3RD PERSON POV LUMIPAS ang mga araw na tahimik ang buong penthouse. Mula nang mag away sila ni Cain ay hindi na muling bumalik si Gino para matulog doon sa gabi. Lagi na rin itong nagkukulong sa kwarto ni Zero. Dalhan man siya ng pagkain ng mga kasama ay hindi naman niya iyon kinagalaw man lang. Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay sinisisi ni Gary at Josh ang kanilang sarili sapagkat akala nila, ang pinag ugatan ng problema at away ay tungkol sa sinabi nila nang hapon ding iyon. Ilang beses na nila sinubukang kausapin si Gino pero hindi naman sila nito pinapansin, mukhang masama talaga ang loob nito dahil sa naganap na hindi pagkakaintindihan sa pagitan nito at boss nila. Nakatulala lamang ito sa isang sulok habang katabi si Miggs. . . SI CAIN naman ay malalim ang inisip habang n

