GINO POV "A-Anong sabi mo!? Mahiya ka naman," inis na sigaw ko pa dito sabay takbo palapit sa kanya. Nakita ko pa nang mangibabaw sa labi ni Cain ang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagkakaroon ng emosyon sa kanyang mukha. Tumatawa itong tumakbo palayo sakin, Napangiti din at masaya akong hinabol sya. Mula sa kalsadang halos walang dumadaan dahil malalim na ang gabi ay naganap ang masayang tagpo sa aking buhay. Minsan madarama o mararanasan natin ang itinuturing nating masayang pangyayari kahit sa pinaka-di inaasahang pagkakataon. At masasabi kong isa ang oras na ito sa mga pagkakataong iyon dahil naipapakita ko sa kanya kung sino ba talaga ako. Pag siya ang kasama ko ay hindi ako nahihiyang maging madaldal o maingay, hindi ko kailangang

