Isang oras na ang nakalilipas ngunit wala pa rin tigil sa kalalakad si Timothy sa harapan ng babaeng ngayon lamang nito nakita. Bagamat, nagagandahan si Timothy sa babaeng kaharap nito, hindi pa rin maiwasan ng binata na maging alerto sa kung ano man ang balak na gawin ng dalagang nakapasok sa kwarto nito. Sapagkat, hindi na bago kay Timothy ang bigla na lamang may papasok sa kwarto nito na wala namang paalam. Kung kaya’t noong nakaraang buwan lang ay nagpalit ng passcode ang binata upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Dahil dito, hindi maiwasan ni Timothy na hindi makaramdam ng inis sa katulong nito dahil may iba na namang nakapasok sa kwarto nito.
Kahit ang totoo naman ay nakatira pa rin ito kasama ang mga magulang nito. Ngunit, kahit na kasama pa rin ng binata ang magulang nito sa bahay nila ang lubos na pinakaayaw ni Timothy ay ‘yong basta-basta na lamang pumapasok sa kwarto nito. ‘Yon tipong bago pa makapasok ang katulong nito para makapag-imis sa kwarto nito ay kailangan muna nilang magpaalam kay Timothy.
“Pwede bang tumigil ka diyan sa kalalakad mo sa harapan ko?”
“W-What did you say?”
“Ang sabi ko, pwede bang tumigil ka sa kalalakad sa harapan ko? Hindi mo ba alam na kanina pa akong nahihilo sa ginagawa mo," mahinahon namang litanya ng dalaga kay Timothy.
“Fine! So, tell me, what are you doing here in my ROOM?” pagtatanong naman ni Timothy sa dalagang kaharap nito.
“Ewan,” balewala namang pahayag ng dalaga sa harap ni Timothy.
“What the! Nandito ka sa kwarto ko tapos isasagot mo lang sa akin ay ewan! ‘Yon totoo, ginagago mo ba akong babae ka?” Galit na pahayag ni Timothy sa dalagang nasa harapan nito na para bang hindi man lang nakaramdam ng takot sa binatang nasa harapan niya.
“Anong gusto mong gawin ko? Malay ko bang dito ako dadalhin ng portal!”
“Miss, uulitin ko sa ‘yo, hindi ako nakikipagbiruan. Kaya naman sabihin mo na sa ‘kin ang dahilan mo kung bakit nandito ka kwarto ko?”
Sa halip na sagutin ng dalaga ang tanong ni Timothy marahan siyang tumayo at kaagad na nagtungo sa lamesa sa kwarto ng binata kung saan nakapatong ang hindi kakapalang libro. Mabilis naman niya itong binuhat at parang isang bata na iniharap ang libro sa binatang kasalukyang nakakunot ang noo.
“Hindi rin ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Ngayon, ang tanong ko naman ang sagutin mo, bakit nandito ang larawan ko sa pagmamay-ari mong libro?” Seryoso namang tanong ng dalaga habang hawak-hawak pa rin ang libro.
“Larawan? Nababaliw ka na bang babae ka? Paanong magiging ikaw ‘to?” Nakakunot ang noong pagtatanong naman ni Timothy sa dalaga.
“Ikaw ang baliw! Kitang-kita naman na ako ‘to! Bagamat, hindi nakikita ang buo kong mukha rito, sigurado akong larawan ko ‘to.” Pangangatwirang litanya naman ng dalaga sa binatang ngayon ay nakanganga na.
Saglit namang natahimik ang binata sa sinabi ng babaeng kaharap nito. Bagamat may ideya na si Timothy sa sinasabi ng dalaga pero kaagad itong binura ng binata sa isipan dahil alam nitong imposibleng mangyari ang bagay na ‘yon. Bagamat alam ng binata na imposible ang bagay na naiisip nito, ngunit, may parte sa puso nito na naniniwala ito sa sinasabi ng dalagang nasa harapan nito. Samantalang, bahagya namang nanahimik ang dalaga habang matiim na sinusuri niya ang librong hawak-hawak kung saan nakalimbag ang kaniyang larawan. Akmang bubuksan na sana niya ito nang mabilis na inagaw ito sa kaniya ng binatang si Timothy.
“Kung ikaw talaga ang nasa larawang ito, anong ginagawa mo rito sa kwarto?”
Sa inis ng dalaga dahil sa paulit-ulit na tanong sa kaniya ng binatang kaharap niya isang malakas na sapok ang iginawad niya rito. Kung kaya’t mabilis na nanlaki ang mata ni Timothy dahil sa ginawa rito ng dalaga, sapagkat, sa buong buhay nito, ang babaeng kaharap lamang nito ang naglakas ng loob na saktan ito. Para bang pakiramdam ni Timothy ay wala man lang kinatatakutan ang dalagang nasa harapan nito.
“Isang tanong mo pa kung anong ginagawa ko rito sa kwarto mo, hindi lang ‘yan ang sasapitin mo sa akin! Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na rito nga ako dinala ng portal.”
“Shimatta! I can’t believe it!” hindi makapaniwalang pahayag ni Timothy sa harapan ng dalaga.
“Ano bang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko? Bakit ba parang gulat na gulat kang nandito ako sa harapan mo?”
“The reason, why am I like this? That’s because of you!” Gulat na gulat namang litanya ni Timothy habang nakaturo pa ang kamay nito sa dalaga nitong kaharap.
Bahagya namang natahimik ang dalaga sapagkat pakiramdam niya ay duduguin siya sa binatang kausap niya. Para bang, nakikipag-usap lamang siya sa isang bata dahil sa ubod ng kulit ng binatang nasa harapan niya. Laking pasasalamat na lamang ng dalaga na nauunawaan niya ang sinasabi ng kaharap niyang binata. Hindi rin maiwasang magtaka ng dalaga dahil sa naging reaksyon ng binatang nasa harapan niya nang sinabi niya na sa kwarto siya nito dinala ng portal na binuksan niya.
“Bakit naman? At saka pwede ba tigil-tigilan mo ‘yang reaksyon mo na para bang gulat na gulat ka sa lahat ng sinasabi ko!”
“Malamang magugulat talaga ako! Sino ba namang hindi magugulat kapag nalaman mong ang tauhan sa kwento na ginawa mo ay bigla na lamang nagkaroon ng buhay!” Nanlalaki ang matang pahayag ni Timothy habang panay ang gulo ng binata sa buhok nito.
“A-Anong sinabi mo?”
“Ang sabi ko, isa ka lamang tauhan sa kwentong ginawa ko.”
Dahil sa narinig kaagad na nakaramdam ng panghihina ang dalaga sapagkat pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya hanggang ngayon. Hanggang sa pilit na lamang siyang napatawa dahil sa hindi tanggapin ng utak niya ang sinabi sa kaniya ng binatang nasa harapan niya. Samantalang si Timothy naman ay muling natahimik habang matiim na pinagmamasdan nito ang dalagang ngayon ay nakahalumpasay na sa sahig ng kwarto nito. Sa hindi malamang dahilan para bang nakaramdam ng awa ang binata dahil sa nakikita nitong hitsura ng dalagang nasa harapan nito.
“Kung totoo ang sinabi mo, anong nangyari kina ina at ama?”
“Ina? Ama? Sino ba ang tinukoy mo?”
“Hindi ba ang sabi mo, ikaw ang lumikha sa akin. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa ni Criselda sa ina’t ama ko?”
Bahagya namang nanigas ang binata dahil sa narinig nito sa dalaga, sapagkat, walang maisasagot si Timothy sa tanong dito ng babaeng kaharap nito. Sa katotohanan, wala pang naisusulat si Timothy para roon sapagkat ang katapusan ng istoryang sinulat ng binata ay ‘yong misteryosong tauhan na binuo nito ay mamamatay sa sunog. Kung kaya’t pakiramdam ni Timothy ay masisiraan ito ng bait dahil lamang sa babaeng nasa harapan nito. Sapagkat, ang balak ng binata ay gumawa ng panibagong kwento na may kaugnayan sa nauna nitong isinulat na istorya.
“Sa totoo lang ay hindi ko pa masasabi sa ‘yo ang bagay na ‘yan, sapagkat, kahit ako ay hindi ko pa rin alam.” Nag-aalangan namang litanya ni Timothy sa dalaga habang kakamot-kamot ito sa buhok nito.
“Akala ko ba ikaw ang lumikha sa akin, bakit hindi mo alam ang nangyari kina ina at ama?”
“Anong gusto mong gawin ko?”
Dahil dito, kaagad namang natahimik ang dalaga sapagkat hindi niya akalain na wala siyang makukuhang impormasyon sa binatang nasa harapan niya. Kung tutuusin, daig pa niya ang masisiraan ng bait sapagkat hindi niya akalain na isa lang pa siyang tauhan sa istoryang ginawa ng lalaking nasa harapan niya. Hanggang sa hindi niya namamalayan na paisa-isa na palang pumapatak ang luha niya dulot ng pagkadismaya dahil sa sinabi sa kaniya ng binata. Sapagkat, umaasa siya na malalaman niya ang totoong nangyari sa ina’t ama niya.
Kaagad namang nanlaki ang mata ni Timothy dahil sa nakita nitong lumuluha na ang dalagang nasa harapan nito. Kung kaya’t hindi nito alam kung ano nga ba ang gagawin sapagkat sa buong buhay ni Timothy hindi nito alam kung paano patahanin ang umiiyak na dalaga. Isama mo pa rito na hindi basta-basta dalaga ang nasa harapan nito kung ‘di isa sa mga tauhang nilikha ng binata sa istorya nitong patok na patok sa mga mahilig magbasa sa lugar nila.
“Paano na ako ngayon? Hindi naman ako pwedeng bumalik sa lugar na ‘yon. Natitiyak ko na hinahanap na nila ako ngayon.” Lumuluhang sambitla ng dalaga sa harapan ni Timothy.
“Will you please stop crying! If you want, you can stay with me for awhile.”
“Talaga? Patitirahin mo ako rito?”
“Yes! So, stop crying.”
Kung kaya’t mabilis pa sa kidlat na pinunasan ng dalaga ang luha sa kaniyang mata. Bagamat, nalulungkot siya dahil hindi siya sigurado kung ano nga ba ang nangyari sa mga magulang niya, malaki pa rin ang pasasalamat ng dalaga dahil may handa pa rin palang tumulong sa kaniya. Habang si Timothy naman ay kasalukuyang may hinahanap na sa kabinet nito na siya namang ikinataka ng dalaga.
“Ako nga pala si Jiselle Snow. Ikaw, anong pangalan mo?”
“I’m Timothy Lim.” Kaagad namang sagot ng binata habang may hinahanap pa rin sa kabinet nito.
Mabilis namang sumilay ang ngiti sa labi ng binata ng makita nito ang hinahanap nito. Kaagad namang inilabas ni Timothy ang isang itim na damit at short sabay bigay sa dalagang nasa tabi na pala nito. Sa halip na tanggapin ni Jiselle ang binibigay sa kaniya ni Timothy tanging pagkunot ng noo naman ang isinukli niya sa binata.
“Anong gagawin ko rito? At saka, bakit binibigay mo ‘to sa akin? ‘Di ba sa ‘yo ‘to?” Nakakunot ang noo namang tanong ni Jiselle habang matiim na nakatitig sa damit na binigay sa kaniya ni Timothy.
“Pansamantala ‘yan na muna ang suotin mo.”
“Ayos pa naman ‘tong suot ko.”
Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Timothy bago ipaliwanag sa dalaga kung bakit kailangan niyang magpalit ng damit. “Alam kong ayos pa ‘yang kasuotan mo kahit na may kaunting sira, pero, baka pagkaguluhan ka ng mga tao kapag ganiyang ang ayos mo. Kaya kung ako sa ‘yo suotin mo na ang ibinigay kong damit, at saka pwede bang maligo ka muna ang dungis-dungis mong tingnan.” Mahabang paliwanag naman ni Timothy kay Jiselle na tatango-tango naman sa harapan nito.
Matapos ang mahabang paliwanagan naiwang mag-isa sa loob ng kwarto si Timothy sapagkat kasalukuyang naliligo na sa banyo nito si Jiselle. Hindi man aminin ni Timothy sa sarili pero hindi nito maitatanggi na labis-labis ang kagandahan ng dalagang si Jiselle. Habang hindi naman mapigilan ni Timothy na hindi mapangiti sapagkat hindi nito akalain na ang tauhang nilikha nito ay ganoon palang kaganda. Sapagkat, kahit ito ang naggawa ng istorya ng dalaga hindi naman nito mismong pinakita kung ano nga ba ang totoong hitsura ng dalaga. Dahil kahit si Timothy ay hindi rin alam ang totoong hitsura ng dalaga. Sa madaling salita, nananatiling misteryo sa istorya nito ang buong katauhan ng dalaga.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang lumabas sa banyo nito ang dalagang si Jiselle. Sa hitsura nitong bagong paligo ngayon nakita ni Timothy kung gaano kaganda ang dalagang nasa harapan nito. Samantalang, matiim lamang na tinitingnan ni Jiselle ang suot niyang damit at para bang naninibago pa siya sa ganitong klaseng damit. Akmang magsasalita sana si Timothy ng makarinig silang dalawa ni Jiselle ng sunod-sunod na pagkatok sa may pinto. Tatayo na sana si Timothy sa pagkakaupo nito upang buksan ang pinto ng kwarto nito, ngunit, nauhan ito ni Jiselle sa pagbubukas ng pinto. Kaagad namang bumungad sa harapan ni Jiselle ang dalawang lalake na gulat na gulat ang reaksyon dahil sa kaharap na dalaga.
“N-Nandiyan ba si Timothy?” Nahihiyang tanong naman ni Tungsten sa dalagang si Jiselle.
Hindi pa man nakakasagot si Jiselle ay kaagad na sumulpot sa tabi niya si Timothy na nababakas ang gulat sa gwapo nitong mukha dahil sa dalawang taong kumatok sa pinto ng kwarto nito. Samantalang ang isa naman nitong kaibigan na si Magnesium ay nababakas sa mukha ang matindi pang-aasar para sa kaibigang si Timothy. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Timothy na mainis sapagkat alam ng binata na sandamakmak na pang-aasar ang aabutin nito sa kaibigan nitong si Magnesium.
“Ikaw ha! Hindi ka man lang nagsasabi sa amin.” Kaagad naman litanya ni Magnesium habang may nakalolokong ngiti ang nababakas sa labi ng binata.
“Tsk! Manahimik ka nga, Magna!” Inis namang pagsuway ni Timothy sa kaibigan nito.
Dahil sa nahahabaan si Timothy sa pangalan ng kaibigan nito kaya nagpasiya ang binata na tawagin na lamang itong Magma. Samantalang ang isa naman nitong kaibigan na si Tungsten ay matiim lamang na nakatitig sa dalagang si Jiselle na ngayon ay nababakas sa magandang mukha niya ang pagtataka.
“Timothy, kaibigan mo ba sila?” nagtataka namang tanong ni Jiselle sa binata.
“Yes.”
Kaagad namang napatango si Jiselle sa kaniyang nalaman sapagkat hindi niya akalain na may kaibigan din pala ang masungit na si Timothy. Ngunit, hindi nakaligtas sa tingin ni Jiselle ang kakaibang ngisi ni Magnesium na para bang natutuwa ito sa nasaksihan nito. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na mailang sa tinging ipinupukol sa kaniya ng kaibigan ni Timothy na si Magnesium.
“I’m Tungsten Perez, bestfriend of Timothy.” Nakangiti namang pagpapakilala nito kay Jiselle.
“And, I’m Magnesium Fox, the hottest bestfriend of Timothy.” Nagmamalaking litanya naman ni Magnesium sa harapan ni Jiselle.
“Ako naman si Jiselle Snow. Isa nga pala ako sa ta--”
Hindi na naituloy pa ng dalaga ang dapat na sasabihin niya nang bigla na lamang takpan ni Timothy ang bibig niya. Dahil dito, hindi naman maiwasan ng dalaga na maguluhan sa bigla na lamang na inasal ni Timothy sa harapan niya. Kasabay naman nito ay ang pagtataboy ni Timothy sa mga kaibigan nito.
“Tsk. Tungsten, Magnesium hintayin ninyo na lang ako sa baba. May mahalaga lamang kaming pag-uusapan ni Jiselle.” Punong-puno naman ng kaseryosohan na saad ni Timothy sa mga kaibigan nito habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa bibig ni Jiselle.
Kung kaya’t wala namang nagawa ang dalawa nitong kaibigan kung ‘di sundin na lamang ang sinabi ng kaibigan nilang si Timothy. Sapagkat, nababakas sa mukha ng kaibigan nilang si Timothy ang matinding kaseryoshan na para bang mahalagang-mahalaga talaga ang sasabihin nito kay Jiselle. Nang makaalis na sa harapan nila sina Tungsten at Magnesium saka lamang inalis ni Timothy ang kamay nito sa bibig ni Jiselle. Habang mabilis naman nitong sinaraduhan ang pinto ng kwarto nito.
“Ano ba! Bakit ba bigla mo na lang tinakpan ang bibig ko? Hindi mo ba nakikita na kinakausap ko pa ang mga kaibigan mo!” Naiinis namang pahayag ni Jiselle sa harapan ni Timothy.
“Paanong hindi ko tatakpan mukhang balak mong sabihin sa kanila kung sino ka ba talaga!” May halong inis namang pahayag ni Timothy kay Jiselle.
“Ano namang masama roon? Mga kaibigan mo naman sila!” pangangatwiran naman ni Jiselle kay Timothy.
“Alam kong kaibigan ko sila! Pero hindi nila alam na isang akong manunulat. Kaya mangako ka sa akin na magiging lihim lamang ito sa pagitan nating dalawa. Lalo na ang totoo mong pagkatao, maliwanag ba?” mahaba namang litanya ni Timothy sa dalaga.
“Kailangan ba talaga? Kaibigan mo naman sila kaya ayos lang naman siguro na malaman nila ang pagkatao ko.”
“Makinig ka na lang sa sinasabi ko. Bukod dito, kailangan mo rin mag-aral. Sa ganoon hindi ka naman mainip sa lugar na ito habang nag-iisip ako ng paraan para matulungan kita.”
Sa halip na sumagot pa ang dalaga tanging pagtango na lamang ang nagawa niya habang nakatitig pa rin sa binatang si Timothy. Kaagad namang napagtanto ng dalaga ang taglay na kagwapuhan ng binatang nasa harapan niya. Isama mo pa ang makinis na balat ng binata na pakiwari ng dalaga ay mas makinis pa sa balat niya. Habang ang matangos na ilong naman nito ang siyang bumagay sa maangas na mukha ni Timothy. Lalo na ang mamula-mulang labi nito na para bang nang-aakit na halikan ito.
Matapos ang mahabang paliwanagan sa pagitan nilang dalawa kaagad na nagpaalam si Timothy sa dalaga upang kausapin muna ang mga kaibigan nito. Samantalang, naiwan namang mag-isa sa kwarto ang dalaga kung kaya’t nagpasiya siyang mahiga muna sa kama ng binata. Hanggang sa hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang nilalamon ng kadiliman kasabay ang mumunting patak ng luha sa maganda niyang mata.
Samantalang, kaagad namang bumungad sa harapan ni Timothy ang kakaibang ngisi sa labi ni Magnesium habang prenteng nakaupo ang binata sa may sofa sa may salas nila. Habang si Tungsten naman ay tahimik lang ngunit mababakas sa mukha ng binata ang matinding kaseryosohan. Dahil dito, hindi naman maiwasan ni Timothy na hindi mapatawa nang bahagya sapagkat para bang abang na abang ang mga kaibigan nito sa sasabihin ng binata.
“Girlfriend mo ba si Jiselle?” kaagad namang tanong ni Tungsten kay Timothy.
“No. She’s not my girlfriend. She’s my childhood sweetheart.” Mabilis namang sagot ni Timothy sa kaibigan nitong si Tungsten.
“So, she’s available right now?” Nakangisi namang tanong ni Magnesium kay Timothy.
“No! She’s mine, Magna!” May halong inis naman ni Timothy kay Magnesium habang nanghahaba ang nguso nito.
Sa halip na sumagot pa si Magnesium tanging halakhak na lamang ang naging sagot ng binata kay Timothy. Dahil dito, kaagad na nahimik na lamang si Timothy sapagkat alam nitong nabiktima na naman ito ng pang-aasar ni Magnesium. Habang dala-dala ni Timothy sa dibdib nito ang konsensiya dahil sa pagsisinungaling ng binata sa mga kaibigan nito.