3RD PERSON POV TULALA at hindi makapaniwala si Gino sa kanyang nakikita. Sa taas ng stage kung saan ay masayang ipinakikilala ng kanilang CEO ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita. Hindi maintindihan ni Gino kung anong mararamdaman ngayon. Napakaraming katanungan ang nasa kanyang isipan katulad na lamang ng... Saan ito nagpunta? Matagal na ba talaga itong mayaman? Nagpapanggap lang ba itong Callboy? Halos mahilo siya dahil sa mga bagay na iniisip, kahit sandamakdak ang mga katanungan na hindi niya kayang sagutin, may isang bagay lamang siya na sigurado sa sarili. 'Isang tauhan lamang ba ako sa larong binuo mo, Cain?' Hindi niya pansin na nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata, sinubukan niyang tumingin deretso sa kinalalagyan nito at laking gulat niya na nakatingin di

