Dalawang linggo ang nakalipas, at halos puro pagsama ng pakiramdam lang ang nararanasan ni Tamar. Babangon siya ng umaga para lang sumuka ng sumuka. Minsan gawa pa ng pagsakit ng ulo niya, minsan gawa ng pagbubuntis niya. "Babe!" sigaw ni Alarik ng maabutan nito si Tamar na nakasubsob sa may toilet bowl sa banyo. Pinagpapawisan ng malamig si Tamar. Nagsabay kasi ang pananakit ng ulo niya at ang kanyang morning sickness. Habang hinahaplos ni Alarik ang likurang bahagi ni Tamar ay nakaalalay ito sa dalaga. Namumutla si Tamar sa mga oras na iyon, kaya naman nilamon na naman siya ng kaba. "Babe kumusta ang pakiramdam mo? Ano na ang nararamdaman mo ngayon?" Nag-aalang tanong ni Alarik pero hindi sinasagot ni Tamar. Laylay ang balikat na tumango si Tamar sa tanong na iyon ni Alarik. Pero w

