i lang araw na ang lumipas nung nakilala ko yung peste naming kapit bahay btw name nya daw ay kyle ganda ng name ang pangit ng ugali tsk sino kayang hindi maiinis dun pinakilala ba naman akong bilang girlfriend nya sa parents nya kakasar geez
"ano ano tulala ka dyan iniisip mo na naman yung kagwapuhan ko noh"speaking of the devil andito na naman sya para manggulo
"kagwapuhan? saan banda?" sabi ko sabay parang may hinahanap
"ang bad mo sakin demy" nabulunan ako bigla sa sinabi nya wth? demy?
"anong demy" inis na sabi ko
"ayun tatawag ko sayo syempre tawag ng mga kaibigan mo sayo nise so tawag ko naman sayo ay demy ang kyut diba ikaw anong tatawag mo sakin" nakangiti nyang sagot kaya napataas ang kilay ko
"alam mo kung ano tatawag ko sayo"sabi ko habang naka smirk
"ano?" masaya nyang tanong
"PATING" sabi ko sabay tawa napatawa ako lalo nung nakita ko syang naka nguso eltea HAHHAHAHAH
"pating? bat naman pating! dami daming pwede itawag sakin pating pa " naka nguso nya paring sabi habanga ako tawa padin ng tawa
"ano ba dapat?" tanong ko habang nagpipigil na ng tawa
"baby"sabi nya nag pahinto sakin sa pag tawa
"anong baby kutos gusto mo?"sabi ko habang nakataas ang kilay baby baby ano sa sanggol parang tanga tsk
"bakit anong masama dun" sabi nya habang nakanguso
"ah alam ko na tatawag ko sayo"nakangiti kong sabi kaya napangiti rin sya
"BABY SHARK" HAHAHAHHAHHA tawa na naman ako ng tawa tapos sya ayun nilayasan nako asar talo HAHAHHAHA
-to be continue