3RD PERSON POV MAKALIPAS ang kalahating oras ay nakarating na din ang sinasakyang taxi nina Gino sa kanto na bababaan nila. "Salamat po, ito ang bayad," saad nya sa driver bago bumaba ng taxi. Mabuti na lamang at di nakatulog ang dalawa sa byahe sigurado kasi syang hindi nya kayang buhatin ang mga ito pauwi sa kanyang apartment. Katulad nga ng inaasahan nya, pagkababa pa lamang nila sa taxi ay yumuko na sa isang tabi si Jewel at sumuka. Lalapitan na sana nya ito ng mapansing nagtatakbo palayo si Mars habang nagkakanta pa. "MARS! saan ka pupunta!!!" sigaw pa nya dito. Di naman sya pinansin nito at nagpatuloy sa paglayo. Di nya tuloy alam kung sino uunahin na lapitan, napagdisisyunan nyang habulin muna si Mars bago pa ito makalayo. Pagod syang nakabalik sa kinalalagyan ng tapos ng su

