TITA INTERLUDE 3
LOVERS Thee At People's Park
Ang malamig na umaga at ang sikat ng araw na gumagapang sa mukha ko ang siyang gumising sa diwa ko. Dahan dahan kung iminulat mga mata ko.
Thank God hindi na mabigat ang katawan ko pati na ang ulo ko Napapikit ako ng bahagya ng masilaw .
Ang mga mata ko ng sinag ng araw mula sa sliding window. Nag unat unat muna ako saka dasal.
Kinapa ko yung cp ko Bumalikwas ako at napatayo bigla ng kama Ng hindi ko ito makapa. Bumangon ako mula sa kama sabay hablot nakapatong lang Pala sa ibabaw ng maleta ko. Lumakad ako sa gawing sliding window.
Bahagya ko itong binuksan bumungad sa akin ang napakagandang view ng village. Warmth ng araw ang malamig na simoy ng hangin galing Tagaytay. Umagaw sa pansin ko flowerbeds, landscape sunflowers at pool sa ibaba.
"Tagaytay" sabi ko habang ninamnam ko ang masarap na klima at inaamoy ang mahahalimuyak na mga bulaklak. Mula sa hardin sa ibaba na sumasama sa daloy ng hangin.
" Antionette,?" sumagi sa isip ko bigla si Antoin, yung lesbian na huling sineryoso ko at sumeryoso sa akin, yung taong nakakakilala sa akin.
Ng lubos tinaggap at minahal ako kung sino at ano ako pero.. Kinuha siya akin ng babaeng pinagmulan ko at pinaglayo kami.
Biglang tumunog notification ng cp ko mga bagong upload ng mayday sa f*******:. Unang tumambad sa akin yung mayday ni Antoin. Nasa Taal lake siya.
"Morning with you Is always the loveliest thing I look forward too. " caption niya na kasama yung partner niya.
Zinoom at Hinimas ko yung picture niya. Nag stump peed isa isa sa utak ko yung mga memories naming dalawa nung panahong kami pa.
I take a shower and dress myself up hindi pa man din ako nakakababa dinig na dinig ko na ang malalakas nilang tawanan Kumpleto silang nag aalmusal sa baba.
"Goodmorning babygirl, halika na anak mag almusal na tayu. " paanyaya sa akin ni Treysie habang bumababa ako ng hagdan.
Tumabi ako sa gitna nina lolay at Nana kahit na pinauupo ako nito sa may gitna nilang dalawa ni Isabella.
Pinaghain ako ni Treysie at ni Mommy ng ulam at kanin, corned beef, itlog, at yung paborito kung bacon habang naglalambingan sila kahit pa nasa kabilang puwesto sila.
"Meron po akung dalawang kamay para sumandok ng ulam at kanin. Tigilan niyu ako puwede!" Tumayo ako at kinuha ang plato at tasa ng tsokolate saka lumipat sa may sala at doon kumain.
"Nak, Joan my desert dito anak paborito mo Maja Blanca na may cheese at corn". Alok ni Nana sa akin
"Salamat nalang po Nana, nawalan ako bigla ng gana eh." Matigas kung sabi habang nakatitig sa dalawang yun! Hinugasan ko agad ang pinagkainan ko.
"Ahm Joan anak, we're heading up to People's park today for picnic. " magiliw na paanyaya ni Treysie sa akin.
"Tamang tama Darling, nakabihis na ang babygirl natin. " sagot sakaniya ni mama na nagpakulo ng dugo ko.
Darling talaga!!! My goodness! I need to keep my head cool. Kung hindi baka anu pa masabi ko at mapaaga pa ang pagpunta nito kay Lord.
Bandang 9:30 we ride our way hindi ako sumakay sa sasakyan nina Treysie sumakay ako kina lolay. After minutes narating na namin ang People's Park kasing ganda pa din ito tulad ng dati may mga bagong landscapes at upgraded amenities and architectural design.
Mas lalung nagpaangat sa ganda nito. Humanap kami ng ma pu-puwestuhan. Pumuwesto ako banda sa may maliit na puno para makasilong ako dahil matindi ang init ng araw.
Naglatag ako ng sapin sabay higa biglang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. Masakit maraming masasakit na bagay ang binigay at pinaalala sa akin ng araw na to.
Dahil ito rin yung eksaktong araw ng iwan ko si Antoinette. Napatayo ako sa gulat ng makita kung napadaan si Antoin at yung gf niya. To my horror nagbatian sila at nakipag kamayan pa sila kina Mommy at Treysie.
Na aligaga ako at nagsuot ng shades at nag earpods tingin sa malayo ng mapansin kung itinuro ako ni Mommy. Pinaupo sila ni mommy at Treysie siya at yung gf niya inaya silang sumalo sa pagkain.
"Joan my chiquitita halika anak kakain na tayu. "
Pagtawag sa akin ni Mommy mula sa puwesto sabay tingen nila sa direksiyon ko napalingon na sin si Antoinette at yung babae sa akin. inaantay ang susunod kung galaw.
Following...