Chapter 3: Unleash Power

3437 Words
03. Piste naman! Kailangan ilabas ang powers dito hah? "Hindi pa ganun kagaling si Luna sa paghawak ng kapangyarihan niya. Pag aaralan niya pa ito gamitin" Singit ni Ali. Ngumiti ito saakin. Thaaank you! "Ano bang kapangyarihan niya?" Tanong ng isang lalaki. Kaya 'kong pumatay ng tao in two seconds gusto mo ma-try? "Something special.." Ngumiti si Ali sa kanila "..Special than you" 'Wag niyo na ako kulitin sa powers powers na yan! Di ko na talaga alam isasagot ko. *** "Im Gwen Eschoyi, I'm one of the teacher here also your advicer. I can't find you kaya naisipan kong puntahan si Ali and i found you here" Naka ngiting sabi ni Miss Gwen. "B-buti nalang po.. iniligtas niyo ako sa mga estudyante na makulit na yun. They will find out" Sabi ko. Napa kunot ng noo si Miss Gwen at tinignan si Ali "Hindi alam ni Luna ang kapangyarihan niya kaya ganun" Sabi ni Ali. "Paano ko po malalaman ang kapangyarihan ko miss Gwen?" Tanong ko "Ang anak ko, si Ella, hindi niya rin alam ang powers niya nung una" Kuwento nito. "Na bully siya at muntik saktan dahil nalaman nilang wala itong powers... I mean hindi niya alam ang powers niya. Pero Isang araw nagulat nalang kami at naging maliwanag ang kalangitan sa gitna ng bagyo. Yun ang kapangyarihan niya, kaya niyang maging liwanag o gumawa ng liwanag para sa nasasakupan niya." Dagdag nito. Nabully siya at muntik masaktan, tapos ngayon inaasahan na siya sa kapangyarihan niyang liwanag. Malaking bagay ang kapangyarihan niya. Sana ganun din ako. "Mahahanap mo ang kapangyarihan mo, Luna" Ngumiti ito at biglang naglaho. "Tara na, pumasok na tayo" Sabi nito. Naglakad lang kami papunta sa room namin para malibot ko ang lugar. Ang ganda! Parang Harry potter lang! May malaking balcony na tanaw ang buong magic island. Kita ang dalawang buwan at ang mga lumilipad na hayop. Dalawa pala ang buwan noh? Ang ganda. Bakit kaya wala masiyadong stars? Bakit kaya napapalibutan ng gubat ang Magic World? Hays. "Tara na?" Pumasok na kami ni Ali sa first class namin na all about magic. Kung paano kontrolin ang kapangyarihan, kung galit ka, masaya, o malungkot dapat kontrolado mo ito kung hindi.. Warla na! Baka makapatay kana! Sa kalagitnaan ng klase... ewan ko kung nasa gitna na kami kasi antok na antok ako eh. Sinong matinong tao ba naman ang mag ka-klase sa gabi? Tsk. Yun na nga sa gitna ng klase may isang lalaki ang nagbato ng bag niya sa bakanteng upuan at umupo doon. May kasama siyang tatlong lalaki. Tinaas niya ang paa niya at pinatong ang mga yun sa upuan na kaharap niya. "So-sorry we're late, Miss Gwen" Sabi ng isang lalaki na blond hair tsaka umupo sa tabi ng sigang brown hair boy. Akala mo wolf sa buhok eh. "Continue" Sabi ng sigang lalaki. W-wait!! Si Zayn nanaman?! Aba siga pala talaga ang lalaking toh! Halatang wala siyang interes sa mga tinuturo. Buti nalang may mga subjects sila na mga english, science tsaka math. May Mapeh rin. "Everyone, care to welcome our new student here?" Biglang sabi ni miss Gwen. T-teka! Bakit ngayon niya pa ako ipapakilala?! Kung kailan nandito na ang Zayn-siga? "C'mon. Introduce yourself" Sabi nito saakin. MALAMANG TATANONGIN NILA ANG POWERS KO!! Ano nanaman isasagot ko? Naglakad ako papuntang gitna at nag pakilala gaya nung ginawa ko kanina. At buti nalang walang interes ang mga tao dito at walang tinanong na kung ano ano. Required na atang maging bastos dito. Joke lang. Baka inaantok o pagod. Tapos na ang first class namin at ibang room ang second class namin. Lalabas na sana kami nang mag takbuhan ang ilang estudyante at mabunggo kami. PUNYEMAZ!! "A-ano ba.." Ang sakit na hah! nananadya na sila! "L-luna!" Tawag saakin ni Ali. Pilit akong lumalapit sa kaniya pero epal tong sandamakmak na estudyante eh! ANO BANG MERON HAH?! "Aray!" Bigla nalang ako natumba dahil tinulak ako ng isang estudyante at biglang may umapak ng kamay ko. "ARAAAAAAY!!!! PUNYETAAA!!!!" Ang sakit putrages! "SINO BA ANG WALANG HIYANG YUN HAH?!" Malakas kong sigaw. Pake ko sa kanila eh sinaktan ako eh! "L-luna" Tawag saakin ni Ali. "SINO BA KASI YUN HAH?! HINDI BA NIYA ALAM NA MAY TAO?! AT TALAGANG TATAPAKAN NIYA ANG KAMAY KO?!" Inis na inis na ako! Ang sakit sakit ng kamay ko! naiiyak talaga ako pag nasasaktan. Hinahawakan ko ang kamay kong natapakan. "May magagawa ka ba?" Biglang salita ng lalaki-- WHAT THE?! SIYA NALANG LAGI EH NOH! Buti sana kung si Zayn Malik to eh! Eh hindi! Zayn-pangit toh eh. "Ikaw tumapak sa kamay ko?" Naghahamon kong tanong at nilapitan siya pero pinigilan ako ni Ali. "Eh ano naman?" aba mayabang talaga ang depungal! Eh kung mag sorry kaya siya? "Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo? Diniin mo pa talaga eh noh?" Pigilan niyo ako naiinis ako! Yung mukha niya pa! Pangisi ngisi siya na parang nang aasar! Siga talaga toh noh? "Ikaw ang nasaktan diba? Explain mo nga paano yung sakit" Sarcastic na sabi nito. Susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ulit ni Ali."ANO BA?!" Inis kong sabi. "H-hindi naman ata sinasadya yun ni Zayn. Hayaan mo na" sabi ni Ali. Ano? Sa mukha na toh? Hindi sinasadya? "Sinadya ko yun.." Kitams? "..Anong magagawa niyo?" Nang aasar talaga siya noh? Yung pagiging mayabang niya kanina tanggap ko pa kasi, kasalanan ko eh. Pero ngayon? Nasobrahan na siya! Hindi puro kapangyarihan kapangyarihan lang ang tinuturo dito, pati rin dapat manners, Marami na ngang pangit ugali sa pilipinas, pati ba naman dito sa pisteng Magic Island na 'to? "Hayaan mo na, umalis na tayo" Bulong saakin ni Ali "Hinahayaan niyo lang tong siga na to?" Inis kong tanong. "Anong sabi mo saakin? Siga? What language is that?" Takang tanong niya. English english pa! Hilaw naman. "Oh anong pake mo dun?" Asar ko rin, lalapitan sana niya ako pero badly pinigilan siya ng kasamahan niya. "Babae yan" Sabi nila. "Sorry" Inis kong sabi. Nagtataka naman ang sigang toh. "Sorry lang, aalis na ako" Sabi ko. "You want me to say sorry? who? to you?" He chuckled as he realized that i want him to apologize to me. Lumapit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay "Siyempre sasabihin, bakit kaya mo bang i-act yun? Sige nga! Pakita nga" Sarcastic kong sabi. Nyemas! Bakit hindi siya naiinis sa mga banat ko? Puro siya tawa! "Tama na pinagtitinginan kayo ng mga tao" Sabi ng lalaking kasama ni Zayn at narealize ko rin na pinagtitinginan ng kami. KASALANAN YUN NG MGA TAO! "Sa kaniya mo yan sabihin" Sabi nung Zayn. "Sorry lang hinihintay ko, you step on my hand-- fingers. So better apologize now" sabi ko. Natawa naman siya ng napaka lakas. Anong nakakatawa? May salamin ba dito para makita ang pagmumukha niya at matawa ng sobra? "You're funny!" Sabi nito. Sana all, funny. "Bakit? Kapag hindi ba ako nag sorry sayo pakikitaan mo na kami ng kapangyarihan mo?" Tanong nito. Napatigil ako sandali Nakalimutan kong mga maligno pala ang mga TOH! "Answer. So you?" Naiinis ako sa pagmumukha niya! Halatang nang aasar! "Magso-sorry ako, Okay. But show us your powers first" "Ayoko magsayang ng oras, tara na Ali" Sabi ko tsaka tumalikod. Pero nagulat ako nang nasa harapan ko na si Zayn at ganun parin ang mukha. Nang aasar parin. Bahagya akong napa atras at nagulat. Eto nanaman tayo sa teleportation nila eh! "Bakit aalis kana? Naghahamon ka ng away..diba?" Baka siya yun! Inapakan ba naman ang kamay ko! Try ko kaya sa kaniya?! "Sayang kasi oras ko" Sabi ki tsaka pilit na lagpasan siya pero hinaharangan niya ako. "Problema mo ba hah?!" Inis kong tanong. "Takot na takot ka kasing ipakita ang kapangyarihan mo. C'mon show us" Sabi nito. "Hindi pa niya alam paano gamitin ang kapangyarihan niya--" Naputol si Ali nang tignan siya ng masama ni Zayn. "May class pa kami" sabi ko "Pakit muna ng kapangyarihan mo" Nang iinis talaga tong Zayn siga na toh! "I won't" "Then why? Baka naman kasi.." Sasabihin niya bang wala akong kapangyarihan? paano kung i-bully ako?! Ano bang ipapakita ko sa kaniya? Nagulat nalang ako nang ibang place na ang nakikita ko. "Bad idea ata ang pumasok ka muna" Sabi ni Ali. PUCHA NAMAN!! NAKAKAGULAT NAMAN BAKIT HINDI SIYA NAG WAWARNING NA MAG TETELEPORT KAMI?! Nandito kami sa cr ng Fancy daw, school nila, Fancy. "Bakit tayo umalis doon?!" Tanong 'ko. Sobrang nagulat ako sa nangyari. Ang bilis! Kumurap lang ako ibang place na kaagad. "Hindi ka titigilan ni Zayn hanggang hindi ka napapahiya" Sabi nito. "Kapag wala kang kapangyarihan dito... mahina ka" Wah! ganun? mahina ka agad? agad agad? grabe ha. "Ano ba kayo?" Tanong ko "Hah?" "Ano ba kayo? diwata? alien? anong klase kayo??" Tanong ko ulit. Npatigil siya at parang may iniisip. "Witch?" tanong ko ulit. "Sa totoo lang... hindi ko rin alam, sabihin nalang natin na mga tao tayo, na pinagkalooban ng kapangyarihan" Sabi nito. "Magician?" wala siyang reaksyon. "Puwede, i think, we're magician. We're still a human but has a magical powers." Sabi nito. "Nagulat ako sa bigla nating pag teleport, Bakit bigla bigla kasi? Sakit sa heart" She smile at me, What makes her smile? She slowly moving her hands that has a light coming out, I amaze. "Let's back" she just SNAP her finger and... "MS.DOLL! MS.GREENSMITH!" Nako po. Habang nagka-klase sila bigla kaming lumitaw, sa gitna talaga! Lahat sila nakatingin saamin. Ackkk! Buti nalang wala dito 'yung Zayn-siga. "Sorry Maam" Sabi ni Ali habang naka yuko. Kaya ganun din ako. "Bakit bigla bigla nalang kayong lumilitaw sa klase 'ko hah?! Nang gugulo kayo!" "Sorry po" "Go on your seats now! Nambubulabog kayo!" Ang taray niya. Mabuti nalang hindi niya kami sinatsatan ng kungano ano dahil nabulabog namin ang klase. "Bakit kasi sa gitna?" "I'm sorry okay? I'm so sorry" PAGKATAPOS naming mag aral sa science ay nagligpit na kaagad kami. Dahil may relo ako.. 4AM na ng madaling araw. Gusto 'ko na talaga umalis dito. "Bakit kailangan niya pang itago?" "Baka wala naman" "Imposible" Ako ba ang pinag-uusapan nila? They're starring at me, what on earth?! Akward! Pisti! Habang nagliligpit ako ay naginginig ang buong katawan 'ko. Sanay naman ako sa pinag uusapan ako eh, kasi ganun naman buhay 'ko sa kabilang mundo eh, pero ang weird dito. "Paano siya makakapsok dito kung wala?" "Pero bakit takot siya?" "Baka hindi niya pa alam" "Edi dapat hindi siya muna pumasok dito" "Could you zip your mouth? O ako ang magbubura ng mga bibig niyo?" Sabi ni Ali Nagulat silang lahat. "O-oo, S-sorry" lahat sila ay nagtakbuhan. "Don't mind them" sabi nito. Hindi 'ko naman talaga sila iintindihin. Who you sila sakin kapag nakita 'ko na ang kapangyarihan ko! Kakatayin 'ko sila! "Tapos na ang class natin, would you like to meet my and your future friends?" sabi nito tsaka ngumiti. "Paano kung tanungin nila ako ng powers ko?" sabi 'ko. "Don't worry, marami tayong idadahilan" sabi nito. Ngumiti ako sa kaniya. "Sooo.." Lumapit siya at inakbayan ako "Tara na?" Tumawa kami at tumango ako. Nabingi ako sa ingay ng mga tao. Wow, isang pikit 'ko lang nasa cafeteria na kami. Ang galing talaga!! "Andun sila! Tara! Tara!" sabi ni Ali tsaka hinila ako sa isang table. Pinaupo ako ni Ali sa isang table na may tatlong babae at isang lalaki. "Wazzup everyone!" bungad nito tsaka umupo. "Bagong kaibigan at bagong student pala dito sa Fancy, Luna Greensmith" pagpapakilala nito saakin. Ngumiti silang lahat saakin at kinawayan. "Hi" tipid 'ko sabi. "She's shyyy! Omo!" sabi ng isang babae na kulay pink ang buhok. "Pakilala kayo guys" sabi ni Ali at uminom ng juice. Ang sosyal naman ng mga baso, pagkain at plato dito. "Neyo nga pala, I can stretch my body" pagpapakilala ng lalaki. Nagulat ako ng humaba ang kaniyang braso at inakbayan ako. Medyo kalayuan siya saakin at sobrang namangha ako. W-wow. "And I'm Mitch! Kaya 'kong kontrolin ang panahon, Kaya 'kong bumalik sa nakaraan, pwede 'kong pahintuin ang oras, at puwede akong pumunta sa future, mga 4-6 months nga lang" sabi nito. WHAT THE!! Nakaka amaze!! "WOW!! ANG GALING"Sabi 'ko. Tumingin ako sa kulay pink ang buhok, naging kulay red ang buhok niya ngayon. WOW! "And I? Kaya 'ko lang naman sumapi sa katawan ng ibang tao o elemento, Yuri nga pala" sabi nito. WOW! Sumapi? Graaabe!! "And I'm Alyssa, I am witch" masayang sabi nito tsaka naglabas ng stick at pinaikot ikot ito. Ang juice 'ko naging tubig. Woooooooow!! Hindi talaga ako makapaniwala! Parang panaginip lang ang lahat ng 'to! Hindi 'ko kayang isipin kung anong magiging powers 'ko. "How about you?" sabay sabay nilang tanong.. "Ahmm.." Wala akong maisip na isasagot. "Si Ms.Esmeralda lang ang may alam" sabi ni Ali. "Totoo? Wow! Sana maipakita mo ang powers mo saamin!"sabi ni Mitch. "True" sabi naman ni Neyo. Tinignan 'ko si Ali at kinindatan niya ako. "Got you" pag aacting ng mga labi niya. Umiling ako at tumawa ng mahinhin. "So kailan ka lang dumating here?" tanong ni Yuri. "Yesterday" sagot 'ko. "Bagong bago!" sabi ni Mitch. "Ang mga katulad mo dapat binibinyagan!HAHAHA!" Sabi ni Alyssa. "W-what? Anong binyag?" Nagtinginan silang lahat. "Guys, Don't. She can't control her powers, sige kayo" sabi ni Ali. "Oh! Edi makikita natin powers niya? OMG" sabi ni Mitch. "Well.." napangiti si Neyo. "Anong binyag?" tanong 'ko. "You really want to know?" tanong ni Yuri. "Y-yeah?" Nagtawanan sila na ikina-kaba 'ko. Bigla nalang kaming napunta sa ibang lugar na kakaiba. Marami ring tao na kaniya kaniya nilang pinapalabas ang kapangyarihan nila. Parang simbahan na ewan ang nasa harap namin ngayon, malaki siya at masasabi 'kong malawak siguro ang loob. "A-anong.." "Bibinyagan ka namin dito okay? Dito mo malalaman ang powers mo!" Sabi ni Neyo. Totoo?! myghad! Malalaman 'ko na!! "How?" "Guys, Stop" pagpupumigil ni Ali. "C'mon na Ali! Gusto mo ba Luna?" "Ofcourse!!" sabi 'ko. Pumunta kami sa bandang gitna ng parang simabahan, sa malapit sa gate. "This is Sanitatem" turo ni Alyssa sa mukhang sinabahan. Okay. Pinalibutan nila ako, mukhang labag pa sa loob ni Ali ang maki-sama sa mga kaibigan niya. Ano bang gagawin nila? Pinagtitinginan din kami ng iba pang estudyante rin sa palagay 'ko. Medyo lumapit sila para makita ang ginagawa ng mag kaibigan ni Ali. May lumabas sa mga palad nilang lima. Kapangyarihan nila? Iba't ibang kulay, pare-parehong lumiliwanag. Parang hinahanda nila ito. Bakit parang kinakabahan ako? Ano bang gagawin nila? "One.." Tinapat nila saakin ang naglalakihan nilang kapangyarihan. "Two.." Anong gagawin nila? Kinakabahan ako! "Three.." Lalong nagliwanag ang mga kapangyarihan na lumalabas sa palad nila. "GO!!" Inatake nila ako lahat gamit ang kapangyarihan nila at sa sobrang takot 'ko napa yuko ako at sumigaw. Tinakpan 'ko ang tenga 'ko at umupo. Halos manginig na ako sa takot na baka makita nila akong abo abo nalang. Nakaramdam ako ng mga kislap na parang nagtatalong mga kapangyarihan. A-anong nangyayari? Tinignan 'ko ang paligid. Naka handusay ang lahat ng taong nakikinood saamin maliban keyla Ali, Neyo, Alyssa, Mitch at Yuri, Parang nahihirapan sila dahil sa mga mukha niya. Napapalibutan ako ng apoy, pinoprotektahan ako ng apoy laban sa mga kapangyarihan nilang lima! Para akong nasa bilog na apoy! Anong ibig-sabihin nito? Ang kapangyarihan 'ko... Apoy? Pero imposible. . Lumalaki ng lumalaki ang apoy na pumoprotekta saakin hanggang sa naabot na nito ang mga kaibigan ni Ali maging siya. Anong nangyayari? Bakit ganito? "Is she really this strong?!?!" sigaw ni Neyo. Biglang may lumitaw na isang lalaki sa gilid 'ko, may apoy siya sa palad at hinila ako papalapit sa kaniya. Tinaas niya ang kamay niya at sumabog ang apoy na pumoprotekta saakin. Muntikan nang matumba sila Ali dahil doon. "Z-Zayn siga?" Si Zayn 'yun? Wadapak?! Ngumunguya siya ng bubblegum at tumatawa. "Ang lakas naman ng loob niyong atakihin ang isang babaeng wala namang kapangyarihan" sabi nito. A-ako? Walang kapangyarihan? Utot niya! Mayroon kaya! Apoy nga eh! "Diba?" inakbayan niya ako sabay kindat saakin. Wow? WOW!! Tinulak 'ko siya at sinipa. "Walang hiya ka! May kapangyarihan ako! Apoy! Prinotektahan nga ako eh" sabi 'ko. Umiling siya habang tumatawa at pinalabas ang apoy sa palad niya. E-eh? "That was me" sabi niya tsaka ngumiti ng nakaka-asar. Tumayo na lahat ng tao na nakahandusay sa lapag kanina. "Ikaw 'yun? HAHAHA! imposible! Ang lakas mo naman kung ganun" sabi 'ko. Linapitan niya ko "Yes" sagot niya. Wag... wag niyong sabihing siya talaga 'yun? No! Powers 'ko 'yun! 'Wag siyang epal! Hindi siya malakas. Bigla siyang naglaho at nakita 'ko nalang siya sa harap 'ko. Sobrang lapit saakin. Nagulat ako at napa atras. Nakakatakot. Agh! Ngumiti siya at nakita 'ko ang balat niya na nagliliyab sa apoy. Sa kaniya nga 'yun. "You have no powers" sabi nito. "You're wrong!" "I'm wrong in your eyes, but no, You. Have. No. Powers" sabi nito. Nagsitayuan ang mga tao kanina na nakikinood. "Kasi kung may kapangyarihan ka, You can teleport but you didn't--" "Baka hindi 'yun ang kapangyarihan 'ko--" "Lahat ng taong special at immortal may kakayahang maglaho!" sabi nito. Tinignan niya ang mga tao. Hindi ako natutuwa sa inaasal niya, pakiramdam 'ko hindi ito isa sa mga asar niya. Hindi. He's insulting me. Hindi pwede! "Naniniwala ba kayong walang kapangyarihan 'to?" Nagbulong bulungan ang mga tao. No. "Hindi niya pa alam ang kapangyarihan niya--" "HINDI NIYA ALAM O WALA TALAGA SIYA IISA LANG 'YUN!" Sigaw ni Zayn kay Ali. "Kung hindi niya alam, wala siya. At dahil wala siya, then she should leave." sabi ni Zayn. ".. Right now" "Aaralin 'ko ang kapangyarihan 'ko" sabi 'ko. "Kailan? Bukas? Makalawa? Next year? Ano? Aaralin mo?" "Oo" matigas'kong sabi. "Hindi ka belong dito, Bumalik kana sa pinanggalingan mo" sabi ni Zayn. "IT-TRAIN 'KO SIYA ZAYN-- "TUMAHIMIK KA ALIRA!!" sigaw ni Zayn at tinulak si Ali gamit ang kapangyarihan. "Ikaw, Nura, Runa o Luna ano man pangalan mo... Bumalik kana sa mundong pinanggalingan mo..." sabi nito. "Hindi ka belong saamin" Hindi 'ko maiwasang manglambot at mapaiyak. Lumaki kana dito Zayn? Lumaki ka bang dala dala ang kapangyarihan mo? Sabi ni Ali lahat ng estudyante dito nagmula sa mundo ng mga tao. Kaya alam 'kong ang mundong sinasabi niyang balikan 'ko ay kung saan 'din siya nagmula. "'Wag mo ako ginaganyan Zayn. Kasi ang sinasabi mong pinanggalingan 'ko..." Lumapit ako sa kaniya at nakipag titigan sa lumiliyab niyang mga mata. "..Ay pinanggalingan mo rin" "Hindi ako nanggaling doon!" sigaw niya. Hindi siya nanggaling doon? Then what? Kaya ba siya malakas ang kapangyarihan dahil dito na siya lumaki at magaling na gamitin ang kapangyarihan? "Prove us we're wrong that you don't have powers. Bukas ng gabi mag pakita ka saakin" sabi nito at tumalikod saakin. "Labanan mo ako" "Ako mismo ang gigising sa kapangyarihan mo" *** "ARE YOU FOOLING ME?!" "NO ZAYN! NO! HINDI KA BA MASAYA NA NAHANAP MO NA? NAHANAP MO NA SIYA?" "BAKIT SA WALA PANG KAPANGYARIHAN?!!" Umupo ang isang babae at inalok si Zayn na umupo rin. "She's not powerless" sabi nito at nagtaka naman si Zayn. "Instead, She's powerful" "I don't believe" sabi ni Zayn. "Hindi ka naniniwala, sa ngayon. Gusto mo bang ikaw mismo tumuklas ng kapangyarihan niya?" "Ano bang kapangyarihan niya?" "Hindi mo ito matutukoy, Zayn. Hindi pangkaraniwan ang kapangyarihan niya" sabi ng babae. "What do you mean?" "I talked to my brother that can see future and past. Pinakita 'ko ang babaeng 'yon sa kaniya. And you know what he saw?" Lumapit ang babae kay Zayn. "Anong nakita ni Sihairo?" "Propesiya. And I'm telling you she's not useless, Hindi mahagilap ng my dear brother 'ko ang past niya gamit ang kapangyarihan niya." Tumingin ng takang taka si Zayn. "W-what? What do you mean? I don't understand!" "You know my dear brother, Zayn. Siya ang pinaka makapangyarihang gabay. No one can block his powers as guide. Kahit ang nakaraan mo, makikita niya--" "DERETSOHIN MO NALANG AKO!!" "May makapangyarihang tao ang pumipigil kay Sihairo na makita ang nakaraan niya!! Makapangyarihan!! Mas makapangyarihan pa sa kaniya!" sabi ng babae. "Si Ms.Esme, Siya daw ang nagdala kay Luna dito, baka siya" "She's just a fairy godmother of all, Zayn. Makapangyarihan siya pero hindi niya mapipigilan ang kapangyarihan ng kapatid 'kong anak din ng makapangyarihan" sabi nito. Napahinto si Zayn at natulala. "Sa kaso ba na 'yan... Si Luna ay.." "Pinoprotektahan siya Zayn ng napaka makapangyarihan, It's either Now, Future or.... Past" "SAAN NAGMULA SI LUNA?! KANINO SIYANG ANAK?" "No one knows untill you ask... her" Napailing si Zayn. "I won't! Hinding hindi 'ko siya lalapitan" "Kaya pala kilala kana niya" "STOP!!" "Bukas, Zayn, Bukas. Kilalanin mo siya. Know her, train her" sabi ng babae. "Give me reason to do that" Lumapit ang babae kay Zayn. "She will be your savior"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD