17.
Pagbalik 'ko sa isla ay medyo lumiliwanag na ang kalangitan. Hindi 'ko alam kung anong ibig sabihin no'n.
Sinalubong kaagad ako ni Zayn at Tevi. "Luna.." salubong ni Zayn. "Kamusta? Maayos ka lang ba? May nararamdaman ka ba?" Tanong nito kaagad.
Habang si Tevi naman ay pumunta sa gilid ng kabayo at inilahad ang kamay niya na parang nag aalok ng tulong.
Agad 'ko itong hinawakan at dahan dahang bumaba. "What the fvck, Tevizeus?" Kunot noong sabi ni Zayn.
"Maayos ako." Tinignan 'ko ang paligid. "Anong nangyayari?"
"Biglang umatras ang mga Maskos at bumalik sa pinanggalingan nila. Para silang pinabalik ng pinuno nila" sabi ni Tevi.
"And I think it's because of you, Countess.." Countess? Ano 'yun?
"Anong tinawag mo saakin?" Tanong 'ko.
Pero hindi 'ko na nakuha ang sagot ni Zayn nang mapunta ang atensyon 'ko sa mga taong nagtitipon tipon ngayon. "Sila Mama?"
"Sila ang unang pinagaling ni Hailey. Nasa loob na siguro sila ng Campo" sabi ni Tevi.
"You should go there, Naroon din si Ali at Ealy" sabi ni Zayn kaya tumango ako at pumunta sa Campo.
Laking pagtataka 'ko lang bakit nagiba ulit ang dami 'ko.
Sinalubong ako ng mga bantay roon. Mas pinagtaka 'ko noong yumuko sila saakin na parang rinerespeto ako.
Fvck, ano bang nangyayari?
"Nasa loob po sila, Lady Luna" Lady Luna?
Kailan pa ako naging Lady Bug— lady Luna?
Hindi 'ko nalang pinansin ito tsaka pumasok sa loob.
Unang sumalubong sakin si Ms.Lisa at si Sir.Lemuel. "Luna!"
Yinakap ako ni Ms.Lisa at parang maiiyak pa. Wait, Buhay ako.
"Akala namin napaano kana!" Sabi nito. Ngumiti lang ako "Kamusta po kayo?"
Pumunta saakin si Ms.Esme at akala 'ko yayakapin niya rin ako pero hindi, hinampas niya ako. "Bakit mo ginawa 'yun? Paano kung may nangyari sayo? Pasaway ka talaga!" Sabi nito.
Sermon pa nga.
Pero pagkatapos naman noon ay yinakap niya ako. "Sure ka bang okay ka lang? I would sacrifice my life to burn that Maskos if something happens to you" sabi nito.
Natawa lang ako. "Okay lang po ako, kayo nga dapat ang tanongin 'ko niyan eh."
Lumapit kami sa lamesa kung saan sila nag pupulong. "We're fine" sabi ng Pinuno.
Nang makita 'ko si Allegra ay bumalik ang mga gusto 'kong itanong. "May oras para diyan, mamaya pag uusapan natin 'yan" sabi ni Allegra. She read my mind.
K.
Lumapit saakin si Ali at Ealy. "Walang kasinungalingan, napamangha ako sayo" sabi ni Ealy. "Ikaw at ikaw lang ang makakagawa no'n! I knew it!"
Ngumiti lamang ako kay Ealy. "You deserve the title for being a daughter of the Powerful" actually..
Hindi 'ko naiintindihan si Ali.
Nakakaintindi ako ng English pero.. Hah?
"Kailangan natin puntahan ang iba pa nating kasamahan. Tara na" sabi ng Pinuno tsaka sabay sabay kaming lumabas at sinalubong ang mga kasamahan namin.
Umupo sila sa kani-kanilang upuan— symbol of their power— authority.
Trono kumbaga.
"Gusto 'kong malaman.. Sino siya?" Tanong ng isang babae. "Paanong buhay parin siya ngayon pagkatapos niyang kalabanin ang mga Maskos?"
"Ito ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon, Matilda" sabi ng Pinuno.
"Nakita niyo naman kanina, sa paglaban ni Luna sa mga Maskos.. walang nangyaring kakaiba sa kaniya, in addition.. mas lumakas pa siya. At nasaksihan rin natin kung paano umatras ang mga Maskos" panimula ng Pinuno.
"Sino sa tingin niyo si Luna?" Tanong ng Pinuno tsaka pinag salita si Allegra.
Nagulat ang lahat sa kaniya pero hindi nalang nila ito binigyan ng comment.
"Maraming galit at nananatiling mainit ang dugo saatin sa dating pinuno nating si Sotelo at Sirius Sythrine Greensmith... Ang pinaka malakas na naging Pinuno" W-wow.
Hearing my parents name... Nakaka proud. Pinuno sila noon at pinaka malakas. Freak! Proud daughter here!
Hindi 'ko lang maintindihan bakit galit daw sila kay Mama at Papa.
"Sorry po pero, ang mga magulang 'ko po? Naging Pinuno niyo? Malalakas sila? Kung ganun paano po ako?" Tanong 'ko.
Hindi nila ako sinagot at ngumiti lamang. What the hell! Sagutin niyo ako.
"Pero alam niyo naman na ang propesiya.." inangat ni Allegra ang kamay tsaka lumitaw ang ilaw na parang TV.
"Ang Isang babaeng hindi namamatay at hindi mamamatay na may napaka lakas na kapangyarihan ang isinilang sa isang bundok kung saan nagniningning ang higanteng buwan kung saan rin namatay ang kaniyang mga magulang na ipinasa ang mga kapangyarihan nilang walang makakapantay ay ang magliligtas sa mundo ng mahika. At tatlong nilalang ang tutulong sa makapangyarihang babaeng iyon ay mamamatay na bubuhayin ng makapangyarihan" salita ni Sihairo na ipinagtaka ng lahat kahit sila Amethyst.
Nawala ang liwanag sa mata ni Sihairo at dahan dahang umupo.
Lahat ay gulong g**o sa sinabi ni Sihairo. Kahit na si Amethyst ay gulong g**o.
"Naka kita ka ng propesiya, gabay?" tanong ni Amethyst. "'Wag niyong sabihing hindi niyo naiisip ang iniisip 'ko" napatingin silang lahat kay Amethyst.
"Nandito na ang nasa huling salita ng huling sorcerer?" tanong ni Ealy. Tumango si Amethyst.
"Ang sabi sa propesiya, makapangyarihan na babae na ipinanganak sa bundok kung saan nangliliwanag ang higanteng buwan?" takang tanong ni Sibeal.
"At doon rin daw namatay ang mga magulang niya" sabi ni Mathiya.
"Sa aking pagkaka alala, namatay si Sythrine sa bundok malapit sa Prima Hall, doon nag liliwanag ang higanteng buwan. At sinundan ito ni Sotelo. Doon natapos ang pagmamahalan ng mag-asawa" sabi ni Lemuel.
"May punto ka Lemuel, pero ang anak nila? Saan ito pinanganak?" tanong ni Pinunong Luthanus.
"Sa nakaraan, wala akong naalalang pinanganak ang anak nila Sirius sa bundok" sabi ni Sihairo. "Pero sandali" sabi ni Esmeralda..
"Dalawa ang anak ng dating pinuno, lalaki ang isa hindi ba? pinanganak ito sa tahanan nila. Pero sa pagkaka alala 'ko rin, walang nabanggit sa nakaraang storya na ipinanganak ang pangalawang anak nila Sirius" sabi ni Esmeralda.
"Tama ka Esmeralda" sabi ni Lisa. "Buntis si Sythrine nang namatay silang dalawa ni Sotelo, hindi na natin na pagusapan ang pangalawang anak nila noon" pahayag ni Lisa.
"Paano kung bago namatay ang mag asawa, naipanganak na ni Sythrine ang anak nila?" sabi ni Lemuel.
Isang pag-uusap.
"Ang sinasabi ng propesiya ay tugmang tugma sa mag-asawang pinuno. At si Luna ang nakikita nating anak nila.." huminga ng malalim si Allegra.
"Si Luna ang huling anak ng Sotelo at Sirius Sythrine Greensmith. Si Luna ngayon ang nangunguna sa may mataas na posisyon.." sabi nito.
Ako? Kaya ba rinerespeto ako ngayon?
"Ako po?"
"Oo, Ikaw. Ikaw na anak ng pinaka mataas at pinaka malakas na pinuno saaming daigdig, ikaw na susunod sa kanilang yapak... Ikaw na aming itinakdang tagapagligtas" sabi ni Allegra.
"Sigurado po ba kayo? Baka naman po kapangalan lamang ng mga magulang 'ko ang Pinuno niyo" sabi 'ko. Umiling si Miss Therine. "Nakita na namin ang mga magulang mo, iyon nga ang Pinuno namin"
Kung ganun.. ako nga? Ako nga ang sinasabi nilang nasa propesiya? Ako.. ako ang itinakda?! Fvck.. naginginig ako!
"Kung hindi niyo pa alam, binigyan ng pangalawang buhay ng bathala ng buwan ang mag-asawa upang buhayin at palakihin ang anak nila sa ibang mundo.. na akala nila'y mananatiling mapayapa ang buhay nila roon. Pero hindi, May kakaibang nilalang ang pumunta at sumunod sa mag asawa sa kabilang mundo para paslangin sila.. kasama ang anak nila, ngunit ang naging Pinuno rin natin noong si Soraya ay nailigtas ang kaniyang apo.. napalaki ngunit namatay rin.." nagtinginan ang mga konseho. Bakit parang may mali?
Naging pinuno rin ang lola 'ko?!?!
"Si Luna ang pinoprotektahan ng mga Bathala ngayon.. dahil siya ang target ng mga kakaibang nilalang"
"Miss Allegra, ang ibig sabihin ba nito... Si Luna.. Si Luna ang bubuo sa propesiya? Siya ang naka takda?" Nagtatakang tanong ng isang babaeng hula ko'y si Cattleya.
Tumango si Sibeal. "Marahil nakakapang-gulat ito ngunit ito ang totoo. Balak naming itago ito dahil mainit ang dugo ninyo sa mga Greensmith at maaring masaktan niyo ang ating naka-takda. Ngunit ngayon ay sinasabi na namin sainyo, Si Luna ang ating tagapagligtas. Nakita naman natin kanina kung paano tayo ipaglaban ni Luna hindi ba?" Sabi nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Ako? Ako ang sinasabi nilang mag liligtas sa Magic Island? P-paano... Wah!
"Pero.. paano po kayo nakaka siguro?" Tanong 'ko. "Kaya namin pinahanap sainyo si Allegra, para makasiguro" sabi ni Mama.
"Hindi po ako ang inaasahan nilang maging tagapagligtas, tsaka.. karapatdapat po ba ako? Wala pa akong alam sa kahit ano na kailangan gampanan ng isang nakatakda. Hindi 'ko kaya" sabi 'ko.
Linapitan ako ng Pinuno. "Kaya nga narito kami para gabayan ka."
Tumango ang mga Konseho. "Ang lahat ng kailangan mong malaman, ituturo namim sa'yo.. lalo't nang narito na si Allegra" sabi ni Ms.Lisa.
Hindi parin ako makapaniwala. Kasi..
Kasi napaka tagal nilang hinihintay ang tagapagligtas na 'yun! Halos isang million na taon nilang hinintay 'yun.. Ilang beses silang umiyak at pinapanalangin na lumitaw na ang babaeng 'yun para iligtas sila..
Tapos, ako lang 'yun? Ako lang?
Seryoso? Grabe 'yung expectations nila sa tagapagligtas tapos ako lang 'yun?
Kung si Ali at Ealy pa puwede eh, pero ako? Eh wala nga sa kalingkingan nila ang kapangyarihan 'ko!
Shet. Naiiyak ako. Saan? Sa Tuwa ba o sa lungkot? Potek di ko alam!!!
"Maiintindihan mo rin ang lahat" sabi ni Ms.Esme.
"Kung ganun, ang batang iyan ang may pinaka malakas na kapangyarihan dito sa Magic Island? May napaka taas siyang posisyon para irespeto ng lahat" sabi ng babae na hindi 'ko kilala.
Napaka taas na posisyon para irespeto ng lahat? Ako..?
Tumutulo na talaga ang luha 'ko. Ine-expect 'ko na talaga na hindi nila ako tatanggapin. Lalo na't hindi daw nila tanggap ang mga magulang 'ko.
"Bakit ka umiiyak?" Lumapit si Zayn sa akin. "You should be happy"
"Oo nga" sabi naman ni Ali. "Baka tears of Joy" sabi ni Tevi.
Mukha ba akong masaya, Tevi?
"Kung anak nga siya ni Sotelo at Sirius.. dumadaloy rin sa dugo niya ang itim na mahika??" Tanong ng isa pang lalaki. "Pamumunuan nanaman tayo ng galing sa itim na lahi?"
Bigla akong naginig at kinabahan.. a-alam 'ko na 'to.
"Sino bang nagsabing pamumunuan tayo ni Luna ngayon? Wala pa siya sa wastong gulang para mamuno" sabi ni Ms.Esme.
Hinawakan ni Mama ang kamay 'ko. "Kung darating ang araw na lumabas na ang buong kapangyarihan niya, alam niya na kung ano ang ibig-sabihin ng digmaan.. ang pag control ng kaniyang kapangyarihan at matutong mamuno ng buong Ciara, at tignan kung gaano siya kataas kumpara sa atin.. maaring siya na nga ang mamuno saatin" sabi nito.
May ibang nag bubulungan, hindi 'ko man rinig pero tumutulo ang luha 'ko.
"Nasa palad niya ang kinabukasan natin.. nasainyo ang pasiya kung tatanggapin niyo ang ating nakatakda" sabi ni Sir Lemuel.
"Wala naman siyang kapangyarihan ngayon hindi ba?" Tanong ng babae, si Cattleya.
"Wala rin namang kapangyarihan sa una si Sythrine hindi ba? Lumabas lang ito nang makaharap niya na ang mga Maskos.." sabi ng isang lalaki.
"Pero bakit iba ang batang 'yan? Bakit hindi lumabas ang kabuuan ng kapangyarihan niya?" Tanong ng isa pang babae.
Nagtinginan silang lahat. "Iba't iba ang paraan ng mga kapangyarihan natin sa paglabas.. kaya hindi namin alam 'yan" sabi ng Pinuno.
Tinignan nila akong lahat. "May dugo kang Greensmith.. mayroon kang itim na mahika.. masama ka" sabi ng babae.
Agad na pumagitna si Tevi, Zayn at Ali. "Hindi siya masama" sabi ni Zayn.
"Si Sotelo ang pruweba namin" ang sabi naman ni Tevi.
"Halos pabayaan na tayo noon ni Sotelo, iyon ba ang hindi masama?"
Parang naninikip ang dibdib 'ko. Wala akong naiintindihan, kailangan 'ko ng paliwanag.
"Ang iyong ama na si Sotelo ay may dugong itim, at hawak niya ang itim na salamangka.. dito sa MAGIC ISLAND, kapag itim ang kapangyarihan mo.. dumadaloy sayo ang kasamaan" bulong ni Ealy sa likod 'ko.
Pero hindi masama ang papa 'ko, hindi siya ganun. Alam 'ko yun bilang anak niya.
"Hindi po lahat ng may itim na salamangka ay masasama, walang 'Lahat' sa mundo. Kapag may isang masama, lahat ng kalahi nito masama na agad? Ang kasalanan ng nauna ay hindi kasalanan ng huli. Kumbaga ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Hindi porket may nakasalamuha kayong masamang itim na dugo ay lalahatin niyo na.. hindi masama ang tatay 'ko, kung oo man.. matagal na sana niya kayong pinatay" sabi 'ko sa matapang na tono kahit tumutulo ang luha 'ko.
Tahimik lang silang nakikinig saakin. "Alam 'kong hindi ako ang inaasahan niyong magliligtas sainyo.. hindi anak ng itim ma salamangkero ang inaasahan niyo.. pero 'wag niyo sanang lahatin ang mga masasamang itim na salamangkero.. si papa ang pruweba 'ko, Si Sotelo Greensmith ang pruweba 'ko" sabi 'ko.
Pinunasan 'ko ang luha 'ko tsaka humakbang papalapit sa kanila at humarap nang matapang.
"Alam 'ko rin na mahihirapan kayong tanggapin ako.. Hindi.. H-hindi ako ang nais niyong maging itinakda niyo.. k-kaya pipiliin 'kong bumalik sa aking pinanggalingan keysa ang maging itinakda niyo..." Sabi 'ko na ikinagulat ng lahat.
Napa tayo pa ang Pinuno sa sinabi 'ko.
"Anong silbi ng makapangyarihan kung wala namang tatanggap saakin? Kaya 'kong mamuhay muli sa mundo ng mga tao.." sabi 'ko tsaka tumalikod.
"Luna.. anong.. anong sinasabi mo?" Tanong ni Ms.Lisa.
Pinunasan ni Ms.Therine ang luha 'ko. "'Wag, pakiusap.."
"Luna.." may tumawag saakin sa likod 'ko kaya napaharap ako doon.
"Hindi malinis ang nakaraan saamin ng iyong mga magulang.. ngunit gusto namin malaman mo na napaka tagal na panahon ka namin hinintay.. ilang libong taon ka namin pinagdasal.." sabi nito tsaka yumuko. "'Wag mo kaming lisanin.. kailangan ka namin.." sabi nito tsaka lumuhod.
Sa sobrang gulat 'ko ay napa atras ako.
Sunod sunod na lumuhod ang mga tao hanggang sa pinaka dulo. Ang iba ay ayaw pa talagang lumuhod pero naki sabay parin sila.
A-anong ginagawa nila?? Hindi 'ko.. hindi 'ko deserve ito.
Lahat ng mga bantay ay nagsi luhuran narin. Milyon-milyong nilalang ang naka luhod sa harapan 'ko ngayon at hindi 'ko alam ang gagawin 'ko. Iyak lang ang kaya 'kong gawin.
"Hindi namin nanaising mahirapan muli, kaya 'wag mo kaming lisanin" sabi pa ng isang babae.
Tinignan 'ko ang paligid na parang nagtatanong anong nangyayari at anong dapat 'kong gawin.
Pero pati ang mga konseho ay lumuhod narin saakin. "B-bakit po.." pati sila umiiyak rin!! Ano ba!
"Ikaw ang tangi naming pag asa.." sabi ng pinuno. Pati si Miss Natasha ay lumuhod narin.
Nagulat ako nang pati si Ealy, Ali, Zayn at Tevi ay nag-si luhuran din saakin. "T-tumayo kayo.. anong.. anong ginagawa niyo?"
"Kailangan ka namin.. Luna" sabay sabay na sabi nila at tsaka biglang lumitaw ang mga fireworks.
Hindi 'ko alam kung saan nanggaling ito dahil pati sila napatingin doon at ngumiti.
"Tumayo na po kayo.. a-ayos lang po" Ngumiti ako at parang sasabog ang puso 'ko sa tuwa.
Pakiramdam 'ko unang pagkakataon ito na rinerespeto ako. "Nasaiyo na po ang aming tiwala, Lady Luna" sabi nila at pumalakpak.
Sasabog na ata ang puso 'ko!! Naiiyak nanaman ako.
Sabay sabay silang tumayo. "Mabuhay ang ating itinakda!"
"MABUHAY!!" sabay sabay nilang sigaw.
"Mabuhay ang ating tagapagligtas!"
"MABUHAY!!"
"Mabuhay si Luna!"
"MABUHAY!!"
Nakita 'ko ang mga alitaptap na lumapit saamin at pinalibutan kami. Mas lalong dumami ang mga fireworks!
Lumapit saakin si Helena at Hailey saakin.
Yinakap nila ako habang umiiyak kaya yinakap 'ko rin sila. "Ano ba bakit kayo umiiyak?"
Hindi sila sumagot at patuloy rin akong yinakap. Sumali rin saamin si Ali at Ealy. "Ack! Countess Luna!!" Sigaw ni Ali.
Halos tumalon kami sa tuwa hindi 'ko alam bakit. Lumapit saakin si Tevi at yumakap na ikinagulat 'ko.
"Sh*t! Congrats Countess Luna!!" Sabi nito at mahigpit akong yinakap.
Pero hinila siya kaagad ni Zayn. "Lumayo ka" sabi nito tsaka for the first time ay ngumiti at yumuko. Linagay niya ang kamay niya sa kaniyang dibdib.
"Destined Savior.." sabi nito.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam agh! Ang mga Konseho naman ay yinakap rin ako.
Nagpatuloy kami sa pag yayakap at pag iyak. Ang saya saya.. ang saya 'ko.
"Kung darating man ang tamang oras na kailangan ng digmaan.. lalaban ako bilang inyong tagapagligtas."
***
"Kung ganun po, mataas.. mataas po talaga ang posisyon 'ko?" Hindi makapaniwala 'kong tanong.
Narito kami sa council room para mag usap usap, only councils and me.
"Ang pagiging anak ng isang naging pinuno ay maatas na ang posisyon.. at ngayong napatunayan nang ikaw ang itinakda mas tumaas ang posisyon mo" sabi ng Pinuno.
"You're Marchioness actually.." dagdag nito.
Wait.. Marchioness? Ang taas noon!
"Paano kung hindi naman talaga ako ang sinasabi niyo tagapagligtas?" Tanong 'ko. "You're still one of the highest, Viscountess"
Mataas parin 'yun eh. "Whats the highest?" Tanong 'ko.
"Queen." Sagot ni Miss Sibeal. Akala 'ko si Pinuno? "Mataas nga ang Pinuno ngunit mas mataas parin ang Queen." Sabi nito.
"Then who's the queen?" Tanong 'ko. Nagtinginan sila.
"We don't know, walang nasabi sa nakaraan kung anong nangyari kay Queen Acshie.. sa aming pagkaka alam lang kasabay na naglaho si Queen Acshie sa mga Sorcerer." Sabi ni Ms.Lisa.
Napatingin ako kay Allegra, the oldest.. fifteen thousand years old.
"Ang naalala 'ko lang sinabi ng lola ng lola 'ko.. bigla nalang naglaho ang reyna kasabay ng pagsara ng Ciara" sabi naman ni Allegra.
Na cu-curious tuloy ako sa Ciara, gusto 'ko malaman kung anong itsura nito, gaano ito kalaki— malaki na ito sa malayo palang. Gusto 'ko malaman kung gaano ito kalaki sa loob. Kung anong nangyari noong sinaunang panahon pa nila.
Nine hundred thousand years ago from now.
"Do you want to know amazing, Luna?" Tanong ni Mama. Tumango ako.
"You can be Queen——" parang nabilaukan ako sa sarili 'kong laway. "A-ano? Ano po?"
Halos mapatayo ako sa gulat. Agad naman akong binigyan ni Sir Jaruto ng tubig. "Ayos ka lang?"
Ako maayos pero si ms.Esme maayos lang ba?
"Anong.. anong I can be a Queen kemerut?" Tanong 'ko.
"You're the savior, ano sa tingin mo ang magiging ikaw pagkatapos ng laban?" Tanong nito.
Buhay o patay.. sana buhay, gusto 'ko pa sila maka-sama.
Siyempre biro lang 'yun, hindi 'ko alam. Pero grabe naman sa Queen.
"After this you will be treated differently.. they'll respect you more than you think" sabi ni Sibeal.
"Alam mo ba ang kapangyarihang hawak mo, Luna?" Tanong ni Ms.Lisa.
"Akala 'ko po hindi pa natin alam? Sa ngayon po pag papagaling sa sarili at pag hawak ng isip ng isang nilalang palang ang kapangyarihan 'ko" sagot 'ko.
Bahagya silang tumawa at umiling. "Hindi 'yun ang kapangyarihan na tinutukoy ni Sibeal, Luna" sabi ni Sir Sihairo.
Alam 'ko na ang tinutukoy nilang kapangyarihan. "Allegra can only explain you"
Tumayo si Allegra. "Being Countess or more than a princess can do whatever they want. Mataas ang posisyon mo, Luna.. pag dating ng panahon na handa kana.. mahahawakan mo na ang Iba't ibang lupa sa Magic Island, magiging hawak mo ang lahat. Sa mata namin, ikaw ang pinaka malakas. Isang salita mo lang ay gagalaw na ang lahat. Iyon ay kung tatanggapin mo na ang posisyon na iyon, ngunit dahil estudyante ka pa ay alam naming hindi mo pa kaya mamuno.. at dahil nga estudyante ka pa, mananatili kang normal na nilalang lamang sa iba. Ngunit sa totoo, kahit na estudyante ka lang ay napaka makapangyarihan mo. Kaya mong pasunurin ang mga bantay kahit ang pinaka mataas na heneral sa isang pitik lamang.. parang magkapantay lang kayo ng Pinuno"
Sa sinabing iyon ni Allegra ay parang nagtaasan lahat ng balahibo 'ko. Totoo ba 'yun? O nabibingi lang ako?
"Mas mataas ka sa aming konseho, mas mataas ka sa capo ng iba't ibang lupa." Sabi ni Therine.
"You're the powerful in this generation" parang walang ganang sabi ni Miss Natasha.
Alam 'ko at pakiramdam 'ko, hindi ako gusto ni Miss Natasha. Pero hindi 'ko nalang ito pinapansin.
Nag usap pa kami ng mga tungkol sa mangyayari sa hinaharap at kung anong maaring maging kalakasan 'ko. Sinabi nilang puwede nila akong ipasok sa konseho pero sinabi 'kong ayoko, gusto 'ko mamuhay ng normal kagaya ng mga kaibigan 'ko.
Sinabi nilang kung may gusto akong malaman sa nakaraan ng mga magulang 'ko, pumunta lang ako kay Tevi. Good thing.
Dumagdag pa daw sa lakas 'ko ang pagiging anak anakan ni Ms.Esme, fvck.
Pakiramdam 'ko sobrang taas 'ko dahil nang maka labas kami ni Allegra ay ang daming yumuyuko saakin at tinatawag akong Lady Luna.
Ngunit gaya sabi ni Ms.Esme, don't be arrogant.
Sinabi 'kong ayokong tinatawag ako noon kaya pumayag silang Luna nalang ang itawag sa'kin.
"Noong sumugod ang mga Maskos, alam 'kong ikaw ang pakay nila" sabi ni Allegra habang naglalakad kami sa baybayin.
"Ako?"
"Oo, hindi sumusugod ng dalawang beses nag mga Maskos. Ikaw ang pakay nila, dahil ayon sa mga nasaktan.. parang may hinahanap raw sila. Ikaw 'yun, baka inutos ng itim na diyosa na patayin ka" sagot nito.
Itim na diyosa? "Hindi po ba iyon ang kapatid ni Queen Acshie na dahilan kung bakit ganito ang Magic Island? Akala 'ko po tulog siya?" Tanong 'ko.
Tumango siya. "Oo, at sa hula namin, nagising na siya ngunit wala paring kasiguraduhan.. lahat ay takot na baka isang araw lumitaw nalang siya at paslangin kaming lahat. Ayon kasi sa kuwento ng mga matatanda noong bata pa ako, ubod ng sama ang itim na diyosa na iyon. At isang maling salita mo papatayin ka niya"
Grabe. Kung siya lang din naman ang makakaharap 'ko sa dulo, parang gusto 'ko umatras.
"Makapangyarihan po siya?"
"Sobra, sobra sobra. Siya ang lumikha ng itim na salamangka sa isang nilalang. Sumpa niya raw ito, kapag mayroon ka noon magiging sobra sobra sobrang lakas mo. Kapalit ang pag iisip mo, lalamunin ka ng galit para maging masama kaya akala ng lahat. Kapag itim ang salamangka mo, masama ka agad" bumuntong hininga si Allegra. "Ngunit hindi nila alam, na kokontrol ito ng nilalang. Kung pipiliin nilang maging masama o hindi"
"Kahit po mabuti ang pinili nila, napupunta parin sila sa masama dahil jina-judge sila kaagad ng mga tao at minsa'y sinasaktan kaya nabubuo ang kanilang hinagpis at galit kaya napili ang kasamaan" sabi 'ko. Humarap saakin si Allegra at ngumiti.
"Bingo, matalino ka nga gaya ng mga magulang mo" sabi nito.
Namiss 'ko tuloy si Mama at Papa. Sana nakikita nila ako ngayon, sumusunod na sa yapak nila. Pero umpisa palang.
"Pero pamilyar ang sinasabi mong iyan.. para itong si Ha——isang rebeldeng itim na salamangkero na ubod ang sama rin. Sabi nila hindi naman talaga ito masama, talagang napagkaisahan lang at sinaktan kaya naging masama" sabi nito.
Rebeldeng itim na salamangkero?
"Pero matagal na siyang wala. Pumunta kana sa gusto mong puntahan, ako'y paroroon sa mga sugatan pa" sabi nito tsaka tinapik ang braso 'ko at umalis na.
Si Tevi.
Siya ang gusto 'ko..
Puntahan.