His Ruthless Temptation Kabanata 29 NAGSILABASAN ANG lahat nang ianunsyo ni Favru na ilang minuto na lamang ay darating na ang inaasahan nilang mga bisita. Nag-abang ang lahat sa malawak na bakuran maliban kay Azaleah at Chandler na kanina pa hindi makita ni Calantha. “Candace, nasaan si Chandler?” Nagtataka na talaga si Calantha sa kapatid niyang iyon. Iba na kasi ang ikinikilos nito buhat nang dumating sa bahay nila si Azaleah. Tahimik na tao ang kapatid niyang si Chandler. Parating seryoso at kung may kakausapin mang tao at sobrang pormal ang pakikitungo nito. Candace once said na si Chandler ang male version niya. Kasupladuhan na lang daw ang kulang. Ngunit buhat nang dumating sa bahay nila sa Macalelon si Azaleah ay palagi na itong nasa labas. Samantalang lumaki naman itong pal

