“He killed your brother, Mallory. He manipulated your team in his hand.” A man with a robotic voice said.
Nanlaki ang singkiting mga mata ng babaeng marksman nang marinig ang sinabi ni Kryptus. Hindi siya agad makapagsalita dahil sa narinig. Nakatingin lang siya sa mga mata ng kausap at kinikilatis ang mukha nitong nakangisi ngayon sa kanya. Napansin ‘yon ni Kryptus kaya nagpatuloy ito sa sinasabi.
“Hindi ka ba nagtataka? No’ng araw na matalo ka sa amin ay naroon siya?” Ipinagkrus pa nito ang mga braso habang nakasandal sa pader. “At isa pa, matagal ka na niyang kilala kaya kabisado niya ang kakayanan mo. Nagkataon lang talaga na naroon din kami nang mamatay ang kapatid mo.”
Dahan-dahang umiling ang ulo ni Mallory dahil hindi makapaniwala sa mga narinig. Kunot ang noo ng babae habang iniisip kung bakit gano’n na lang kasigurado si Kryptus sa mga sinasambit. Malaki ang tiwala niya kay Keiran kaya pilit iwinawaksi ng kanyang isip ang paratang ng kausap. Hindi pa man ganoon katagal silang nagkasama ngunit sapat na ang panahong ‘yon upang makilala niya ito. Alam niyang mabuting tao si Keiran at mabuti ang ipinaglalaban. Napaangat ang gilid ng labi niya at matapang na nagsalita. “Tumigil ka na. Hindi niya ‘yon magagawa.”
Humalakhak si Kryptus habang iniisip kung gaano nabilog ni Keiran ang ulo ng dalaga. “Hindi mo siya lubos na kilala, Mallory. Alam mo bang kasama namin siya sa grupo noon? Nakasama namin siya ng mas matagal kaya lang...” Tumayo ito ng maayos at unti-unting lumapit sa babae, “dahil sa pagiging ganid niya sa kapangyarihan, nagawa niya kaming traydurin. Sa madaling salita, Mallory? Ginamit ka lang niya. Ginamit niya lang kayo para makuha ang gusto niya.”
Naikuyom ni Mallory ang kanyang kamao at nanginginig ito dahil sa pagpipigil niya ng galit habang si Kryptus ay nakangising pinagmamasdan ang dalaga. Umaayon sa plano ni Kryptus ang mga nangyayari. Sigurado siyang naguguluhan na ang babae ngayon. Nakaangat man ang gilid ng labi’y sigurado ang lalaki na nagngangalit na ang mga ngipin ng dalaga sa kaba.
Ibinaba ni Mallory ang tingin sa sahig at doon nagsimulang pumasok ang maraming isipin. “Posible nga ba ang sinasabi ni Kryptus?” bulong nito sa sarili.
Isa-isang inalala ni Mallory ang mga panahong kasama niya si Keiran. Bihirang magpakita ng emosyon at magsalita ang lalaking ‘yon ngunit makikita sa mga galaw nito ang pagpapahalaga sa mga taong nasa paligid niya. Hindi niya malinaw na sinasabi pero ang kilos niya ang nagpapatunay na hindi siya masamang tao.
Hinawakan ni Kryptus sa baba ang babae. Inilapit niya ang mukha at tinitigan ito. “Maniwala ka, Mallory. Bago pa siya magtraydor sa amin ay una na siyang nagtraydor sa kanyang pamil—” mabilis na umatras si Kryptus upang iwasan ang lumipad na dagger sa pagitan nila ni Mallory.
“Tungkol pala sa akin ang kwento mo, Kryptus? Bakit hindi mo ako sinama sa pagdakip?” umalingawngaw sa buong silid ang baritonong boses ni Keiran. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya sa silid dahil seryoso silang nag-uusap.
Naglakad ito palapit sa babaeng nakahandusay sa sahig. Tumalim ang tingin nito nang makitang naliligo sa sariling dugo at puno ng galos si Mallory. Binuhat niya ito at tinignan ang mga mata nitong nakaiwas sa kanya. Hindi man ipakita ni Keiran ngunit nasaktan siya nang iiwas ni Mallory ang paningin sa kanya. “Narito na ako. Huwag mong paniwalaan ang mga sinabi niya.”
Muling humalakhak si Kryptus. “Tama, Mallory. Huwag mo akong paniwalaan. Hayaan mong patuloy na bilugin ng traydor na ‘yan ang mga ulo niyo.” Inasahan na ni Kryptus ang pagdating ni Keiran at hindi nakatakas sa kanyang mata ang pag-iwas ng tingin ni Mallory sa lalaki. Kompayansa siyang aalis ang dalawa na mayroon ng lamat ang tiwala ni Mallory kay Keiran.
Dahil sa magulong isip, panghihina na katawan at kawalan ng maraming dugo, nawalan ng malay si Mallory.
**
Mallory Vermilion a woman who strives to be a great assassin but ended up as a fierce but vulnerable marksman. After earning the title of Sakura’s blade she started hunting the people behind the assassination of her own family. On her journey in Misty Forest, she bumped with the famous assassin named Keiran Roark.
Keiran Roark known as a rebellious mage assassin in their time because of his family betrayal. No one knows about his family background except the royalties. He build a group to clean his name and be worthy for his future bride.
As Mallory and Keiran’s path crossed, their point of view started to broaden. Both of them realize they don’t need to go where life would take them in the future. They begun to write their destiny and rejected their own fate. That’s when the Kismet’s Wrath started.