Bata pa lamang ako ay wala na akong permanenteng kaibigan, palagi kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa mga tao na halata namang napipilitan lang ako pakisamahan. Siguro hinahanayaan lang nila ako makasama dahil alam nilang magiging malaking pakinabang ako sa kanila. Pinasok ko lahat ng puwedeng gawin mag karoon lang ako ng maitatawag na kaibigan.
Naging utusan ako mula grade 1-3, inutusan nila ako na buhatin ang mga lunch box nila tuwing recess at lunch. Inuutusan rin nila ako sagutan ang kanilang mga seatworks, minsan pag oras ng paglilinis ay sa akin nila pinapagawa yon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na pinaglalaruan lang ako at ginagamit ako. Pero eto yung gusto ko, gusto ko nang may makakapitan.
Dumating sa punto na sa sobrang pagod sa mga ginagawa ko inatake ako ng hika at sinugod sa ospital. Duon wala na akong kawala, sinabi ko lahat ng pinagawa sa aken at ang rason kung baket ko ginawa iyon. Pag Kakaibigan, pero tama pa nga ba ang trato nila sa akin na ganon? Ang mga kaibigan mo ba ay uutos utusan ka? Papagawain ka ng kung ano ano mapatunayan mo lang na karapat dapat mo silang kasama?
Hindi. Hindi ganon ang pagkakaibigan. Humantong sa punto na gustong makausap ng aking mga magulang ang mga nang api sa akin. Pinigilan ko sila dahil kasalanan ko naman to, puwede ako tumanggi pero hindi ko ginawa. Naresolba ang problema, kaysa na sila ang umalis sa school. Kami ang umalis, mas nakakabuti raw para sa akin ang magkaroon ng fresh start. Dahil baka doon sa bagong lilipatan namin ay may mga taong makaka appreciate sa aken.
Nilisan ko ang maynila at ipinaubaya ako ng aking mga magulang sa aking tita sa Probinsya ng Bulacan. Pinangako sa akin nila Mama at Papa na uuwi sila sa bulacan palagi, hindi kasi sila pwedeng manatili dahil walang aasikaso sa mga kumpanya namin sa maynila. Ayos lang naman sa aken ang makasama ang aking tita. Hindi nakapag asawa ang tita ko dahil wala daw tumanggap na lalake sa kanya dahil hindi nya kaya bumuo ng bata dahil baog siya. Nakakalungkot lang dahil mahilig pa naman sa mga bata ang aking Tita Effie.
Masaya akong makakasama ko si Tita dito sa panunuluyan ko sa bulacan. Ipinasok ako ni Tita Effie sa isang pribadong paaralan sa Bulacan. Simula sa pasukan ay dito na ako mag aaral. Kwinento sa aken ni Tita Effie na dito sila minsang nag aral kasama ang aking papa at mama. Dito rin daw nagbunga ang kanilang pagiibigan. Napaisip ako, kung kaibigan ay hindi ko mahanap, paano pa kaya anv lalakeng magmamahal sa akin ng totoo? Napayuko na lamang ako sa aking naisip.
Bukas ay magsisimula na ang aking panibagong klase, bilang isang Grade 4. Hiling ko lang na sana ay makatakbo ako ng kasiyahan dito.
Maaring inapi-api ako sa eskwelahan ko noon, ngunit ngayon ay nakatagpo ako ng mga kaibigan na totoo. Isang lalake at babae ang lumapit sa aken para makipag kaibigan, katulad ko ay mga bago rin sila sa paaralan na ito.
Si Joseff Alvino Reyes, oh mas tinatawag naming Seff ay lalake ngunit pusong babae. Wala akong kontra dito dahil masaya siya sa ginagawa nya, at yon ang mahalaga na maging masaya kaming lahat.
Si Jielle Louisse Clemente naman ang isa pa sa mga naging kaibigan ko sa paaralan na ito. Mabait siya at Malambing, sa ikling panahon na nagkakilala kami ay ipinakilala nya agad ako sa kanyang mga magulang bilang bestfriend nya.
Masaya ako sa pagturong nya sa akin bilang bestfriend dahil kahit kelan ay hindi ako nakaranas magkaroon non.
At ako, Ako si Avianna Ystra Sy. At dito magsisimula ang kwento ko.
AUTHORS NOTE:
THANK YOU TO THOSE WHO READ THE FIRST CHAPTER OF MY STORY, THIS IS MY FIRST EVER PUBLISHED STORY AND I DEDICATE MY WHOLE HEART INTO THIS.
THIS STORY IS FICTITIOUS, ANY NAMES, ORGANIZATIONS, PLACES ARE PURELY COINCIDENTAL. THIS STORY IS BASED ON MY EXPERIENCES FROM ELEMENTARY TO HIGH SCHOOL
I HOPE YOU LIKE IT!!