3RD PERSON POV "Ginobabes, last hug?" anito habang hinihintay syang lumapit sa bukas nitong mga braso. "Eh, nakarami ka na kanina." "Just a little bit." nagpapa-awa na naman ito sa kanya kaya wala na syang nagawa kung hindi yumakap ulit dito. Mukhang hindi lamang sya ang hugging monster at sigurado sya sa bagay na iyon. Pagkatapos ng walang kamatayang last hug ni Cain ay nagpaalam na sila kay Miggs at saka isinara ang pinto ng bahay. Gusto sana nyang ipakilala si Cain sa mga bagong kapitbahay pero napansin nyang walang tao sa bahay ng mga ito. 'Sayang naman, nagbakasyon ata ang mag asawang sina Hellix at Zero' isip-isip pa nya ng makalampas sila sa pinto ng unit ng mga ito. Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na sila sa kanto at mapalad si Gino sapagkat may duma

