Tita Interlude 8
THREE OF US
"Para lang may maka kain, may matulugang maayos! at makasurvive! "
Buong tapang kung pagsisiwalat ng lahat ng nangyari sa akin sa Amerika. Umiiyak na niyakap ako nina Lolay at Nana habang hindi makapaniwala si Treysie sa narinig niya! "
"Para lang malaman mo! Inaabangan ko ang bawat araw at takdang oras ng pagkawit sayu ni Kamatayan! Tandaan mo to! Mas malandi ka pa din sa akin! Kamamatay lang ng asawa mo!"
" Hindi na nakamot yang kakatihan mung bumalik sa piling niyang babaeng yan! "
"Joan, tama na sumsobra ka na! Pls! " saway ni Treysie.
"Wag kang makiealam dito! Maninira ng pamilya kung TITA! " sabi ko sabay sampal sa akin ulit ni mommy.
"Isa pang sampal Isabella ako na mismo kakaladkad sayu sa paanan ni Kamatayan! " sabi ko sabay balibag ko ng namamayat niyang kamay.
"Señorita, hindi ko akalaing magagawa mung pabayaan sarile mung anak! " biglaang at nangagalaiting sabi ni Nana
"Ang sabi mo sa amin, maayos siya don sa Amerika.. Kaya pala minsan eh mabigat ang luob namin at sa tuwing tatawag yung bata."
" lumalayo ka para hindi namin madinig at di namin siya makausap. " pagsisiwalat ni Lolay
"Kaya pala kinuha mo sa amin yung mga telepono namin. Pati kay Señor Marion nililihim mo yung sitwasyon ng anak niya. Sa tuwing magtatanong siya sayu! "
Natigilan ako sa mga rebelasiyong isinambulat nina Nana at lolay..
Ayoko man pero mas lalung umigting ang sama ng loob ko at galit sa babaeng nagluwal sa akin.
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko makontak noon si Daddy pati na si AteJacky ng dahil sa babaeng nasa harapan ko.
Sa sobrang galit ko at baka masampal ko na tong nanay ko tumakbo nalangg ako ng kwarto siya namang sunod nina Lolay at Nana sa akin.
"Anak Joan, diyos ko po, hindi namin alam na ganoon na pala pinagdadaanan mo. Patawad wala kami sa tabi mo. " sabi ni Lolay sabay yakap sa akin.
"Ok lang po wala po kayung kasalanan. "
"Hindi ko akalaing kayang gawin yun sayu ni Isabella. Kung alam lang namin na ganoon na ang nangyayari sayu. Gagawa kami ng paraan. " dagdag ni Nana sabay yakap nila sa akin
"Kahit anung mangyari andito lang kami palagi para sayu.. May kakampi ka na di kami makapapayag mahiwalay ulit sa aming Chiquitita. " lambing sa akin ni Nana
"Oh siya magpahinga ka muna at maligo pagkatapos iaakyat na lang namin dito ang hapunan mo. " sambit ni Nana saka niya ako inabutan ng malamig na tubig.
Nagpaalam silang baba na. Dinig ko ang mga sagutan nila sa ibaba. Hindi ko naririnig ang boses ni Treysie tanging ang boses.
lang ng babaeng naging dahilan ng paghihirap ko ang nadidinig ko hangang sa tumahimik sa ibaba.
Maya maya pa naligo na ako at nag damit ng komportable. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga pangyayari sa park lalung lalu na yung muling paghaharap namin ni.
Antoin at yung babaeng kaibigan ni Treysie na nakilala ko at nadawit sa kahibangan at kababawan ko.
Pero sa totoo lang ngayon lang yata ulit ako nakatikim ng totoo at purong kaligayahan. Sana maayos lang si tita Morissen .
"Patawarn mo ako Tita Morissen sa kalabisan ko. God bless you po. "
Ilang sandali pa ay umakYat na sina Lolay at Nana para saluhan akung kumain. Ng matapos kami at makapag hapunan tumabi sa akin sa pagtulog ang mag asawa.
"Señorita wag mo gawin to.. Parang awa muna maawa ka sa bata.. " Nana Anna
" Isabella Treysie wag niyung ihiwalay sa amin yung bata. Hindi namin kakayanin. Mahal na mahal namin si Joan..
"Umalis na kayu panahon na para ako ang mag disciplina sa anak ko. " mommy
"Hayaan niyu ng kami na ang mag alaga kay Joan. " treysie
"Hindi kami makapapayag. Nangako kami kay Sir. Marion na aalagaan namin si Joan hangang sa maging maayos siya.. "
"Umalis na kayu.. Umuwi na kayu ng bulacan wala kayung karapatan kay Joan. Ako ang nanay niya kaya ako ang magdedesisyon para sa kaniya. " mommy
"Isabella, nakikiusap kami sayu maawa ka sa anak mo. Mas kaya at mas alam namin at kilala si Joan lalayo lang lalu ang loob niya sayu..
" kaya lumalayo ang luob ng anak ko dahil sainyu. "
"Joan.. Anak"
"Joan.. "
Malalakas na diskyunan at kumosyon sa baba ang gumising sa diwa ko. Bigla akung kinabahan.. Kaba na kasing tuad ng naramdaman ko noong nawala si Daddy..
Agad akung tumayo ng higaan nagsuot ng panloob nag mumog at nagtali ng buhok. Sabay karipas ng takbo pababa ng hagdan. Ng makababa ako nadtanan kung pilit pinalalayas.
Ni Isabella sina Nana at lolay habang kinakausap at kimukombinse naman ni Treysie yung mag asawa na bumalik na lang ng bulacan.
"Ano nanamang kademonyohan ang tumatakbo sa isip mo Isabella! Bakit mo pinaaalis sina Nana at lolay. " nangagalaiti kung sabi habang binabasag at binabato lahat ng nahahawakan ko pagawi sakaniya.
"Anak, kailangan na nilang umalis hindi habang buhay nag aalaga sila sayu. May sarile din silang buhay. "
"At sino ka para magsabi niyan! Hnidi porket pinangalingan kita! May karapatan ka ng gawin yan o pagbawalan ako sa lahat.!"
" Ginawa mo na yan noon hinding hindi naku papayag ngayon"
"Nana lolay hindi kayu uuwi hindi kayu aalis. " sabi ko sakanilang dalawa habang hawak hawak ko mga kamay nila.
Bigla namang hinila ni Isabella sina Lolay at Nana palabas ng bahay at pilit pinasasakay sa kotse.
"Isabella! Wag nakikiusap kami sayu..
" pagsusumamamo nilang dalawa.
"Ano ba! Wag mung sasaktan yung mga taong nagalaga at nagparamdam sa akin na may mga magulang pa ako! " asar na asar kung hatak kay mommy ng masaktan sina lolay at Nana.
"Alam mo kung hndi sila kasama dito. Hinding hindi ako sasama sayu lalung lau na andto yang higad mung Ex! " sagot ko kay mommy sabay sampal niya sa akin ng malakas.
"isabella wag.. Wag mung sasampalin si Joan wala kang karapatan! ".
"Wag mo akung galitin Señorita Isabella kung ayaw mung lumabas baho mo! " pananakot ni Nana sakaniya na nagpatulala sa gulat sa akin. Sabay sampal!
Kinabig ko ang kamay na ginamit niya pang sampal sa akin ng aakma niyang sampalin si Nana Anna.
"Subukan mo Señorita! Wag mung sasampalin ang Nana ko wala kang karaptan! Uulitin ko! ngayong araw na to ihahatid kita sa huling hantungan mo ng humihinga pa! " sabay balik ko ng samoal sakaniya. Sa galit
"Joan.. Joan.. Teka hindi tama yung ginawa mo! Nanay mo yan! " sabat ni Treysie
"Isa kapa alam mo yun! Eversince epal ka eh! Epal! " napatingen nalang ito sa akin sa galit at inis.
"Joan heto talaga ang gusto mo. " sabi ni mommy
Hinatak sabay pinagsisigawan niya sina Nana na makapasok sa loob ng kotse. Habang pumipigil ako sa gitna at yakap yakap silang dalawa. Umiiyak
"Wag niyu akung iwan pls Nana, lolayisama niyu na ako pauwi ayoko dito. " pagsusumamo ko sakanila
"Hindi ka namin iiwan magkakamatayan Joan" sabi ni Lolay.
Hangang sa hinigit ako ni mommy pagilid para makaalis ako sa pagkakayakap sakanila ng dumating ang mga di kilalang tao na siyang pilit nagsakay kina Lolay at Nana sa sasakyan.
Siya namang kabig at yakap sa akin ni Treysie para di ako makakilos at makahabil.
Umaandar ang sasakyan lulan palabas ng gate sina Nana, nagpumilit ako pumiglas para mahabol ko sila pero sadiyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Treysie.
"Nana.... " sigaw sigaw ko habang umiiyak
"Lolay.... Wag niyu akung iwan!!? Sigaw sigaw ko.
"Joan.. Anak.. Joan" sigaw sigaw nila..
"Babalikan ka namin, gagawa kami ng paraan anak. " sigaw ni Lolay
Halos naglabasan lahat ng kapitbahay dito nakikinood sa eksena at komosiyon. Hangang sa tuluyan ng nakaalis ang sasakyan.
"Joan, andito naman kami ni mommy mo hinding hindi ka namin papabayaan. Kakampi mo ako kami ng mommy. " pang aalo ni Treysie..
Napaluhod naku sa lupa sa sakit, iyak at sama ng loob. Wala na. Nawalan nanaman ako ng kakampi. Nawala nanaman .
Sa akin kinuha nanaman sa akin ang mga taong mahal ako at mahal ko.
"Joan anak, patawarin mo ako pero oras na para kami naman ang mag alaga sayu kami ni tita mo. " pang aalo sa akin ni mommy sabay halik at yakap sa akin
Binuhat ako ni Treysie papasok sa loob ng bahay para hindi ako makatakbo at makatakas.
Kinalagan niya lang ako ng makapsok na kami at ng ma lock ang pintuan at gate sabay tago ng susi.
"Mommy! Demonyo ka talaga! Kahit kailan hinding hindi ko gugustuhing makasama ka! Patayin mo nalang ako! " sabi at lapit sakaniya sabay inihawak ko sa kamay niya ang kutsilyo at tutok nun sa leeg ko.
"Anak, ako ang nanay mo sa akin ka lang.. Pagbigyan mo naman ako maging ina sayu. Hinding hindi ko yun magagawa kung andiyan lagi sila sa tabi mo. " sabi niya sabay baba ng kutsilyo at lapag nito sa may lamesa.
Yumakap ito kay Treysie siya namang halik at yakap nito ng mahigpit kay mommy at punas ng mga luha nito habang ako heto.. Nawawasak nanaman.
"Kumpleto na tayo.. Here we are the THREE OF US is enough kumpleto na ang buhay ko. " sabi ni mommy.
"Oo iIsabella ikaw ako at si baby Joan natin. " sabay tingen ng mga walang hiya sa akin. "
Nagpaalam si mommy na magluluto muna saglit habang pumanhik naman si Treysie at may kukunin saglit sa taas sa kwarto niya.
Umakyat na sa ulo ko ang dugo ko, kasabay nito ang matinding galit at poot nandilim ang mga paningin ko patawarin ako ng diyos sa.
Gagawin ko pero kapag nawala nag punot dulo ng lahat ng to matatahimik at makakalaya na ako.
Inabot ko ang kutsilyo sa may lamesa sabay tago nito sa may likod ko. Dahan dahan akung pumanhik ng hagdan sabay lakad papunta at papasok sa kwarto ni Treysie.
Tahimik akung pumasok sakto naiwan niyang nakabukas ang pintuan hindi ko kaagad siya nakita.
Kaya hinanap ko muna siya sa nakabukas ang pintuan ng banyo niya .
Pumasok ako ng banyo ng tahimik at naabutan ko itong nakapgpalit na ng damit at naghihilamos ng mukha ng makahanap ako ng tiyempo.
Dahan dahan akung lumapit sakaniya inilabas ko ang kutsilyo hawak hawak ko at iniangkla ko na ang kamay ko sa ere ng makalapit ako sa may likuran niya.
"ITO NA ANG HULING ARAW NG PAGSILIP MO SA SALAMIN TREYSIE ARRAGON! "
FOLLOWING.