3RD PERSON POV HABANG naglalakad sa tabing kalsada, sa malamig na gabi ay napayakap na lamang si Gino sa kanyang sarili. Napansin naman ito ng katabi nyang si Cain kaya hinubad nito ang suot na brown na jacket. "Wear this," sabi pa nito sabay abot sa kanya ng jacket. "Sigurado ka ba? baka ikaw naman ang lamigin," pagkukumperma pa nya dito. "Okay lang ako," sagot pa nito kaya nakangiti nyang tinanggap at sinuot ang jacket na ibinibigay sa kanya. Habang isinusuot nya ang jacket ay bigla nyang naalala na mula ng una silang magkakilala ni Cain noon sa baywalk at nang makasama nya ito sa hotel ay lagi na nitong suot ang brown na jacket na ito. Hindi man ito ganun ka-bago ay kumportable naman. 'Baka naman paborito nya ito,' isip-isip pa nya habang naglakakad sila. Kruu~ Kruuu~ Napayuko

