Nakatayo lang si Andrei sa tabi ng table sa loob ng kwartong inuukupa ni Tama, para magtimpla ng kape. Napabuntong hiniga pa siya ng mapansin ang maputlang mukha ng dalaga. Nasa tatlong buwan na rin itong walang malay, mula ng manganak ito, at maoperahan sa ulo. "Gising na Tamar. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Kahit papaano ay malaki na siya ngayon. Hindi tulad noong una na halos nakakatakot hawakan kasi napakaliit. Mabuti na lang at iyong kaibigan mong si Marione ang nag-aalalaga sa kanya. Wala pa nga lang kaming ibang balita, dahil hindi naman daw siya nakakasagap ng balita si Marione sa bahay ng mahal mo. Maliban na lang sa hindi ikinasal, ayaw magpakasal, at hindi daw talaga ikakasal si Alarik sa babaeng sinasabi mong fiancée nito. Kaya gising na Tamar. Naghihintay si Alrick ng ina

