3RD PERSON POV "Bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong pa nito sa kanya habang ginagamot ulit ang sugat nya sa tuhod. Nandito sila sa sala pagkatapos kumain. Napansin ni Cain ang dumudugo pa ring sugat ni Gino kaya nagpumilit itong gamutin ulit ito. Sinabi na nya dito na nagamot na nya ito pero ayaw pa rin nitong magpapigil, hindi pa daw nalilinis ang sugat kaya baka mag empiksyon pa ito. "A-Aray naman," sabi pa ni Gino dito habang lumalapat ang bulak na may alcohol sa gasgas nyang tuhod. "Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" tanong muli nito kaya napaisip sya kung bakit nga sya nagpunta sa lugar na iyon. "AH ALAM KO N--Ahhrayy!!!" Sigaw pa nya habang napapaluha sa sakit. Naalala na kasi nya na dahil sa pera kaya nya hinahanap si Cain. Dahil sa biglang paggalaw ni Gino ay natabi

