagok ang ulo.
Hambog amp.
Friendly naman ata talaga 'to, hindi lang binibigyan ng pasensya.
"Sa PE namin kailangan namin mag volleyball nakakainis" sabi nito habang nag sasagot sa TLE.
"Hindi ka marunong mag Volleyball?" Tanong 'ko. "Pang bakla 'yun eh! Siyempre hindi!"
"Jusmeyo Czhyriehco Marino. Sa mundo 'ko noon pati lalaki nag v-volleyball, minsan nga girls vs boys eh" sabi 'ko.
"Totoo? May basketball din ba doon?" Tumango ako sa tanong niya. "'Yung mga NBA ganon"
"Anong NBA?" Ano nga ba ang NBA.
"National.. national basketball.. Air...? Joke lang! Hindi 'ko alam. Basta basketball 'yun" sabi 'ko.
"Marunong ako mag volleyball! Turuan kita" sabi 'ko. Lumiwanag naman ang mukha niya.
"Talaga??? YES!!"
"Oo, nag lalaro kami no'n gusto mo sama 'ko sila Ali?" Tanong 'ko.
Napatigil siya sa pag palakpak. "Ayoko sa Ali-pin na 'yun! Puro pang lalait lang alam no'n! 'Wag mo isama!" Sabi nito.
Ay, hindi kayo bati? Haha!
"Si Zayn nalang.."
"'WAG! TAKOT AKO DON!" takot ata lahat ng estudyante kay Zayn eh.
"Ayaw mong matamaan ng bola sa mukha?" Tanong 'ko na may halong pang aasar. "Siyempre"
Nag focus nalang siya sa mga gawain niya, gusto niya ngang ako nalang ang mag gawa pero kinotongan 'ko siya.
Close o hindi makaka tikim ka saakin pag tatamad tamad ka.
"Malapit na ako matapos sa Science! Hays!" Umunat unat ito at pinatunog ang kamay.
Tinignan 'ko ang sinasagutan niya. "Akala 'ko naman nasa gitna kana" sabi 'ko.
Number ten palang pala siya. "Kapagod kaya" sabi nito.
Nakatingin lang ako sa paligid. Kaya pala gusto niya dito sa gubat, tahimik at maganda. Peace.
Tinignan 'ko ang estudyante 'ko. Madali lang pala siya turuan kaso distracted at kung ano ano ang iniisip. Pero mabilis siyang matuto.
Ngayon 'ko napatunayan na mabilis nga talaga ang utak nito. Matalino naman siya, baka totoo nga ang sinasabi niyang nabagok ang ulo niya.
Pero siyempre alam 'kong hindi totoo 'yon. Tamad lang 'to kaya hindi alam ang ibang lesson nila. Pero matalino.
"Pagkatapos 'ko sa Science ano na?" Tanong nito.
"Mag drawing ka sa PE niyo" sabi 'ko at inaayos ang mga papel niya. Napaka burarang bata.
"Tapos na ako sa Science! PE naman!" Sabi nito at kinuha ang papel na pag d-drawingan niya.
"Lalagyan ba ng label?" Tanong nito.
"Basahin mo ang panuto" sabi 'ko. "Sungit. Tatanong lang, walang naka lagay eh!"
Kinuha 'ko ang papel. "Edi 'wag mo na lagyan ng label! Wala namang sinabing lagyan mo ng label eh" sabi 'ko.
Agh pakiramdam 'ko may dalaw ako, sakit puson 'ko eh.
"Kelan mo ako tuturuan mag volleyball?" Tanong nito. "Bukas"
"Tayong dalawa lang hah? 'Wag ka mag sama ng iba" sabi nito habang naka ngiti.
Sumandal muna ako at pumikit. Hindi nakakapagod mag tutor pero nakaka stress lalo na kung hirap siya maka gets.
Mahina si Czhy sa Math, nakita 'ko 'yun. Pero ayos lang. Ako nga mahina sa Arpan eh.
"Okay lang ba 'to?" Ipinakita niya ang drawing niya saakin. "Gamitin mo ang ballpen para makita, okay na 'yan" sabi 'ko tsaka linigpit ang gamit niya.
Para kaseng wala siyang balak mag ligpit. Linagay 'ko mga gamit niya sa bag niya at nakita ang dalawang puzzle. "Mahilig ka talaga sa puzzle noh?"
Tumango siya dahil focus na focus siya sa ginagawa niya. "Talent 'yan" sabi 'ko at tinabi sa kaniya ang bag niya at linigpit naman ang akin. "Thank you yaya" sarkastiko nitong sabi.
"Yaya? Gusto mong pa-liyaban kita kay Zayn?" Tanong 'ko. Ngumiti lang siya.
"Close kayo?"
"Nino?"
"Ni Zayn!"
Huminga ako ng malalim. "Hindi, hindi naman kami magkasundo. Pero, para saakin kaibigan na siya kahit demonyo siya" biro 'ko pero hindi siya tumawa.
"Si Tevi? Ano siya sayo?"
"Kaibigan lang din, mas close 'ko nga lang siya keysa kay Zayn Siga" sabi 'ko. "Bakit ba?"
"Wala lang. Ang dami mo kasing kaibigan" sabi nito tsaka itinaas na ang papel niya. "Done!" Ilinagay niya ang papel niya sa bag niya.
Habang masaya siyang nagliligpit ay naka tingin lang ako sa kaniya. "Makipag kaibigan ka. Hindi kabawasan 'yon" sabi 'ko.
Hindi 'ko inaasahang sasabihin 'ko 'yun. Hindi kami close para payuan 'ko.
Napatigil siya at sinara ang bag. "Okay lang, may tutor naman akong Countess" sabi nito.
"So, bukas ulit?" Tanong nito. Tumango ako. "Saan ka pupunta pagkatapos?" Tanong nito.
"Siguro papahinga nalang, free day 'ko naman. Bakit? May iba ka bang kailangan i review? Baka may quiz kayo hah!" Sabi 'ko.
"Wala naman, tinatanong 'ko lang"
"Ikaw? Saan ka pupunta pagkatapos? Mambabae ka ba?"
"Hindi noh! Mag bubuo ako ng dalawang puzzle!" Sabi nito.
"Ah, pwede patingin paano ka nag bubuo? Baka mamaya hindi pala totoo 'yun" sabi 'ko.
Tumawa siya at linabasang mga pazzle na may maliliit na pieces.
"Ganito ako mag buo" sabi nito tsaka ginulo g**o ang pazzle sa lapag.
Kahoy iyon, serena ang naka pinta.
Nagsimula na siyang magbuo. Inuuna niya ang gilid gilid, hinuhuli niya ang gitna. "Marahil alam mo na kung bakit mabilis ako mag isip?"
Tumango ako "Kapag bumubuo ako, inuuna 'ko ang gilid o umpisa. Inuumpisahan 'ko tsaka 'ko itinatapos ang gitna. Bakit gitna? Dahil nasa gilid lang ang katapusan, hindi natin masasabi kung nasa kanan, kaliwa, itaas o ibaba iyon. Kaya paano 'ko uumpisahan sa simula kung hindi 'ko alam kung saan ang katapusan? Kaya tinatapos 'ko sa gitna. Dahil sa gitna, isang piraso nalang ang kakailanganin mo sa dulo para matapos ito. Sa gitna naman lahat siguro natatapos ang lahat, lahat ng pag iisip. Parang buhay, sa gitna mo nalalaman ang mga bagay na nilihim sayo" malalim nitong sabi. "Opinion 'ko 'yan"
Ang lalim niya mag salita, di 'ko gets pero grabe. Daig niya pa ang guro.
"Pero minsan, sa dulo parin nalalaman ang lahat. Lahat lahat. Ganon naman diba? Kahit sa libro.. sa dulo mo lang malalaman ang katotohanan" sabi nito. Napatango tango ako.
Ngayon alam 'ko na bakit mahilig siya sa Puzzle at Libro. Para sa kaniya kasi, naka konekta ito sa buhay ng nilalang.
Matalino siya. "Tapos na!" Sabi nito.
Siguro mga 2-3 minutes niya lang ito natapos. "Kapag ba bumubuo ka, humuhugot ka kaya napapadali sayo?" Biro 'ko at tumawa siya.
"Minsan.. gusto mo i-try?" Tumango ako.
Ang isa naman ang binigay niya, medyo malaki ang mga piraso kumapara sa nauna. Malaki puzzle na 'to.
Feeling 'ko madali. Pero noong guluhin niya na sa lapag, nahilo ako.
"Saan ako mag sisimula?" Tanong 'ko. Binigyan niya ako ng isang pieces ng puzzle na pakiramdam 'ko ay sa itaas. "Go."
Sinubukan 'kong buuin ito. Pero hilong hilo talaga ako.
Nakatingin lang siya saakin habang ako nababaliw na. Bakit kasi magjowang magkayakap ang binigay niya saakin. Tapos colorful pa, hindi 'ko sobrang magets.
Umabot na ata kami ng 10minutes wala parin, gilid palang nagagawa 'ko.
"Remember my words" sabi nito.
Tumango ako at inalala ang mga sinabi niya kanina habang ginagawa 'ko ang puzzle na 'to.
Kapag bumubuo ako, inuuna 'ko ang gilid o umpisa. Inuumpisahan 'ko tsaka 'ko itinatapos ang gitna. Bakit gitna? Dahil nasa gilid lang ang katapusan, hindi natin masasabi kung nasa kanan, kaliwa, itaas o ibaba iyon. Kaya paano 'ko uumpisahan sa simula kung hindi 'ko alam kung saan ang katapusan? Kaya tinatapos 'ko sa gitna. Dahil sa gitna, isang piraso nalang ang kakailanganin mo sa dulo para matapos ito. Sa gitna naman lahat siguro natatapos ang lahat, lahat ng pag iisip. Parang buhay, sa gitna mo nalalaman ang mga bagay na nilihim sayo..
Sa pag isiip 'ko noon, hindi 'ko namalayang malapit na ako matapos. "Oh dali apat nalang!" Sabi nito nang naka ngiti.
Kinuha 'ko ang apat at ilinagay hanggang sa isa nalang.
Napatitig ako sa nag iisang piraso na iyon. "Para saakin ito ang dulo, dahil ito ang huling bubuo sa nagulo at nasira" sabi 'ko. At ilinagay ang huling piraso sa puzzle.
Hala! Hugutera na rin ako? Hindi 'ko nga maintindihan sinasabi 'ko eh!
"Galing ah" sabi ni Czhyriehco..
"Pero Czhy, kakaiba ito" turo 'ko sa huling piece na linagay 'ko. "Ano 'to?"
Isang babaeng naka tayo sa likod ng dalawang nagmamahalan.
"Hidden image. That's hidden image"
"Ano 'yun?"
"Alam mo ba sa libro, may leading man at may second lead?" Tanong nito at tumango ako. "Ang babaeng ito ang nagsisilbing leading lady, at ang babaeng ito.." turo niya sa nasa likod "Second lead. She's second lead, habang malapit na sa happy ending ang dalawang lead, ang second lead naman ay nakatingin sa kanila. Para siyang shadow na nakatingin sa malayo habang pinagmamasdan ang mahal niyang may mahal na iba. Hidden image, hidden emotions, hidden pain, hidden love.." sabi nito.
"H-huy! Grabe ka naman humugot! Nag tatanong lang ako!" Sabi 'ko at tumawa siya. "Sinagot 'ko lang naman, Ma'am" sabi nito.
Magiging masaya kasama itong si Czhyriehco, marami akong matututunang hugot, joke.
Parang ako ang itu-tutor niya. Maraming alam itong si Czhy tagos hanggang puso. Talinghaga.
Gaya nga nang sinabi 'kong mag eenjoy ako sa pag tuturo kay Czhyriehco, tama naman.
Mahigit isang linggo 'ko na siyang tinu-tutor at magaling naman na siya, hindi na niya ata ako kailangan.
Kaso maingay parin siya at maraming kuwento. Hindi marunong bumasa ng panuto at puro tanong.
Para naman akong nanay niya nang maka 46 over 50 siya sa quiz nila. Na proud ako.
Nag improve talaga siya, kaya linibre niya ako ng mga sosyal na pagkain galing Sweatland.
Next next week pa ang kuhaan nila ng card pagkatapos ng exam.
Tuwing tapos 'ko na siya turuan, bumubuo kami ng puzzle at siya napaka bilis bumuo.
Habang ako? Umaabot kami ng isang oras. Halos puro na nga ako Czhy, namiss 'ko na ang mga kaibigan 'ko pero okay lang. Kailangan eh.
Tsaka nalaman 'ko ring mag isa lang si Czhyriehco kaya sinasamahan 'ko.
Minsan pag na uusap kami grabe ang lalim ng mga salita niya, parang nang galing sa pinaka ilalim na dagat.
Tuwing seryoso ang usapan namin, napupunta sa hugot. Pinayagan kami ni Ms.Esme na isama si Hailey sa pag turo kay Czhy ng volleyball. Magaling kasi si Hailey doon keysa saakin.
Mabilis siyang natuto pero galit na galit siya saamin kasi lagi siyang natatamaan ng bola.
Bilang Czhyriehco Marino, nakikita 'kong ang dami talagang may crush sa kaniya pero iniirapan lang ni Czhy at sinasamaan ng tingin. Ang pangit daw nila.
Bastos na bata.
Tuwing pumupunta kami sa gubat lagi naming nakikita si Alfeia, actually minsan nakikita 'kong sumisilip si Alfeia sa Council Room, sa private library at minsan sa kuwarto ng mga Konseho.
Hindi 'ko alam bakit, pero nang makita niya akong nakatingin sinabi niyang 'wag 'ko 'yun ipagsabi or else may gagawin daw siya saaking hindi maganda.
Mabuti nalang noong araw na 'yun dumating si Czhy at inaway si Alfeia, sinabing tigilan na daw ang kahibangan niya at 'wag ako idamay.
Hindi lumalapit sakin si Czhyriehco kapag kasama 'ko ang anim. Parang takot na takot siyang makipag kaibigan.
Pero kapag kaming dalawa lang, ang ingay niya..
There's something about him..