3RD PERSON POV MADILIM ang paligid at walang maaninag na kahit ano si Gino. Gusto niyang igalaw ang katawan pero hindi niya ito magawa. Parang nakagalos ang kanyang pakiramdam ngayon. Malamig ang paligid at talagang nakakatakot lalo na nang makarinig siya ng tunog na nagmumula sa di kalayuan. Tunog ito ng taong umiiyak, mahina pero ramdam niya ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng taong iyon. Gusto niyang alamain kung sino at lapitan ito pero di siya makagalaw. Bukod sa mahinang pagtangis nito ay nakakarinig din siya ng mga bulong, halo halo ito kaya hindi niya maintindihan ng lubusan. "I'm so sorry" "This is my fault" Habang tumatagal ay nakikilala niya ang boses na iyon, nagpilit siyang gumalaw at puntahan ito. 'Please gumalaw ka naman.' pakiusap pa niya sa kanyang kat

