3RD PERSON POV "That's scary," bulong pa ni Zero nang makalabas siya sa pinagtataguan. Maglalakad na sana ulit siya papunta sa kanyang gaming chair sa harap ng napakaraming screen dito sa control room nang biglang may magsalita sa likod niya. "Alin ang nakakatakot, Zero?" Mabilis pa sa kidlat na napalingon siya at nakita ang nakakapangilabot na ngiti sa labi ng buntis na asawa ng boss nila. "N-Nothing," kinakabahang sagot niya dito. Tumango naman ito sa kanya sabay pakita ng dalang suklay at supot ng sanrio. Ang ngiti sa mukha nito ay nagsasabing hindi ito tumatanggap ng sagot na hindi, kaya naman wala na syang nagawa at umupo na nang tuluyan para maabot nito ang buhok niya. Sa ilang minuto na lumipas, napapangiwi na lamang siya dahil masakit ang paraan ng pagpupuyod nito sa kanya. R

