Ateey naman! Why me? ayoko ngang umuwi sa Angeles mag isa! "
Nagpapadyak pa ang baklitang kapatid ko habang nagrereklamo sa akin..
"Why you? sino ang dapat umuwi don ha Jonathan? si aling lukring?"
Ang tinutukoy ko ay ang matandang may ari ng tindahan sa labasan..kailangan kong labanan ng tarayan ang kapatid ko..
Pinamewangan ko siya..di ako pwedeng umuwi ng Pampanga this weekend dahil nga may Company Party kami mamayang gabi..
"Kalorkey si Mamita ateey..pag pauwi na akez dito sa Manila..kung anu-ano ang ipinabibitbit sa beauty ko"
"Whats wrong with that huh?"
"Ayokong magbitbit ng itlog at karne noh..feeling ko isa akong pooritang promdi na lumuluwas ng maynila!"
Ang arte talaga ng anak ng tipaklong na ito..buti nga may nabibitbit siyang itlog..di na kami gumagastos kakabili nun sa almusal namin..
"Hoy! Jonathan..umayos ka ha..ng dahil sa itlog at karneng yan kaya lumaki kang ganyan!"
Dinuro duro ko ito..
May Maliit na piggery at poultry kasi ang mga magulang namin sa Angeles na naging source ng income namin.
"OMG! thanks for the meats and eggs!"
At itinirik pa nito ang mata sa kisame..nakapamewang itong parang diring diri..
Malapit na akong maubusan ng pasensya sa kanya..
"Ok fine..ayaw mo huh? asan na ba ang Phone ko .matawagan nga..si tito Fred at ng maipaalam ko sa kanya na ang nag iisang Unico iho niya ay isa palang..."
"Ok Fine! You Won!"
Sigaw nito..nagpapadyak uli ito..
Napangisi ako ng lihim..Hanggang ngayon kasi wala paring alam si Tito Fred na isang binabae ang kaisa-isa nitong anak na lalaki..
Tanging ako lang ang nakakaalam sa sikreto ni Jonathan..
"Next weekend ateey..its your turn..ikaw naman ang umuwi.."
"Fine Jonathan"
Sang ayon ko para matapos na ang halos isang oras naming argumento..nakaka stress ng bangs ang tarayan namin..kunting konti na lng pasensya ko..
"It's Jhona! isa pang tawagin mo ako ng kasumpa- sumpang namesung na yan ateey..I swear to god dudukutin ko na yang dalawang eyeballs mo"
Nagkibit balikat lang ako..itinuon ko ang pansin ko sa TV..kasalukuyang iniinterview ni BOY ABUNDA. ang isang sikat na Actress sa THE BUZZ..
"Narinig mo na ba ang rumor bout dyan sa plastic surgery Queen na yan ateey?"
"Wala at wala akong panahong alamin pa"
Totoo naman..di ako interesado sa showbiz chika..
"Ipinagkakat niyang jowa niya ang anak ng isang biliyonaryong business tycoon"
Nagtaas ako ng kaliwang kilay..
"Weeh di nga"
"Ambisyosang palaka talaga..ang arte niya as if naman kagandahan siya..si Vicky Belo lang ang dahilan kaya siya gumanda ng ganyan noh"
"Hoy..artista yan at kailangan talaga nila ang magandang physical appearance dahil require yun sa kanila"
Kontra ko sa sinabi ng kapatid ko
"Tama ka..pero tama bang sabihin niyang Haciendero ang mga magulang niya at galing siya sa mayamang angkan? Susme! alam naman ng lahat ng galing siya sa isang Club dyan sa Q.Avenue bilang dancer noh"
"Kung siya Ambisyosang palaka..ikaw naman tsismosang palaka..kung ako sayo magbihis ka na dahil gagabihin ka sa biyahe"
Pagtataboy ko sa kanya..
"Ateey..bakit kaya kahit anong gawin kong effort sa pagpapaganda eh mas maganda ka pin sa akin"
Tumabi ito sa akin at niyakap ako..
"Magkano ang kailangan mo?"
"Abah! ateey..di kita binubola..pero 500 will do"
Mabilis kong kinuha ang bag ko at binuksan ang pitaka ko.
dumukot ako ng limang daang piso at iniabot yun sa kay Jonathan..Binigay ko na sa kanya kagabi pa ang pamasahe niya sa bus pauwi ng Pampanga..
"Thanks Ateeey..kaya love na love kita kahit mas pangit ka sa akin!"
Humalik pa siya sa pisngi ko at mabilis na pumasok sa kuwarto nito..
Natatawa akong sinundan ito ng tingin...
I love him very much..
Noong natuklasan kong pusong babae ito. di ko magawang magalit sa kanya..
Ako pa ang protektor niya sa mga taong nais humusga sa kanya..
Nasa unang taon pa lang siya sa kolehiyo ngayon sa FEU..pag humihingi siya ng pera di ko siya mapaghindian kasi nga naiintindihan ko ang buhay estudyante..noong nag aaral pa ako ng College naging Working student pa ako kasi nga di pa ganon kalaki ang poultry namin..sapat lang ang kinikita para mabuhay kami ng maayos at makapag aral ako dito sa Maynila..
Gusto ko ring unuwi ngayon sa Angeles kaso nga may biglaang party na gaganapin ang GRN Group..
May big announcement nga ang Chairman..alam ko na iyon dahil sinabi ni Armand sa akin kahapon
Ang inaabangan lang ng lahat..di lang boung empleyado ng GRN Group pati na rin ng Media ay kung sino ang papalit sa Matandang Chairman...
Alam naman ng lahat na wala itong anak o pinakamalapit na kamag anak..kaya iniisip ng karamihan noon mapupunta sa Kawang gawa ang yaman nito since wala itong taga pag mana..
Sa isang taon at kalahati kong pagttrabaho sa GRN..dalawang beses ko pa lang nakikita ang chairman at owner ng GRN..very private na tao kasi ito..
Noong Christmas party ng Company at Birthday lang nito..
"TIGER of the Business World" nga ito kong tawagin ng mga kapwa nito businessman..
Kilala ito bilang saver ng mga kompanyang nasa state of bankrupcy..
Dati napapabalitang mapapasakamay nito ang Uniworld..isang Pabrika gumagawa ng ibat-ibang klase ng sabon..
Maraming issue ang lumabas noon..
Bankrupt na daw ang Pabrika...kaya ibebenta na ng may ari..
May isa pang issue na personal nga raw ang dahilan kaya pilit na inaangkin ni Gregory Rufus Natividad ang nasabing pabrika..
Pero pagkatapos ng ilang buwang haka-haka namatay na lang ang issue at hindi na natuloy ang balak nitong angkinin ang nasabing pabrika..
"Hoy Ateey..aalis na ako"
Paalam ni Jonathan sa akin..kamuntik na akong malaglag sa kinauupuan ko at mapa bunghalit ng malakas na tawa ng makita ko ang suot ni Jonathan..anong pamana ng yumaong si Fernando Poe Jr..
Naka jacket ito ng itim na leather..at naglalakad ng animo si Budoy..ang hari ng mga siga sa kanto..
"Seriously...Malalaos si Budoy sayo brother"
Lumapit ito sa akin at ginaya pa ang paglalakad ni FPJ..
"Tumahimik ka..kung hindi,bukas di kana sisikatan ng araw"
Pati pagsasalita ng namatay na action star ginaya narin niya..
"Lumayas ka na Jonathan! gumagabi na!"
Pagtataboy ko dito..
"Oh my Geez big sissy..di ko talaga keri ang ganitong get upzz"
Maarte nitong reklamo..
"Ok..magbihis ka..you can always borrow my dress if you want..Im sure dila mo lang ang walang latay sa mga kamay ni Tito Fred"
Itinirik nito ang mata at mabilis ng lumabas sa pintuan..
Ipinasya kong buksan ang Cabinet ko..wala pa akong maisip na isuot sa party mamayang gabi..
Hindi ako Fashion Icon
at lalong hindi ako mag aaksayang magbutas ng bulsa ng dahil lamang sa damit..
May usapan na kami ni Debra..dito na siya magbibihis sa apartment ko..kotse niyang parating tumitirik sa daan ang sasakyan namin papunta sa pagdaraosan ng Party..
Halos magkasabay lang kaming natanggap sa trabaho ni Debra..
From the day na nagkakilala kami naging instant bff ko na siya..
Magkasundo kami sa lahat ng bagay..lalong lalo na sa asim ng mukha ng Marketing director namin..