CHAPTER 2

1204 Words
TWO: "Baby, please?" KAREN smiled in victory. "Yeah. Let's go." Tingnan mo nga naman! Yung tao na mismo ang nagyaya sa kanya! Unlike kasi sa experience nina Patricia at Chelsea no'ng ang mga ito pa ang naglaro sa so-called cool game nila, ang dalawa mismo ang nagyaya sa biktima na mag-private room para magawa ang plano, pero siya? Well. Mahaba nga naman talaga ang buhok ng isang Karen Montgomery at siya itong niyaya, hindi siya ang nagyaya! Great. Mahigpit ang hawak ng lalaki sa baywang ni Karen nang lumabas sila ng bar. Kaagad namang pinaharurot nito ang kotse sa kung saan. Habang nagmamaneho ito ay panay naman ang sulyap ni Karen sa rearview mirror. She sighed in relief nang makitang nakasunod naman ang kotse ng mga kaibigan niya. Aba, mahirap na't baka maisahan siya ng lalaki at may kung ano pang hindi maganda ang mangyari sa kanya! Remember? Everything is just a game, and she couldn't risk herself, especially her precious one! "I feel very excited." Halos mapatalon si Karen nang magsalita ang lalaki at kinuha ang kamay niya. He intertwined her fingers with his. And she found it a gentle yet sweet gesture! Nang magsalubong ang kanilang mga mata, ngumiti ito sa kanya. She smiled back at him. Ganyan nga. Ngumiti ka lang, at ako ang hahalakhak mamaya sa larong ito namin ng mga kaibigan ko! Well, looking at the man beside her? Mukhang hindi naman ito masamang tao. Para nga'ng ito pa ang tipo ng taong mapagkakatiwalaan… Poor him. Just poor him for approaching her kaya ito tuloy ang naging subject niya for her game with her friends. "Can't wait to finally make love to you..." Bigla ay parang na-off si Karen. Kung pupuwede lang ay nais niya itong sampalin. Bastos! Kaya ikaw, Karen Montgomery, huwag ka talaga padadala d'yan kahit gaano pa 'yan kagwapo! Looks could be deceiving! saway na naman niya sa sarili. Bumaba sila sa isang five star hotel at magkahawak-kamay pa ring pumasok hanggang sa suite kung saan ito nag-check in para sa kanilang dalawa. Sosyal din ang loko! May pa-five star hotel pang nalalaman! Aba'y matindi! Rich kid. "Kanina ka pa lingon nang lingon, ano bang tinitingnan mo riyan sa likod?" puna nito bigla nang mapansin ang kanina pa niyang mayamayang paglingon sa likuran. "Ah, wala. Wala naman," she smiled convincingly. "Okay," and he smiled gently again. Buti nalang at nakumbinsi rin kaagad niya ito. Aba'y mahirap na't mahuli siya nang hindi pa natatapos ang laro! Panay paglingon lang naman talaga siya sa likuran dahil sinisigurado niyang nakakasunod pa rin ang mga kasama niya. Mahirap na't mapahamak siya sa gagawin lalo pa't hindi birong laro itong pinagagawa sa kanya! Pero alam naman talaga niyang hindi siya pababayaan ng tatlong lokaret. Pagkapasok palang sa suite ay kaagad na siyang pinangko ng lalaki sa pintuan at siniil siya ng halik. Sobrang aggressive ng mga halik nito kaya kahit marahang pinagtutulak niya ito sa matipuno nitong dibdib ay walang epekto at hindi ito papipigil. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg habang dahan-dahan siya nitong dinadala sa kama at pagkarating doon ay tuluyan silang bumagsak nang nasa itaas na niya ito. "Uhm... wait," sinubukan niyang dumaing ngunit ayaw pa rin talaga nitong papigil. "Wait..." ulit niya ngunit nagbingi-bingihan pa rin ito. Sa inis niya'y may kalakasang naitulak na niya ito dahilan kaya't napatigil ito at bahagyang nagtaka. "May problema ba?" he asked frustratedly. It's very obvious that he wants more and he really craves for her! Well, that's normal. She knows that. That's part of her charm! "Did I do something wrong, baby?" concern was drawn on his worried face and tender voice. Sa pagiging concern nito, biglang may mumunting kirot sa kanyang puso siyang naramdaman, hindi niya alam kung ano iyon. Maybe, guilt because he's her victim. "Uhm... wala. Wala naman. Honestly, just like you, I want more. I want us to pleasure each other 'til we reach heaven... I want you to pleasure me but I want you fresh first. Please, take a bath first. Baby, please?" she sounded sweeter this time. Sumang-ayon ito at tumango. "Tama ka. Sige, maliligo na muna ako. Dito ka lang ha?" She smiled and nodded. "Yeah. I'll wait here. Dalian mo ha?" "Yes, no worries. Hindi kita paghihintayin ng matagal," he kissed her forehead before he entered the bathroom. Kaagad naman siyang kumilos upang tawagan si Chelsea. "Hello, Kar? Kumusta? Ano nang nangyayari d'yan?" sunod-sunod namang mga tanong nito nang sagutin siya. "Malapit na ako sa tagumpay. Nasaan na kayo?" "Nandito kami sa elevator straight kung saan 'yang suite na pinasukan ninyo ng biktima mo!" "Okay, okay. I'll get out of here right away. Hintayin ninyo ako riyan." Pagkababa ng tawag, kaagad na ring tumayo si Karen sa may pintuan, naghahanda sa paglabas niya ng kwartong ito kapag nakalabas na ang lalaki mula sa bathroom. Hindi nga nagtagal at bumukas ang bathroom, iniluwa nu'n ang lalaking mamasa-masa ang buhok at tanging puting tuwalya lang na nakatapis sa baywang nito ang saplot. In fairness, he has healthy six-pack abs. He looks so fresh and sexy. Ano kayang pakiramdam na mahawakan ang malulusog na abs at matitipunong dibdib nito? Gaga ka talaga! 'Wag ka nga! Laro lang 'to kaya 'wag ka paaakit, Karen! Nagtaka ito nang makita siya rito sa may pintuan pero ngumiti pa rin. "What are you doin'? You want to go to shower too before we make love?" She smirked. "Make love? And who the hell told you I will make love to you?" Naguluhan na ito. "I thought-" "Well, you thought it wrong because..." putol niya rito. "You just got OKRAYed!" pumalatak siya't bumulanghit ng tawa. Tuluyang kumunot ang noo nito at parang hindi pa siya naintindihan. "What-" "Okray lang! Bye!" kinindatan pa niya ito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nakita pa niya ang pagguhit ng matinding galit sa noo nitong kumunot at nagsasalubong na mga kilay nang dali-dali siyang tumakbo sa elevator kung saan naghihintay ang tatlong mga kasama niya sa kanya. Hinabol pa siya ng lalaki kahit nakatuwalya lamang ito. Ngunit hindi siya nagawang abutan dahil bago pa man mangyari iyon ay nakasakay na sila ng mga kasama niya sa elevator. "Mission accomplished!" nakataas-kilay at proud pa niyang deklara habang nasa elevator na at ang lalaki nama'y hindi maipinta ang mukha sa ginawa niya. Sinadya pa niyang makipagtawanan at apiran kina Jaira, Patricia, at Chelsea upang ipakita ritong napaglaruan lang niya ito at mas asarin pang lalo bago tuluyang sumirado ang elevator. "Whoa! That was a great job, Karen!" papuri kaagad sa kanya ni Jaira. "Oo nga, Karen! Kinabahan kami no'ng una pero hindi namin lubos akalain na magagawa mo yung laro natin ng gano'n lang kadali! You made it so effortlessly! The reaction on his face was priceless!" sunod pa ni Chelsea. "You're really Karen Montgomery- The Great! Ang galing mo! Pero, in fairness, sayo ha? Ang gwapo pala no'ng na-okray mo!" ani Patricia naman. She nodded. Somewhat yes, gwapo nga naman talaga iyon. "At katunayan, parang bagay pa nga kayong dalawa!" dumatong pa si Jaira. "And it seems that he likes you!" isa pa si Chelsea! She rolled her eyes with what the three girls just said. Aba, ngayon pa niya iisipin iyon? Ngayong nagtagumpay na siya! No matter how he liked her and no matter how she got attracted to the man, hindi na pwede pang mangyari ang gusto ng kaibigan at mga pinsan niya dahil paniguradong sa galit ngayon ng lalaking 'yon sa pambibitin at pang-ookray niya ay halos isumpa na siya. "Whatever, girls. What matters most now is that I've succeeded!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD